Star Cinema stops Ang Tanging Pamilya shooting to grieve for cameraman killed in SuperFerry 9 tragedy

"Masasabi mo pa rin na salamat Panginoon at ito ay nangyari. Nakakalungkot man na nalagas ang isa, pero naka-survive naman itong 29. Dasal lang siguro sa pamilya na makayanan pa nila yung mga susunod na pangyayari. Dasal din sa survivors dahil very traumatic ang nangyari sa kanila. Alam natin na ang aksidente ay aksidente, pero maging eye opener din ito sa ibang tao na minsan mayroon tayong mga pinipilit mangyari na hindi dapat," says director Wenn Deramas (in photo) about


Nahinto ang shooting ng pelikulang Ang Tanging Pamilya ng Star Cinema dahil sa pagkamatay ng isa sa cameramen nila na si Fernando Estrada. Si Fernando ang isa sa mga nasawi sa paglubog ng SuperFerry 9 noong September 6 sa Zamboanga City.

Galing noon ang staff and crew ng Star Cinema sa General Santos City para kunan ang mga eksena ni Mommy Dionisia Pacquiao, na kasama sa Ang Tanging Pamilya, kung saan bida sina Joseph Estrada at Ai-Ai delas Alas. Sa kasawiang-palad ay naganap ang trahedya na ikinamatay ni Fernando at ng iba pa.

Ayon sa direktor ng Ang Tanging Yaman na si Wenn Deramas, sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal): "Kailangan, kailangang bigyan ng respeto ang nawala. Bigyang pansin natin na yung mga tao na napunta sa ganung klase ng trahedya, yung trauma nila, gamutin muna natin bago tayo magsimulang magtrabaho uli.

"Monday [Sept. 7], definitely pack-up yung shooting. Kahapon, sinabi ko na, 'O, walang shooting.' Hindi na pinag-usapan, automatic na yun. Ako, naghihintay lang ako kung kailan ako sasabihan. Pero nung nakausap mo naman ang mga tao, ang unang hirit nila, 'Trabaho na tayo, Direk.' Gusto nila din na huwag tumunganga at matulala, gusto nilang mag-work din."

Sa trahedyang nangyari, tinitingnan na lang ni Direk Wenn sa positibong paraan, na sa kabila ng pagkamatay ng isa sa kanila, 29 naman ang nakaligtas at buhay.

"Siguro hindi natin makukuwestiyon kung ano talaga yung klase ng pag-e-exit ng mga tao sa mundong ito. Kailangang may exit, puwedeng hindi siya namatay sa trahedyang yun. Puwedeng nasaksak, napatay, nabungungot... It so happened na nangyari yun dun at marami pa ang nadamay na iba.

"Ang sa akin, oo, nakakalungkot na isa sa aming kasamahan ang nawala. Actually, hindi ito ang una naming pagsasama, marami na kaming pinagsamahan na pelikula sa Star. But at the same time, ang tinitingan ko, ang positive angle ng pangyayari yun na lahat sila nabuhay, isa ang namatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masasabi mo pa rin na salamat Panginoon at ito ay nangyari. Nakakalungkot man na nalagas ang isa, pero naka-survive naman itong 29. Dasal lang siguro sa pamilya na makayanan pa nila yung mga susunod na pangyayari. Dasal din sa survivors dahil very traumatic ang nangyari sa kanila. Alam natin na ang aksidente ay aksidente, pero maging eye opener din ito sa ibang tao na minsan mayroon tayong mga pinipilit mangyari na hindi dapat."

Nasa bahay na raw si Direk Wenn nang mabalitaan niya ang paglubog ng SuperFerry 9.

"Nasa bahay, though sabay kaming umalis [sa GenSan]. Naka-eroplano kami nila Toni [Gonzaga, na kasama rin sa cast], tapos sila nagbarko dahil nga sa mga gamit. Tawagan agad, tapos sumama ako kung saan nandun lahat ng mga taga-Star Cinema, naghihintay ng balita. Then after nun, na-rescue na sila, nandun din ako, sumalubong din ako sa ABS para patawanin sila.

"Ang totoo niyan, 'pag sila ang kaharap ko, hindi ako nagpapakita ng lungkot, sobra ko silang pinapatawa. 'O, at least ngayon na-experience na ninyo yung na-experience ni Leonardo [DiCaprio] sa Titanic!' Ginaganun-ganun ko. Ginagawa kong katatawanan yung trahedya, kasi hindi tayo puwedeng ma-stuck dun, kailangan nating tumayo, bumangon... Maligo kahit takot tayo sa tubig dahil may mga taong natakot na sa tubig. Yun ang sabi ko sa mga tao, 'Trabaho na tayo, wala na tayong magagawa,'" lahad ng direktor.

AFTERNOON SOAP. Samantala, sinabi ni Direk Wenn na nagugulat siya sa mainit na pagtanggap ng publiko sa dinidirek niyang afternoon soap sa ABS-CBN, ang Precious Hearts Romances Presents Ang Lalaking Nagmahal Sa Skin, na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Derek Ramsay.

"Siyempre, nasanay ang kahit sino na ang timeslot na 'yan ay laging single digit, patay na oras. Kaya very experimental 'yan sa part ng ABS para maglagay ng isang show na ganun. Na-prove na naman na tama sila dahil pumapalo kami up to 20.9 percent, non-prime pa nga 'yan. Talagang na-prove namin na maganda yung show, maganda naman talaga. Nung ginawa ko ito, prinesent ko, na in-edit ko kina Direk Lauren [Dyogi], ako mimso ang natatawa, na natutuwa at kinikilig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaking bagay rin yung chemistry nina Derek and Toni. Sumobrang bumagay sa kanila na hindi natin in-expect na may chemistry pala sila, na nakakakilig pala sila. Sa akin, yung comedy na hindi pinipilit, yung lightness. Yung mga nakakatawa dito ay yung mga marunong magpatawa. Yung story bagay sa kanila, nag-match, nagtulung-tulong.

"Siyempre ako bilang comedy director, nakakapag-inject ako ng mga nakakatawang eksena talaga. Sa Facebook, nagtatanong ako, yung mga reaksiyon na sinasabi nila, sobrang nakakataba ng puso at ang dami talaga, puro positive ang feedback. Kahit ang management, sila ang nagsasabi sa akin," pagtatapos ni Direk Wenn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN