Jolina Magdangal says she's fine with network decision to replace her with Carla Abellana in StarStruck

Jolina says she'll be glad to give her tyro replacement some hosting tips: "Carla is welcome anytime na kausapin ako. I have nothing against her at wala siyang kinalaman kung bakit siya pinili. I can give her some tips on how to talk to the audience at maging kumportable siya sa ginagawa niya onstage. Anything na gusto niyang malaman, puwede niyang itanong sa akin."


Nagsalita na si Jolina Magdangal tungkol sa hindi na niya pag-host ulit sa pagbabalik ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck.

Ang bida ng Rosalinda na si Carla Abellana ang kinuhang kapalit ni Jolina na host ng show for three straight years.

Nakapanayam namin si Jolens sa cast party ng Adik Sa 'Yo last Friday night at sinabi niya na hindi maiiwasan na malungkot siya dahil mahal niya ang programang StarStruck. Pero wala naman daw siyang magagawa kung desisyon ng management na subukan naman ang isang baguhan.

"Hindi naman ako plastik na tao para sabihin na okey lang na hindi ako ang kinuha. Siyempre, kahit papa'no, nalungkot ako kasi nga yung StarStruck naging bahagi na siya ng buhay ko. Isa nga 'yan sa mga shows na pinagkatiwala sa akin when I transferred to GMA-7.

"Wala naman ako sa posisyon para kuwestiyunin yung choice nila. Management na 'yan at nirerespeto namin ang pinipili nila. Mami-miss ko lang ang show kasi maganda ang naging rapport namin nila Dingdong [Dantes] at Raymond [Gutierrez]. And I wish that Carla will experience the same thing as well."

HOSTING TIPS FOR CARLA. Nilinaw ni Jolina na wala siyang sama ng loob kay Carla or sa mga taong nasa likod ng StarStruck.

"Wala namang gano'n feeling. I have nothing against Carla or to anybody involved sa show. Wala akong karapatan na magalit sa kanila.

"Noong magtanong nga si Daddy regarding StarStruck, kasi may nakarating na nga sa amin na baka mag-reformat daw ang show kasi iibahin na nila ang concept. So may pakiramdam na kami na mag-iiba rin ng hosts. Pero ako lang pala ang pinalitan at na-retain sila Dong at Mond.

"Nalaman ko na lang kasi lahat 'yan noong nakabalik na ako from Hawaii. Hindi na rin ako nagtanung-tanong kasi yun na ang mga lumabas. Tanggap ko naman na lahat 'yan and siguro nga, it's time na may iba naman silang host na subukan," ngiti pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit ni Carla na gagawa siya ng paraan para makausap si Jolina dahil nga sa pagpili sa kanya sa StarStruck. Hihingi rin daw ito ng hosting tips kay Jolina dahil first time niya itong gagawin.

"Carla is welcome any time na kausapin ako. For sure magkikita kami sa SOP and she can approach me naman anytime. Like what I said, I have nothing against her at wala siyang kinalaman kung bakit siya pinili.

"Kung hihingi siya ng advice, okey lang. I can give her some tips on how to talk to the audience at maging kumportable siya sa ginagawa niya onstage. Anything na gusto niyang malaman, puwede niyang itanong sa akin."

RIGHT WAY TO SING ANTHEM. Tungkol sa pagkanta niya ng "Lupang Hinirang" noong laban ni Brian Veloria kay Jesus Iribe last August 29 sa Honolulu, Hawaii, pinuri si Jolens dahil sa tama niyang pag-awit ng Philippine national anthem. Pero napansin naman na kaliwang kamay ang inilapat niya sa kanyang dibdib noong inaawit niya ito. Dapat daw ay kanang kamay.

"Ganito kasi ang nangyari: nadulas ako sa bathtub sa hotel room ko sa Honolulu. Ang naitugod ko itong right arm ko para ma-break ko ang pagbagsak ko. E, ang lakas ng paghampas ng elbow ko kaya namaga ang buong right arm ko.

"May pasa ako sa may elbow at sa may wrist ko. So hindi ko siya ma-bend talaga. Ilang days pa bago mag-subside ang maga. Kaya noong araw ng laban, namamaga pa siya at kahit anong pilit na i-bend ko, masakit.

"Kaya noong nasa boxing ring na ako, gusto ko talagang gamitin ang right hand ko para ilagay sa dibdib ko. Kaso hindi talaga kayang mag-bend at masakit talaga siya. Kaya ginamit ko ay yung left hand ko.

"Kaya nagsu-sorry ako sa mga nakapansin no'n, kasi talagang ginamit ko na ang lahat ng powers ko to use my right hand. Nagpapasalamat naman ako sa mga magandang sinabi nila sa pag-awit ko ng 'Lupang Hinirang.' Wala talaga akong intension na ibahin ang tono niya. Kung ano ang tinuro sa amin sa school noong bata pa ako, yun ang ginawa ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PLANS DURING DOWNTIME. Tapos na nga ang Adik Sa 'Yo at maraming gustong gawin si Jolina dahil mas marami na siyang oras ngayon. Una ay ang pag-asikaso ng isang restaurant business sa Tagaytay at mag-aaral siya ng ilang short courses.

"Sobra kong mami-miss ang Adik Sa 'Yo. Lahat kami sa show, ang cast at crew, sobrang close kaming lahat. Kita n'yo naman, dito sa cast party ang saya-saya naming lahat. As in kilala namin lahat ang bawat isa. Kaya mahirap sa amin lahat na mag-goodbye kasi ang saya-saya naming lahat sa set.

"Now after the show, marami akong gustong gawin na. May napag-usapan na kaming resto business ng family ko in Tagaytay, kaya matututukan na namin 'yan. May mga iniisip akong kuning mga short courses pero hindi pa naman ako decided kung ano iyon.

"May time na rin ako mag-travel. Siguro gusto ko rin magbakasyon. Matagal ko na ring hindi nagagawa ang magbakasyon na walang trabahong kasama. Break muna siguro ako ng ilang araw para makapag-recharge.

"Nandiyan pa naman ang SOP at ang Dear Friend kaya mapapanood pa nila ako sa GMA-7. Ang alam ko ay may mga shows abroad akong gagawin din within the year. Kaya magiging busy pa rin ako hanggang katapusan ng taon," masayang balita ni Jolens.

EXCLUSIVELY DATING. Tungkol naman sa kanyang personal life, halatang happy si Jolina dahil may matatawag na siyang inspirasyon niya sa katauhan ni Mark Escueta (of the band Rivermaya). Sinama nga siya ni Jolens sa cast party ng Adik Sa 'Yo at ipinakilala sa mga tao roon.

"Gusto niya kasing makilala ang mga katrabaho ko. He never visited me kasi sa set kaya ito ang right time na ipakilala ko siya. Pinakilala ko naman siya as 'my friend Mark.' Hanggang doon muna!" sabay tawa niya.

Inaamin naman ni Jolens na exclusively dating sila ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, we have been dating exclusively. And we're getting to know one another more. Mas gusto ko kasing makilala namin ang isa't isa bago kami pumasok sa isang serious na relasyon.

"Alam ko na maraming nagsasabi diyan na hindi na ako dapat maging choosy kasi nasa ganitong edad na ako. Sa akin naman, wala kong nakikitang masama kung mamili ako, di ba? Lalo na kung may pagpipilian ka naman.

"With Mark, he's okay with me and my family. Gusto siya nila daddy at mommy kasi ang bait at magalang. 'Tsaka we have a lot of things in common kaya maganda ang mga napag-uusapan namin parati."

Nasabi rin ni Jolens that Mark makes her happy.

"He really makes me happy. In his own little way, nagagawa niyang mapangiti ako kahit pagod ako, puyat ako sa taping at hulas na ako sa trabaho. He goes out of his way to make me feel good and isa 'yan sa nagustuhan ko sa kanya talaga," pagtatapos ni Jolina Magdangal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN