PEP EXCLUSIVE: Kris Aquino will sell her house for Noynoy's campaign

"My brother is uncorrupted. Kung meron man akong puwedeng ipagmalaki, simple ang kapatid ko. Hindi talaga marunong mangurakot. Siya ang unang sigurong tatayo sa mesa kung may ganun at tatalikod at lalayas," says Kris Aquino about her brother, Noynoy (inset, top), who has declared his candidacy for president in the 2010 elections. The Aquino family also wants actor Dingdong Dantes (inset, bottom) to endorse Noynoy.


Pagkatapos mag-tour sa opisina ng PPL Entertainment, Inc., na pagmamay-ari ng talent manager na si Perry Lansigan, kagabi, September 9, ay nagpaunlak ng exclusive interview si Kris Aquino sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kahapon din ang 40th day ng kamatayan ng ina ni Kris na si dating Pangulong Cory Aquino, at ang araw kung saan idineklara ng kapatid niyang si Sen. Noynoy Aquino ang pagtakbo nito para sa pagka- presidente ng Pilipinas sa 2010.

Ayon kay Kris, buong-buo ang suporta ng pamilya nila para kay Noynoy.

"Oo naman. Kung hindi kami magtutulungan, sino ang gagawa noon for us?" sabi niya.

Hindi maikakaila ang overwhelming support ng taong-bayan sa kanyang kapatid. How does she feel about it?

"Ngayong ano kasi... I came from Bataan kanina, sa Cathedral nila, and it's really overflowing! Hindi ka na makagalaw halos. You know, it's a 12 noon mass. A regular day, but they were there. And, I think, siguro I cannot say thank you enough," pahayag ni Kris.

Sa pag-alala ng 40th day ng kamatayan ni Tita Cory, silang limang magkakapatid ay sa magkakahiwalay na simbahan um-attend ng misa.

"My Ate [Ballsy] went to Lipa. Another sister went to Antipolo. One was in Cubao. Noy went to Baclaran. I went to Bataan because of Archbishop Soc Villegas," banggit ni Kris.

CONTINUING THE LEGACY. Ayaw gamitin ni Kris ang mga salitang "history repeating itself" sa mga nangyayari kay Noynoy ngayon at sa pamilya nila, whether it's coincidence or fate na sa mismong 40th day ni Cory Aquino ay in-announce ni Noynoy ang kanyang candidacy for president at ipagpatuloy ang legacy ng kanilang pamilya.

Ani Kris, "Huwag namang history repeating itself. I just really, I think, responsibilidad kasi na ginagampanan ni Noy at ipinagpapatuloy lang niya. It's just that."

Matatandaang walang kabalak-balak si Tita Cory na tumakbo bilang presidente ng Pilipinas noong 1986, tatlong taon matapos paslangin ang asawa niyang si dating senator Ninoy Aquino. Ngunit dahil sa kahilingan ng maraming Pilipino ay nagpaunlak siyang tumakbo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon naman, wala rin sa isip ni Noynoy na tumakbong presidente. Pero dahil sa pagkamatay ng kanyang ina ay hiniling na taumbayan na tumakbo siya at ipagpatuloy ang kung anumang sinimulan ng kanyang mga magulang. (Click here to read related story.)

How does she feel about Noynoy's speech yesterday morning?

"We were going over it hanggang 2:30 in the morning. Noy is what you see is what you get. I'm very proud of that fact na hindi flowery yung language. Hindi maraming paliguy-ligoy. Walang poetry-poetry, diretso. And that's really him," saad ni Kris.

Definitely, bago raw pumayag si Noynoy na tumakbong presidente, lahat silang magkakapatid ay kinonsulta muna nito.

"Oo naman, in fairness kay Noy. Kasi siguro, alam niyang kami-kami ang magtutulungan. In our family kasi, most especially noong may sakit ang Mom, it was always a majority decision. Kung ano ang mga mangyayari.

"I have to say na yung pinagdaanan namin na one year and a half, na malubha ang karamdaman ng Mom, natuto kaming mag-communicate with each other and to respect each other, and even more than how we did before."

IF TITA CORY WERE STILL ALIVE... Ayon pa kay Kris, noong nabubuhay pa raw ang kanilang ina ay wala itong ibinilin na tumakbo si Noynoy na presidente ng Pilipinas.

"No, not at all. I can be very proud of the fact that our family was never power-hungry. At walang mga ganoong mensahe from Mom. Just always a reminder, kasi kapag dumarating si Noy, kung ano ang nagaganap sa Senado.

"I think, ang Mom, sa kanya was always lang paalala. First and foremost, apart from the legacy that Noy carries on, it's really talagang your duty towards the people. Yun lang talaga palagi ang ipinapaalala ng Mom sa kanya," lahad ni Kris.

Kung nabubuhay pa rin kaya ang Mommy nila, sa palagay niya ay isa ito sa magiging masaya sa naging desisyon ni Noynoy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung buhay ang Mom, that would not have happened," sagot ni Kris. "It would be a whole different case and if you ask me, kung papipiliin ako, even Noy, would choose to have Mom alive."

NOYNOY AS PRESIDENT. How does she see her brother as President?

"My brother is uncorrupted," diin ni Kris. "Kung meron man akong puwedeng ipagmalaki, simple ang kapatid ko. Hindi talaga marunong mangurakot. Siya ang unang sigurong tatayo sa mesa kung may ganun at tatalikod at lalayas.

"So, ang puwede kong ipagmalaki when I would ask people, yung mga kaedad ko at mas bata sa akin, 'Why do you like Noy?' The number one answer and always, 'Kasi hindi siya magnanakaw. Kasi, alam namin na hindi kayo magnanakaw.' Siguro, sa lahat ng pinagdaanan natin, masyado na tayong nasanay sa mga magnanakaw."

Gaano magiging aktibo si Kris sa kampanya ni Noynoy at kung sakaling maluklok nga ito sa puwesto?

"Ay, no, no, no! Yung presidential, if I become active, I'll be jobless! No!" natawa niyang sabi.

"Sa campaign, of course," pahabol niya.

Ganunpaman, it doesn't mean na kailangan daw niyang bawasan ang kanyang trabaho.

"Sinabi ko kanina sa interview, kailangan kong magtrabaho nang magtrabaho, kasi the less people na pagkakautangan mo, puwede naming maipagmalaki. Kanina, sinabi ni Noy sa akin, kasi nag-text ako, sabi ko, 'In-interview ako at sinabi ko, 'Yung bahay ko, para sa 'yo.' Sabi ko, 'Handa akong ibenta ang house and whatever the proceeds, alam kong kikitain ko ulit. Pero this happens only once in a lifetime.' Tapos, sinabi niya, 'I can't do that to your children.' And then, I said, 'But Mom did it for Dad twice,'" kuwento ni Kris.

A WEDDING BEFORE THE ELECTION? Sa ilang TV interviews ni Kris, naging vocal siya sa pagsasabing kung magpapakasal ang kapatid niya, willing siyang gastusan ang buong kasal nito. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may girlfriend ngayon si Noynoy sa katauhan ni Valenzuela City Councilor Shalani Soledad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, no, it's like this... I said, kung saan liligaya si Noy, alam naman natin, di ba? Ako, alam ko kung magkano ang salary niya. So, sabi ko, sige, kung gusto niya ang bonggang wedding, sagot ni Mama Kris! But you know, siyempre, itatanggi yun.

"But you know, the relationship is new. Huwag natin silang apurahin. In fact, Noy is almost 50 and he's been a bachelor for close to 50 years, di ba? So, hayaan natin siya to take his time and, as he told, he's old enough to make up his own mind, especially when it comes to love."

Ibig sabihin, wala pa ring kasalan magaganap even before the election?

"Parang ano... Si Noy dapat ang sumagot n'yan. Kasi, sinabi niya, 'Kristina, when it comes to my lovelife, please, hindi ako showbiz!'" natatawang sabi ni Kris.

JOSH & HIS UNCLE NOY. Alam naman ng lahat how close Kris's first son Josh is to his Uncle Noynoy. Aware ba si Josh sa mga nangyayari and the decision that his uncle made?

"Yes, he knows that there is a campaign because he grew up campaigning," sabi ni Kris. "Tapos kanina, I was watching TV and there were an old file footages of him [Josh] when Noy was running for the Senate. Ang laki na niya ngayon! Bigla talagang... My god, in two years, five inches and 50 pounds! Kasi, di ba, two years lang naman that Noy was in the Senate? So, yun lang, nakita ko ang footages, sabi ko, 'Si Joshy, plus 50 pounds na simula nung time na yun!'"

Nakikita ba niya ang excitement ng anak sa pagtakbo ng uncle nito?

"I don't know if excited, pero siguro kasi, it's ingrained in all of us."

DINGDONG AS NOYNOY'S SPOKESPERSON. Afterwards, tinanong ni Kris kung okey lang ba ang pagpapaunlak niya ng interview at saka ipinaalalang nagpunta naman siya sa launching at blessing ng PPL Entertainment, Inc. dahil talaga kay Perry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I came for Perry. Sorry ha... Nagpunta naman ako dito para sa kanya. Kasi, nanliligaw ako kay Perry at hindi ako nahihiyang aminin na nanliligaw ako. Sa mga ganitong sitwasyon, kinakapalan ang mukha!" natatawang pag-amin niya.

Ang "panliligaw" na tinutukoy ni Kris ay para sa serbisyo ng alaga ni Perry na si Dingdong Dantes. Gusto kasi ng pamilya nila na i-endorso ni Dingdong ang pagtakbo ni Noynoy.

Ayon kay Kris, "unanimous choice" nilang magkakapatid si Dingdong, lalo pa nga't very vocal ang aktor sa kanyang admiration sa bayaning ama ni Kris na si dating Senator Ninoy Aquino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN