Jean Garcia sees no need for her and ex-boyfriend Polo Ravales to talk anymore

"Kasi sa akin, huwag na niyang ipilit ang mga gano'n na makipag-usap. Kung mangyayari yun, mangyayari. Pero huwag nang pilitin, huwag nang planuhin. At sa akin kasi, parang hindi na rin naman na kailangan. Kasi, parang what for? Para saan pa?" says Jean Garcia about not talking to ex-boyfriend Polo Ravales.


Madalas gumanap na kontrabida si Jean Garcia, gaya na lamang ng bago niyang primetime series sa GMA-7 na Stairway To Heaven. Kadalasan din ay kailangang manakit ni Jean sa mga eksena niya para ipakita ang pang-aapi niya sa mga bida ng teleserye. Kaya tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jean kung hindi kaya ang pagiging violent niya sa roles na ginagampanan ay galing sa mga naipon niyang sama ng loob sa mga lalaking nakarelasyon niya?

"Naku, mare, kulang ang isang sampal kung doon ko ibabase!" natatawa niyang sagot. Pero agad din naman niya itong binawi sabay sabing, "Hindi naman. Character lang yun. Role lang. Walang gano'n."

POLO RAVALES. Pagdating naman daw sa kanila ng dati niyang boyfriend na si Polo Ravales, inamin ni Jean na hindi pa siya handang makipag-usap sa aktor.

Nalaman din ni Jean ang mga hinaing ni Polo kaugnay sa patuloy na pang-iisnab ng aktres sa kanya. Ano ang reaksiyon dito ni Jean?

"Kasi sa akin, huwag na niyang ipilit ang mga gano'n na makipag-usap. Kung mangyayari yun, mangyayari. Pero huwag nang pilitin, huwag nang planuhin. At sa akin kasi, parang hindi na rin naman na kailangan. Kasi, parang what for? Para saan pa?" paliwanag ng aktres

Nang makausap ng PEP si Polo, sinabi nitong nahihirapan din siya sa sitwasyon nila ni Jean sa tuwing magkikita sila at hindi siya pinapansin ng aktres.

Pero ayon naman kay Jean, "Ang sa akin lang naman, sana natuto kaming pareho sa nangyari sa amin. Yun lang. Pero, hindi na kailangang magtsikahan pa."

Nabanggit din ni Polo sa PEP na ang pinag-ugatan ng kanilang hiwalayan ni Jean ay ang lumabas na balita tungkol sa kanila ng isa pang Kapuso talent na si Krissa Mae, na rumored girlfriend naman ngayon ng R&B Prince na si Jay-R.

"Alam mo, hindi ko na rin matandaan kung saan yung... Alam ko yung kay Krissa Mae na ganyan. Pero alam kong meron pa, e. Pero kinalimutan ko na siya at hindi ko na siya masyadong ma-recall kung ano talaga ang pinagmulan ng ano, e," saad ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Prangka namang sinasabi ni Jean na wala nang rason para alalahanin pa kung ano ang pinag-ugatan ng away nila ni Polo. Ilang beses nga niyang sinasambit ang katagang "what for?" habang natatawa.

Itinanggi rin ni Jean ang lumabas na balitang may utang daw sa kanya si Polo kaya hindi nito mapatawad ang aktor.

"Hindi sa akin yung issue na yun. Di ba, kay Krissa Mae yun?" tanggi niya, kasunod ng paglilinaw niya kung bakit hindi niya sinasagot ang isyung ito noon at sa halip ay tumatawa lang siya.

"E, kasi naman, nakakatawa naman talaga yung issue. Nakakahiya naman kasi yun. Wala akong gano'ng issue sa kanya. Wala talaga," mariing tanggi ni Jean.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN