Glaiza de Castro realizes she's not yet ready to do sexy roles

"Well, naïve kasi ako sa mga ganyan kaya hindi ko alam kung nanliligaw o ano. Hindi naman ako suplada sa mga ganyan, e. May mga nagti-text, pero yung mga dumadalaw sa bahay... Malayo kasi ako. Kung gusto ako ng isang tao, pupuntahan nila ako sa Bulacan!" says Glaiza de Castro about courtship and suitors.


Ipalalabas pa lang ngayong September 14 ang pinakabagong serye ng GMA-7 na Stairway To Heaven, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, TJ Trinidad, at Glaiza de Castro. Pero nag-aalala na agad si Glaiza sa magiging impact ng kanyang kontrabida character sa serye.

Pangalawang kontrabida role na ito ni Glaiza sa GMA-7. Ang una ay ang afternoon soap na Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, kung saan kasama naman niya sina Maxene Magalona, Patrick Garcia, at JC Tiuseco.

Sa trailer pa lang ng Stairway To Heaven, ipinapakita ang pagiging maldita ng character ni Glaiza kung saan pilit niyang aagawin ang anumang meron si Rhian hanggang sagasaan niya ito sa labis na inggit para lang mapasakanya si Dingdong.

"Alam ko naman na role lang ito, pero siyempre, yung mga taong nanonood, baka madala sila sa character ko. Masarap pakinggan yung magandang feedback ng mga nakakapanood ng series ninyo, na pinupuri ang yung acting mo. Pero siyempre, hindi naman lahat naiintindihan na trabaho lang ito. So, sana naman huwag nila akong kainisan," asam ni Glaiza sa pakikipag-usap niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal)


NO TO SEXY ROLES. Pero kung sa pagganap ng sexy at bed scenes, mas gusto na lang daw ni Glaiza na gampanan ang kontrabida kaysa ulitin ang ginawa niya sa indie film na Astig, kung saan may passionate kissing scene at suggestive pumping scenes siya with Dennis Trillo.

"Hindi naman sa na-trauma ako doon sa ginawa ko, pero ayoko na munang gumawa ng mga sexy roles na katulad ng gano'n. Naisip ko na hindi ko pa pala kaya yung gano'ng mga scenes. Marami pa rin akong inhibitions at hindi pa rin ako gano'n ka-comfortable sa gano'ng scenes. Anyway, marami pa namang puwedeng pagpilian, e," sabi niya.

Upang makaiwas sa sexy roles, tuluyan nang kinalimutan ni Glaiza ang posibilidad na mag-pose siya sa men's magazinez gaya ng FHM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maraming nag-o-offer, pero huwag na lang," sabi niya. "Hindi ko talaga linya yung ganyan. Mas focus talaga ako sa pag-arte at sa pagkanta. Ipapaubaya ko na lang 'yan sa iba, tutal marami naman ang gumagawa ng ganyan."

PATRICK GARCIA. Samantala, natuldukan na talaga ang tsansang mauwi sa romantic relationship ang samahan nina Glaiza at Patrick Garcia.

Ayon kay Glaiza, madalas silang lumalabas ni Patrick kasama ang iba pang cast ng Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, gaya nina Maxene, JC, at Rich Asuncion.

"Magkaibigan kami. Hanggang doon na lang kami. Parang we're both happy that way," sabi niya.

Pero tinitiyak ni Glaiza na hindi siya tatandang dalaga ngayong wala pa siyang nagiging boyfriend.

"May mga nagpaparamdam... Well, naïve kasi ako sa mga ganyan kaya hindi ko alam kung nanliligaw o ano. Hindi naman ako suplada sa mga ganyan, e. May mga nagti-text, pero yung mga dumadalaw sa bahay... Malayo kasi ako. Kung gusto ako ng isang tao, pupuntahan nila ako sa Bulacan!" natatawa niyang sambit.


MAXENE MAGALONA. Isa si Glaiza sa iilang tao na nakaramdam sa pinagdaanang heartaches ng kaibigan niyang si Maxene Magalona sanhi ng breakup nito sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend.

Kuwento ni Glaiza, naiyak daw siya nang maglabas ng kanyang saloobin si Maxene nang mag-bonding sila nina Rich.

"Umalis kami dati. Nag-check-in kami. Girls' night out. Nag-share kami ng mga problema. Ako, sa personal ko, siya [Maxene] naman nami-miss niya ang dad niya. Nakakatuwa nga, e, parang eksena lang sa Aagawin. Parang eksena lang sa TV.

"Nakakatuwa naman kasi first time kong magkaroon ng kaibigan sa showbiz na masasabi kong totoong tao. Isa si Maxene sa mga taong 'yon, si Rich. Totoo kasi yung bonding namin. Kahit tapos na kami, nagkikita-kita pa rin kami ngayon. Lately lang, umalis kami, " kuwento ni Glaiza.

Naiintindihan daw ni Glaiza kung bakit nag-break down si Maxene sa bonding nilang ito dahil sa magkakapatong na pressure sa personal at trabaho na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Halo-halo na yun, e. Si Max kasi, lalo na sa work, napi-pressure siya. Siyempre palagi siyang umiiyak. Minsan naiisip niya na, 'Ang hirap-hirap na ng ginagawa ko, pinapaiyak pa ako dito. Umiiyak na ako outside the camera, tapos iiyak pa ako dito.' So, tinutulungan namin siya na, 'Okey lang 'yan, nandito lang kami kung kinakailangan mo ng tulong namin.' Pero after that naman, si Max 'pag nailabas na niya, makulit na naman siya."

Sa nakikita ni Glaiza sa pinagdadaanan daw ni Maxene, ngayon niya na-appreciate ang buhay na meron siya.

"Ngayon ko lang talaga na-experience yung 'pag pupunta ako sa set, mas magaan yung loob ko. Mas excited akong magtrabaho kasi yung mga kasama ko, walang pasaway. Lahat kami bonding, ang saya-saya namin. Kaya nga nalungkot rin ako no'ng mag-end na yung series namin. Kaya nga we make it a point na magkumustahan pa rin kahit hindi na kami magkakasama sa work," saad ni Glaiza.

Nakikita rin ni Glaiza na puwede silang maging magkaibigan ng co-star niya sa Stairway To Heaven na si Rhian Ramos dahil sa magandang samahan nila ngayon.

"Okey naman si Rhian. Ganyan din kami ni Max noong nag-uumpisa pa lang yung taping namin. Nagpapansinan kami, pero hindi kami naging super close. Nitong lang talaga kami naging close ilang weeks bago natapos yung show. Matagal pa naman ang itatakbo ng show namin [Stairway To Heaven], yung samahan namin. May time para makilala namin ang isa't isa," pagtatapos ni Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN