Pauleen Luna and Dennis Trillo mutually decide not to pursue relationship after Adik Sa 'Yo

"Hindi sa natatakot ako sa commitment or anything. I just want to give it some more time. Naisip ko rin naman na, what if matapos na nga ang show, will it still be the same? Gano'n pa rin ba ang magiging feelings namin for one another? Napag-usapan naman naming dalawa 'yan. And we decided na we should go on our separate ways," said Pauleen.


Marami ang nagulat nang ang magandang pagtitinginan nina Pauleen Luna at Dennis Trillo, na nagsimula sa set ng romantic-comedy series ng GMA-7 na Adik Sa 'Yo, ay bigla ring natapos nang mamaalam ang naturang series noong nakaraang Friday, September 11.

Ang akala'y mauuwi ito sa isang seryosong relasyon, kaya nagulat ang pamilya't mga kaibigan nang basta na lang ito natapos. Maraming speculations kung bakit nagbago ang pagtitinginan nina Pauleen at Dennis. Merong balitang may nakita na raw iba si Dennis kaya tinapos na nito ang pakikipag-ugnayan kay Pauleen. Meron namang nagsabing may nanulsol daw kay Pauleen na iwasan na si Dennis dahil sasaktan lang daw siya nito.

"ANG BILIS, E." Pero lahat nang iyon ay nilinaw ni Pauleen sa panayam namin sa kanya during the cast party ng Adik Sa 'Yo na ginanap noong Biyernes ng gabi sa Semicon Studio, Marcos Highway, Quezon City.

Sabi ni Pauleen, nag-usap naman daw sila ni Dennis nang maayos at na-realize nila na kailangan nilang pag-isipan ang lahat bago nila pasukin ang isang seryosong relasyon.

"Kami naman ni Dennis, naging close talaga kami when we were doing Adik Sa 'Yo. Hindi ko naman ini-expect na we would really hit it off kasi matagal ko naman na siyang kilala, pero hanggang batian lang kami kapag nagkikita kami sa Eat Bulaga or sa GMA-7 studios.

"Yung nangyaring closeness namin was very special for both of us. Basta na lang nangyari and it's something na hindi namin parehong makakalimutan. Sa nangyari ngang ito, pakiramdam ko na it's all going too fast.

"Ang bilis, e. Kasi in the span of time na nag-e-air ang Adik Sa 'Yo, doon nangyari lahat. Hindi sa natatakot ako sa commitment or anything. I just want to give it some more time. Naisip ko rin naman na, what if matapos na nga ang show, will it still be the same? Gano'n pa rin ba ang magiging feelings namin for one another? So yun ang mga nasa isip ko talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magulo pero napag-usapan naman naming dalawa 'yan. And we decided na we should go on our separate ways. On my part, gusto ko munang pag-isipan ang lahat. I've been through many relationships na mabilis nangyari. I want to give this more time. Gusto kong pag-isipan ito nang husto," paliwanag niya.

NO THIRD PARTY. Nilinaw ni Pauleen na walang third party na involved at walang nagsusulsol sa kanya.

"Walang ibang taong involved. Nagulat nga ako nang idamay nila ang name ni Jennica [Garcia]. Pinagselosan ko raw siya. Naku, kami pa ni Jen, e, para kaming magkapatid niyan. Walang kinalaman si Jen o kahit na sino.

"Tungkol naman sa mga nagsusulsol daw sa akin, wala namang gano'n. Sa edad kong ito, madadala pa ba ako sa mga sulsol? May tamang pag-iisip na ako and I can decide on this on my own. Hindi naman ako basta rin naniniwala sa mga sabi-sabi lang."

Mami-miss raw ni Pauleen ang nakita niyang wacky side ni Dennis. Inakala niya noon na isang tahimik at seryosong tao si Dennis pero nakita niya ang kakaiba nitong personality.

"I never thought nga na may gano'ng side si Dennis. Nagulat din ako at natuwa at the same time. I always thought nga na he's very formal, a gentleman, very quiet and only focuses sa trabaho niya. Pero pinakita ni Dennis sa akin yung ibang side niya. He has this wacky personality na nagustuhan ko.

"Natuwa nga ako kasi he showed me that other side of him na hindi nakikita ng ibang tao. Pinapakita lang daw niya iyon sa mga taong malapit sa kanya. Kaya I feel so lucky na isa ako sa mga naka-discover no'n."

BORACAY ACCIDENT. Kaya nga noong maaksidente si Dennis kamakailan sa Boracay ay hindi rin napigilan ni Pauleen na mag-alala sa naging kalagayan niya. Ayon sa balita ay si Pauleen ang unang tinawagan ni Dennis nang mangyari ang hindi inaasahang aksidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He called me up and he was crying. Nataranta rin ako kasi ang alam ko, he was having fun kasi nga tapos na ang taping namin and he always said na gusto niyang magbakasyon muna. Nabanggit nga niya na he was going to Boracay.

"Kaya sobrang nagulat ako when something happened to him at sa mga kaibigan niya. It was the first time na narinig ko si Dennis na umiiyak nang gano'n and he was blaming himself sa nangyari.

"I told him naman na hindi niya dapat sisihin ang sarili niya. Walang may gustong mangyari iyon. He did what he had to do. Hindi niya kasalanan ang nangyari.

"Nagpapasalamat nga kami na naligtas siya and hopefully he will recover soon. Pinagdasal nga naming lahat si JB [Jollybee Borbajo]. Walang may gustong mangyari iyon. And we all wish Dennis to get well soon and to pray that everything will be all right," pagtatapos ni Pauleen Luna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN