JC de Vera admits career slump after involvement in Annabelle-Wilma rift

"Gusto mo ngang sumikat, marami naman humihila sa 'yo pababa. Ako, ine-expect ko lang ngayon, work. Kung anong ibigay sa akin, yun na lang. 'Saka hindi naman ako mawawalan kasi guaranteed ako. May guaranteed contract ako. Kung di ako mag-work, may ano ako... may bayad ako," says JC de Vera.


Nagpatawag ng presscon kahapon, September 13, ang talent manager na si Annabelle Rama para sa mga alaga niyang sina JC de Vera at Heart Evangelista. Kaugnay ito ng nalalapit na pagtatapos ng Ngayon at Kailanman, ang afternoon drama na pinagbibidahan ng dalawang artista sa GMA-7.

Maagang dumating si JC kaya siya ang unang kinausap ng entertainment press. Napansin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang malaking pagbabago sa ugali ni JC.

Hindi na siya paligoy-ligoy sa pagsagot. Hindi na nagdadalawang-isip si JC na sabihin ang tunay niyang nararamdaman. Isa raw ito sa mga pagbabago mula nang dumanas siya ng pagsubok na nagkaroon ng malaking epekto sa dating mainit na takbo ng kanyang showbiz career.

Si JC ang ugat ng court case ng kanyang manager na si Annabelle at ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Wilma Galvante.

MISSES PRIMETIME SLOT. Pagkatapos ng primetime show nila ni Rhian Ramos na Lalola ay itinambal si JC kay Heart sa afternoon soap na Ngayon at Kailanman. Hindi ba nami-miss ni JC ang pagkakaroon ng primetime show?

"Well, oo, nami-miss ko, pero nae-enjoy ko na ang magdrama. Lahat naman ng drama, nasa panghapon... Hindi naman ako mahirap katrabaho. Hindi ako namimili ng katrabaho. Kaya ko naman na pasayahin ang sarili ko, in my own way," sagot ni JC.

Ayon kay JC, wala pa rin daw offer sa kanya na magkaroon ng panibagong primetime show.

"Wala pa hanggang ngayon, kasi yun ang sistema nila. Halimbawa, natapos na yung isang show, meron na sila agad naka-line up kung sinong gagawa ng next show sa primetime. Kasi minsan, dalawa-dalawa 'yan kung magpalit, di ba? Ngayon, wala. Siguro next year pa."

THE CHANGE. Inamin ni JC na naramdaman niya ang mga pagbabago nang masangkot siya sa away nina Annabelle at Wilma.

"Meron... meron.... Like yung attention, medyo lumiliit. Nababawasan. Parang mas... Hindi ko naman masabi na nai-insecure ako sa iba, kaya lang ang hirap. Kasi, isa ako sa mga... Alam mo 'yon, minsan nauuna sa akin yung mga baguhan, mas nabibigyan ng atensiyon yung mga baguhan kesa... Di ba, ang tagal-tagal ko nang nasa primetime? Parang... Yung sa akin, ganoon talaga. At least, alam naman nila kung ano yung kaya kong gawin. Sila na yung bahala sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Hindi naman ako nagmamadali... Parang siyempre, nagsunud-sunod ako ng shows, di ba, before? Lumamig talaga [yung career ko], alam ko 'yon. Nanlamig, kaya lang... Yun nga, hindi mo kasi masabi kung anong plano nila. Di mo masabi kung sinong biglang iinit ngayon, di ba? Ako, at least, andiyan lang ako. Hindi naman ako nawawalan talaga."

NO REGRETS. Wala ba siyang pinagsisisihan sa mga nagawa niya o naging desisyon niya?

"Wala akong pinagsisisihan," sagot ni JC. "Parang ano, basta alam ko naman kung anong tama. Alam ko rin naman kung anong mali ko kaya wala, wala akong pinagsisisihan.

"Ano lang talaga, kailangan ng time. Hindi ka puwedeng magmadali sa lahat. Kung oras mo, di oras mo. Ako, okey ngayon, walang problema. Basta ako, huwag mawalan... Mahirap yung naka-stuck ka ng two months na walang ginagawa."

Ano naman ang naging realization niya sa mga nangyari?

"Keep your friends close and your enemies closer!" natatawa niyang biro. Sabay bawing, "Hindi, hindi... biro lang.

"Realization? Wala, ano lang... At one point, kailangan mong maging firm talaga. Kailangan mo maging strong. Natuto rin ako na hindi umasa sa ibang tao. Nagiging independent ako sa desisyon.

"After nung mangyari, wala... Kailangan kong magdesisyon para sa sarili ko kung ano ang gusto ko na mangyari, kaya nag-uusap kami ni Tita [Annabelle], ' O Tita, ito ang problema ko...' Naging, in a way, nag-mature..."

Babalik pa ba ang dating treatment, ang atensiyon na sinasabi niya?

"Ewan ko kay Ma'am Wilma. Siya yung nakakontrol. Siya yung in control sa nangyayari," sagot ni JC.

Nagkita na ba sila ni Ms. Wilma pagkatapos ng mga nangyari?

"Well, noong nagkita kami, binati ko siya. Wala siyang reaksiyon. Bumeso ako... Wala, okey lang... okey lang. Hindi ako bastos sa matatanda, e. Mataas ang respeto ko sa mga taong ganoon kaya walang masama. Dedmahin ako, okey lang," sabi ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"GUARANTEED CONTRACT." Sa nangyayari ngayon sa kanyang career, nag-iisip na ba siyang lumipat ng ibang TV network?

"Hindi ko alam," sagot ni JC. "May mga tao sa GMA na gusto nila na mag-stay ako. Mga matataas na tao din. Ayaw nila akong paalisin. If it's God's will, kung lilipat, e, di lumipat.

"Sa akin, hindi problema basta kumikita ako. Basta mabuhay ako kung ano na lang ang dumating. Kasi mahirap kung mag-e-expect ka nang mataas.

"Gusto mo ngang sumikat, marami naman humihila sa 'yo pababa. Ako, ine-expect ko lang ngayon, work. Kung anong ibigay sa akin, yun na lang. Saka hindi naman ako mawawalan kasi guaranteed ako. May guaranteed contract ako. Kung di ako mag-work, may ano ako... may bayad ako."

Itinanggi rin ni JC ang balita na sumasailalim siya sa blood transfusion at dialysis. Malusog na malusog daw ang kanyang pangangatawan kaya hindi totoo na may kidney ailment siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN