Dingdong Dantes wants rumored girlfriend Marian Rivera and leading lady Rhian Ramos to be friends

"Gusto ko ay ma-discover nila yung friendship sa isa't isa. I don't want to be in between them. Since mga babae naman sila, may sarili silang paraan to get to know one another. I will not force them to do it and I will let them do that sa sarili nilang time," says Dingdong Dantes about Marian Rivera and Rhian Ramos (inset).


Hindi alam ni Dingdong Dantes kung makakapanood ang rumored gilfriend niyang si Marian Rivera ng pilot episode ng bagong primetime series niyang Stairway To Heaven sa September 14. Ang alam kasi ni Dingdong ay may trabaho si Marian sa araw na 'yon. Maging siya raw ay nasa set ng naturang series kaya doon na rin niya ito panonoorin.

Gusto sana ni Dingdong ay magkasama sila ni Marian na manood ng pilot episode ng Stairway To Heaven. Gusto niya kasing makita ang reaksiyon ni Marian at magbigay ito ng mga komento sa kanyang pag-arte. Kaso, may mga pumasok na trabaho kaya magbabalitaan na lang daw sila sa isa't isa.

"Nakausap ko naman si Marian and she really wants to watch the pilot," sabi ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Gusto ko nga kaming dalawa ang manood. Pero bigla raw may trabahong pumasok sa schedule niya at ako naman, may taping naman. Kaya kanya-kanyang panooran na lang kami.

"Excited naman siya sa show namin at nakikibalita naman siya parati kung kumusta ang taping namin, kumusta si Direk Joyce [Bernal]. Mga gano'n-gano'n lang. Masaya ako, kasi very supportive si Yan sa show namin," ngiti niya.

Sinabi rin ni Dingdong na si Marian pa raw ang nagsasabi sa kanya na may mga romantic scenes sila ng leading lady niya na si Rhian Ramos. Nagugulat nga ang aktor dahil alam ni Marian ang istorya ng Stairway To Heaven.

"Siya pa mismo nagsasabi ng eksena na hindi pa namin nasu-shoot. Nagugulat nga ako, e, kasi alam niya ang story. Nagpapaalala lang naman na kailangan prepared ako at nasa kundisyon parati ang isipan ko sa magiging taping namin. That's how she cares for me and the show," saad ni Dingdong.

MARIAN & RHIAN AS FRIENDS. Dahil nga sa mga kontrobersiya na alam niyang puwedeng mangyari between Marian and Rhian, gusto ni Dingdong na maging magkaibigan ang dalawa para maiwasan na ang hindi magagandang tsismis sa pagitan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit sino naman, gustong maging kaibigan ang isang tao," sabi niya. "For both Marian and Rhian, I want them to be friends. Puwede namang mangyari 'yon, di ba? Huwag lang maunahan ng kung anu-anong usapan.

"But I'm not saying na magkaaway sila. Much better kung magkaibigan sila kasi iisa lang naman ang network na pinagtatrabahuan namin at maliit lang naman ang mundo. Naniniwala naman ako na darating ang time na magkakatrabaho rin sila and what better way to start it kung magiging magkaibigan na sila, di ba?

"Nagkaroon na nga sila ng chance to work together sa Show Me Da Manny, pero nagkaroon kaagad ng maling tsismis. Pero nalinaw naman na 'yon both ni Marian and Rhian. So, wala naman talagang naging problema." (Click here to read related story.)

Nais ni Dingdong na makilala ng dalawa ang isa't isa na hindi siya ang pumapagitna.

"Gusto ko ay ma-discover nila yung friendship sa isa't isa. I don't want to be in between them. Since mga babae naman sila, may sarili silang paraan to get to know one another. I will not force them to do it and I will let them do that sa sarili nilang time," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN