Kris Bernal prays with Aljur Abrenica for success of their launching movie

"Oo, MU kami. At saka si Aljur, malambing naman siya. Hindi pa namin masabi eksakto kung ano ang status. Basta masaya kami na magkatrabaho kami. We say 'I love you' to each other sa text, sa personal, kapag nagba-bye-bye. Siguro sa kiss, smack, yung ganoon," says Kris Bernal about leading man Aljur Abrenica.


Sa location pa lang, Bohol, ng pelikulang Nandito Ako... Nagmamahal Sa 'Yo ng Regal Entertainment, isa nang magandang dahilan 'yan para panoorin ang pelikula na idinirek ni Maryo J. de los Reyes. Ito rin ang launching movie ng loveteam nina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Kumbaga, may kilig agad sa trailer pa lang ng pelikula.

Ayon kay Kris, "First time lang din po naming makapunta ng Bohol. Napakaganda ng Bohol. Dito nila makikita kung gaano kaganda ang Bohol. Napakaganda ng Pilipinas. At siyempre, yung kuwento, ibang-iba ang kuwento.

"First time kong gumawa ng movie na makakasama namin si Baron [Geisler] at mga ibang batikang artista. Yun, medyo mature ang role. Ipapakasal na ako. May fiancé na ako at first time rin nga na ako mag-two-piece at siya [Aljur] naman, naka-trunks."

Actually, napakaraming firsts para kay Kris sa launching movie nila ni Aljur. Kahit daw yung ginawa nilang pagmo-motor na hindi nakasama sa pelikula, first din for her.

"Never pa akong nakasakay ng motor. Nag-stroll lang kami. E, gabi pa yun."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa presscon ng Nandito Ako... Nagmamahal Sa 'Yo kahapon, September 10, sa Imperial Palace Suites.

FROM TV TO MOVIE. Napatunayan na nina Kris at Aljur sa telebisyon na kaya nilang magdala ng isang serye, gaya sa Dapat Ka Bang Mahalin? at All My Life. Pero iba pa rin ang pelikula sa telebisyon. Aminado si Kris na nandoon ang kaba, lalo pa't malapit na silang husgahan sa showing ng launching movie nila sa September 30.

"Ako, kinakabahan ako," pag-amin ng young actress. "Pinag-uusapan namin. Kinakabahan kami. We go to church every Sunday. Pinagpi-pray namin na sana, yung movie, mag-click. Pinaghirapan namin yung movie kaya sana, yung outcome niya, maging maganda kung paano namin pinaghirapan."

Madalas nga raw, magkasama silang magsimba ni Aljur sa lugar ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa totoong buhay, ani Kris, hindi talaga siya nagtu-two-piece kapag nagsu-swimming. T-shirt at shorts lang daw ang suot niya.

"Ang hirap talaga... Sa part ko, nahirapan talaga ako. Conscious na conscious talaga ako. Talagang lumabas nga ako na naka-short at naka-sarong. Pero, kailangan kong gawin ang trabaho ko. Kailangan kong tanggalin.

"At saka, ako naman, malaki naman ang tiwala namin kay Direk Maryo J. Sobrang laki ng pasalamat namin na ibinigay niya sa amin ang movie na ito at pumayag siya. Kaya lahat ng request ni Direk, talagang sinunod namin," pahayag ni Kris.

A SEXIER KRIS. Payat lalo si Kris ngayon dahil nag-gym daw siyang talaga bilang paghahanda sa pagsuot niya ng two-piece sa movie. Pero kung pagiging cover girl sa men's magazines ang pag-uusapan, feeling niya, hindi raw siguro babagay ang katawan niya.

"Ang dami ngang nakapansin na pumayat nga raw ako. Pero hindi naman going sa pagpapa-sexy. Gusto ko lang maging firm ang katawan ko. Magkaroon lang ng korte, i-improve lang talaga. Pero not into sexy.

"Yung sa cover girl, hindi siguro. Hindi ko pa kaya yun. 'Saka, hello, ano ba, parang hindi naman pang-cover [yung katawan ko]? Kasi, parang sobrang petite ko kasi. Siguro kapag gumanda na talaga ang katawan ko," sabi ni Kris.

Kapag may nagsabi sa kanyang magpa-enhance siya, will she do it?

"Hindi rin, dinadaan ko na nga lang sa gym, e."

Most of the time, si Aljur na rin daw ang nagte-train sa kanya sa gym.

KISSING IN REAL LIFE. During the question-and-answer portion naman, napilitang sagutin nina Kris at Aljur ang tanong kung in real life ay nagki-kiss na sila dahil sa movie, naka-ilang kissing scenes daw sila at mahahaba pa. Kung sabagay, umamin naman na sila noon na mag-MU o may mutual understanding na sila.

"Oo, MU kami," sabi ni Kris. "At saka si Aljur, malambing naman siya. Hindi pa namin masabi eksakto kung ano ang status. Basta masaya kami na magkatrabaho kami. We say 'I love you' to each other sa text, sa personal, kapag nagba-bye-bye. Siguro sa kiss, smack, yung ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Exclusively dating ba sila ni Aljur?

"Nasa kanya naman yun," sagot ni Kris. "Sinasabi ko na okey lang kung gusto niya. Pero siyempre, ako, ayoko. Sana hindi. Pero, nasa kanya talaga yun."

Ano ang problema at bakit hindi pa nila masabing sila na nga?

"Sa akin kasi, natatakot ako, e. Hindi dahil baka babaero. Natatakot ako na kapag in love ako, marami akong nakakalimutan. Lumilipad ang isip ko. So, para sa akin, mas better na hindi muna," paliwanag niya.

Pero kung magkakaroon naman siya ng boyfriend, si Aljur daw ang pipiliin niya.

Malapit na ring magtapos ang All My Life, may follow-up project na ba sila ni Aljur sa GMA-7?

"Wala pa po. Pero siyempre, ako, gusto ko, gusto ko na siya pa rin ang makaka-partner ko."

Dugtong din ni Kris, "Siyempre, kinakabahan din kami. Dito rin [sa pelikula] magde-depende kung talagang nagwo-work ba ang loveteam namin. So, yun, sana talaga mag-click ang movie."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN