JC Tiuseco says topless stint at Cosmo Bash is the most daring he'll go

"Noong nasa backstage ako, sobrang kaba talaga. Medyo nanginginig-nginig pa, kasi medyo nag-crash diet ako dahil hindi ako nakapag-gym. Hindi ako nakapag-diet."


Kahit nagsimula bilang modelo si JC Tiuseco at nakarampa na before sa Cosmopolitan Bachelor Bash, hindi pa rin daw talaga maiwasang kabahan siya. Yun ang sinabi niya nang mamataan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ilang minuto bago magsimula ang Cosmo Bash '09 noong Huwebes ng gabi sa NBC Tent.

Pero noong rumarampa na raw siya ay nawala na ang kaba niya.

"Sobrang saya at saka, hayun nga, flattered ako at saka honored. Ikaw ba naman, tilian ka ng mga babae, parang nakaka... parang sobrang saya, di ba?"

Dugtong din niya, "Pero noong nasa backstage ako, sobrang kaba talaga. Medyo nanginginig-nginig pa, kasi nga naka-diet pa ako. Medyo nag-crash diet ako dahil hindi ako nakapag-gym. Hindi ako nakapag-diet.

"Pero noong rumarampa na ako, sobrang saya na talaga at pini-feel ko lang yung music."

Habang rumarampa raw siya, nakita niya ang grupo nina Maxene Magalona who went to Cosmo Bash para magbigay ng support sa kanya bilang kasamahan nila sa afternoon series na Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin.

"Masaya naman ako dahil sinusuportahan nila ko at, siyempre, pati na rin yung ibang mga Kapuso stars."

KAPUSO AND KAPAMILYA TOGETHER. Hindi raw kumpetisyon among the Centerfolds ang naramdaman niya habang rumarampa kundi pare-pareho lang sila.

Aniya, "Sa akin wala, e. For me, walang kumpetisyon. Kasi, once part kayo ng Centerfolds, kung sino-sino man kayo, happy na ako na nakasama ako sa top 10."

Maganda ang ginawa ng Cosmopolitan magazine na napagsama-sama sa isang event ang mga Kapuso at Kapamilya stars.

Kaya tanong namin kay JC, since magkakasama sila backstage ng mga Kapamilya stars, how was it naman?

"Okey!" nakangiti niyang sabi. "Actually yung iba, first time kong na-meet like sina Ejay [Falcon], sila Xian [Lim], first time ko silang na-meet pero okey naman, mababait naman sila. Si Gerald Anderson naman, nakaka-basketball ko na before. Okey naman kami. Batian agad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ramdam naman daw niya ang suportahan nilang mga Kapuso stars sa isa't isa, especially since halos lahat sila'y naging kabado sa ginawang pagrampa.

"Lalo na kami ni Aljur Abrenica. Alam niya kasi na naka-crash diet ako kaya sabi niya, bro, 'eto, puwede mong kainin 'to. Hindi ko alam kung anong klaseng fish yun pero sabi niya, okey raw, puwede ko raw kainin yun."

TOPLESS. Ano ang nakapag-inspire sa kanya sa ginawa niyang pagrampa?

"Siyempre, na-inspired ako, nakita ko yung mga tao. Nakita ko kung gaano karami ang mga taong nanonood kaya dun pa lang, na-inspired na 'ko."

Naka-topless lamang siya sa pagrampa. Sa palagay niya ba, yun na ang pinaka-daring na magagawa niya?

"Oo, e... feeling ko, yun na siguro ang pinaka-daring ko," nakangiti niyang sabi.


Click HERE to watch the video of the Celebrity Centerfolds walking the ramp at the Cosmo Bachelor Bash.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN