PEP EXCLUSIVE: Kris Aquino settles issue with Korina Sanchez

"Nag-text ako, sabi ko, 'Can we try to love each other again? Hindi para sa ating dalawa kundi para sa kanya?' Sabi ko, 'Alam ko, handa kang mamatay para kay Mar. Alam mo rin naman na handa akong mamatay para kay Noy [Sen. Aquino, Kris's only brother], so halika na,'" relates Kris Aquino about her text message to Korina Sanchez (inset).


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kris Aquino kagabi, September 9, sa blessing ng opisina ng PPL Entertainment, Inc., na pagmamay-ari ng talent manager na si Perry Lansigan. Bago pumunta si Kris sa live telecast ng SNN—ang kanyang late-night showbiz talk show sa ABS-CBN—ay dumaan muna siya sa blessing ng kauna-unahang opisina ng PPL Entertainment, Inc.

Dito unang ipinaalam ni Kris sa PEP na nagkaayos at magkabati na sila ng dating nakatampuhan na si Korina Sanchez. Kung matatandaan, nagsimula ang isyu sa kanila dahil sa ginawang announcement nina Korina at Sen. Mar Roxas ng kanyang engagement sa noontime show na Wowowee, sa halip na kay Kris sila magpa-interview tulad ng pangako ni Korina sa kanya.

When asked kung kumusta na sila ng lady newscaster, nakangiting sumagot si Kris ng: "We're bati na. She replied na. Nagte-text na kami ulit, love it!

"It took time, ha!" dugtong niya.

Ayon kay Kris, kahapon lang din sila nagkaayos ni Korina.

"I made the effort. Nag-text ako. Inamin ko rin sa [TV] Patrol, kasalanan ko rin. There were times na, ito lang... During mom's [former president Cory Aquino] illness na nagkatampu-tampuhan kami, hindi ako nag-reply.

"And then, ngayon, nag-text ako, sabi ko, 'Can we try to love each other again? Hindi para sa ating dalawa kundi para sa kanya?' Sabi ko, 'Alam ko, handa kang mamatay para kay Mar. Alam mo rin naman na handa akong mamatay para kay Noy [Sen. Aquino, Kris's only brother], so halika na,'" nakangiting kuwento ni Kris.

Sumagot naman ba agad si Korina sa initiative niyang i-text ito?

"Mga four hours after, siguro pinag-isipan!" natatawa niyang sabi.

Kamakailan ay umurong na si Mar Roxas sa plano nitong pagtakbo bilang presidente ng Pilipinas sa 2010 upang magbigay-daan kay Noynoy. Kahapon naman ay tinanggap na ni Noynoy ang kahilingan ng marami na tumakbo siyang presidente at nais niyang maging running mate si Mar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN