Kris Bernal gives all-out support to Aljur Abrenica at Cosmo Bachelor Bash

"Nagulat ako! Kasi, nakita ko talaga yung self-confidence niya at nakita ko rin kung gaano kaganda ang katawan niya. Proud ako sa kanya, ang ganda! The abs! Alam mo yun, talagang tumayo ako at nagtitili ako. Wala akong pakialam. Basta bini-video ko siya. Ganun, grabe!" says Kris Bernal (inset) about loveteam partner Aljur Abrenica.


All-out ang suporta ni Kris Bernal sa ka-loveteam niyang si Aljur Abrenica sa ginanap na Cosmo Bachelor Bash kagabi, September 10, sa NBC Tent, The Fort, Taguig City. Wala ring tigil ang young actress sa pagkuha ng retrato kasabay ng pagtili habang rumarampa si Aljur sa stage.

Pagkatapos ng show, nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa backstage ng NBC Tent. Magkatabi na silang ini-interview ni Aljur ng TV at iba pang entertainment press kaya nakisama na rin kami.

"Proud ako! Bumili nga ako ng magazine [Cosmopolitan]. Sabi ko sa kanya, pirmahan niya para sa akin!" natatawang sabi ni Kris tungkol sa special supplement ng Cosmopolitan kung saan nakapaloob ang 69 Bachelors at Centerfolds this year, kabilang na nga si Aljur.

Nagulat daw si Kris sa napanood kay Aljur habang rumarampa ang kapareha.

"Nagulat ako! Kasi, nakita ko talaga yung self-confidence niya at nakita ko rin kung gaano kaganda ang katawan niya. Proud ako sa kanya, ang ganda! The abs! Alam mo yun, talagang tumayo ako at nagtitili ako. Wala akong pakialam. Basta bini-video ko siya. Ganun, grabe!" kuwento niya. (watch video)


ALJUR'S MOMENT. Ayon naman kay Aljur, naka-mask pa lang daw siya nang lumabas sa stage, hinahanap na raw niya si Kris sa audience.

"Naka-mask pa lang ako, hinahanap-hanap ko na siya at siya yung nakita ko. Kaya noong makita ko na siya, wala na akong ibang makita. Very happy ako na nandiyan siya, bukod pa sa lahat ng nandito para sa akin.

"At saka, this is my day, after six months of preparation, 'eto na yun. Tapos, nandiyan pa ang babaeng gusto kong makita talaga," saad ni Aljur.

Ano ba ang naramdaman niya noong rumarampa na siya?

"Parang 'eto na... In six months, yung kulong na parang nagtatago rito [sabay turo sa kanyang dibdib], parang biglang lumabas. Matagal kong pinaghandaan, 'eto na yung payoff. Tapos yung feedback naman ng audience, ang sarap, ang sarap!" sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang reaksiyon ni Aljur nang marinig niya ang tilian para sa kanya ng mga tao?

"Ang sarap, ang sarap pakinggan!" bulalas ni Aljur. "Pero siyempre, nandiyan si Kris. Si Kris ang nagpalakas ng loob ko."

Before the show, kinakabahan ba siya?

"Opo, sobrang kinakabahan ako," sagot niya. "Noong pagtawag pa lang sa akin, sobrang kinakabahan na 'ko. Pero noong makita ko si Kris, sobrang lumakas ang loob ko."

Bago ang ABS-CBN star na si Gerald Anderson, na siyang cover boy ng Cosmo Centerfolds this year, si Aljur muna ang lumabas and, eventually, nagsama sila sa stage kasama ng iba pang bachelors. Na-feel niya ba na parang may kumpetisyon sa kanilang dalawa ni Gerald sa stage?

"Para po sa akin, hindi ko naman po naramdaman. Feeling ko, kami ni Gerald, nag-enjoy lang kami sa ramp. At saka alam ko na pinagpaguran din niya yun. Parang ninamnam lang namin lahat ng pinagpaguran namin. Talagang enjoy lang, enjoy lang," sabi ni Aljur.

Sa backstage ay nagkausap din daw sila ni Gerald at nagkayayaan pa ngang mag-basketball paminsan-minsan.

Posible kayang next year ay mapapanood pa rin si Aljur na rarampa sa Cosmo Bachelor Bash? This year kasi ay isa siya sa gumimik kung saan binuhusan niya ang kanyang sarili ng mineral water sa stage.

"Hindi ko pa po masabi sa ngayon," nakangiti niyang sabi, na bakas pa rin ang kasiyahan sa kanyang mukha.

(Click here to see more photos.)

(Click here to watch video of Kris at the Cosmo Bash.)

Click here for cosmo.ph's complete coverage.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN