Toni Gonzaga saddened by tragic death of Ang Tanging Pamilya crew member

"Nakakalungkot. Siyempre, bilang isang artista, siyempre nakikita mo sila, na sila ang mas hirap at pagod sa mga shooting namin. So, nakakalungkot talaga na maisip mo na sila pa ang nagdanas ng ganoon. We just feel for them and we're always hoping for the best and praying na sana, maka-move on tayong lahat sa mga nangyari, and may this serve as a lesson," says Toni Gonzaga about a crew member of Ang Tanging Pamilya who died in the SupperFerry 9 tragedy


Natutuwa ang actress-TV host-singer na si Toni Gonzaga sa magandang feedback ng afternoon series nila ni Derek Ramsay sa ABS-CBN na Precious Hearts Romances Presents Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin.

"Siyempre, I'm really thankful and I also give credit to our director, Direk Wenn Deramas, because he was able to pull it out or pull it off sa amin ni Derek, yung mga ganoong kilig na eksena. So, it's a team effort," pahayag ni Toni nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng naturang afternoon soap kahapon, September 9.

Sa naturang serye ay gumaganap bilang katulong si Toni, at si Derek naman ang amo niya. May halong comedy at romance ang timpla ng kuwento ng Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin kaya masaya raw sila sa set.

"Okey naman kami, masayang-masaya. Nagpasabi nga siya [Derek] na hindi siya makakarating ngayon dahil may commitment, may shooting. But it's always a pleasure working with Derek, kasi napakabait, napaka-down to earth at mahusay na actor."

Kung madalas na mapanood si Toni sa mga temang light romance and comedy sa movies, iba raw ang character niya rito sa Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin.

"I think konting-konti lang ang pagkakaparehas ng mga role na ginagampanan ko. Kaya siya naiba is because si Direk Wenn is known as comedy director talaga. So, dito siguro sa seryeng ito, mas nag-full blast kami sa comedy. Mas nag-concentrate talaga sa pagpapatawa."

SUPERFERRY 9 TRAGEDY. Si Direk Wenn din ang direktor ng kasalukuyang Star Cinema movie na ginagawa ni Toni ngayon, Ang Tanging Pamilya, which also stars Joseph "Erap" Estrada and Ai-Ai delas Alas.

Pero dahil nga sa paglubog ng SuperFerry 9, lulan ang equipment ng Star Cinema, na nagkakahalaga ng ilang milyon, at ikinasawi ng isang crew na si Ronnie Estrada, stop shooting muna raw sila ngayon.

"Actually, we're supposed to shoot last Monday, but because of what happened, siyempre, respeto sa crew namin. Pagpapahingahin muna namin sila and also, we're also mourning dahil sa pagkawala ng isa naming crew. So, yun, bibigyan muna namin ng panahon para mag-mourn at para sa pamilya rin nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tingin naman ni Toni, hindi naman magiging dahilan yun para ma-delay ang showing ng movie nila. Ang mangyayari lang daw, malamang na mas maging doble ang shooting days nila. Pero may nag-inform sa kanya na mamu-move na raw on a later date ang showing ng pelikula nila.

How does she feel na halos positive lahat ng experiences niya shooting the movie, pero heto't may ganoong trahedya ngang naganap?

"Nakakalungkot. Siyempre, bilang isang artista, siyempre nakikita mo sila, na sila ang mas hirap at pagod sa mga shooting namin. So, nakakalungkot talaga na maisip mo na sila pa ang nagdanas ng ganoon. We just feel for them and we're always hoping for the best and praying na sana, maka-move on tayong lahat sa mga nangyari, and may this serve as a lesson," saad ni Toni.

Personally, may memories pa nga raw siya ni "Kulot," ang tawag kay Ronnie, dahil ito raw ang cameraman for E-Live nang interbyuhin ni Toni si Mommy Dionisia Pacquiao.

Paano niya nalaman ang trahedya?

"We were doing ASAP that day, then all of a sudden, may lumapit sa akin from ABS na, 'Did you hear what happened to the crew?' Siyempre, kapag ASAP, hindi mo naman alam ang mga nangyayari, sunud-sunod ang productions at spiels, hindi pa talaga nagsi-sink in.

"Pero noong nakita ko na nga, a lot of flash reports, news, then a lot of people were texting me... Actually, noong una, hindi ko pa talaga alam kung ilan ang nasawi. Ilan ang naka-survive. So, talagang nakakanerbiyos or nakakapanghina ng tuhod," lahad niya.

Pagkatapos nito ay naalala niya na it was Direk Cathy Garcia-Molina who told her sa nangyari sa barko at sa crew ng Star Cinema.

"When they finally announced that one of our crew members died, nakakapanghina, nakakalungkot na ganoon ang nangyari," ani Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Friday, September 11, magro-roll na silang muli dahil may playdate na rin ang movie, aside from the fact na aalis si Erap. Pero nagkausap-usap na raw silang sabay-sabay na dadalaw sa burol ni Ronnie kung maagang matatapos ang shooting nila.

ROBIN'S LEADING LADY? Sa ngayon, hindi pa masabi ni Toni kung siya nga ba ang magiging leading lady ni Robin Padilla sa paggawa ng action star ng movie sa Star Cinema.

"Hindi ko pa masabi. Pero, siyempre, I've been very vocal naman na matagal na matagal na, ever since, isa sa mga pangarap kong makatrabaho. Like right now, I'm very happy kasi katrabaho ko si President Erap. So, siguro, isa yun sa maidadagdag ko sa portfolio ko kung makakatambal ko si Robin Padilla."

Lumalabas din ang pangalan ni Bea Alonzo na posibleng maging leading lady raw ni Robin. So, if ever, won't she feel bad kung sa iba nga ito mapunta?

"Okey lang naman, okey lang naman... Kasi, gaya nga ng sinabi ko, pangarap lang naman yun. Hindi naman yun yung go na go na ako na, heto na, sinet ko na ang mind ko. It will always remain as a dream project for me. If it happens, I'm really thankful. If not, I'll just happy na kung maging Kapamilya siya, makikita ko siya sa compound ng ABS," saad ni Toni.

PINOY BIG BROTHER RETURNS. Sa ngayon, what also excites Toni ay ang muling pagbabalik ng Pinoy Big Brother. Masaya siya na isa pa rin siya sa magsisilbing host.

"Every season, siyempre kinakabahan din kami, baka they would want new [hosts]. Baka kumuha na ulit sila ng bago. E, thank God, kami pa rin naman ang kinukuha ni Kuya. Gusto pa rin naman niya ang serbisyo namin. Kaya ayun, I'm just really thankful and blessed na nandito pa rin kami. Gagawin pa rin namin ang season.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong niya, "Kasi siguro, isa sa masasabi kong pinaka-highlight din ng career ko ay naging host ako ng Pinoy Big Brother dahil doon ako na-recognize at napansin na rin as a host."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN