In My Life directorOlivia Lamasan explores complex drama and lightness

"Sa most recent works niya [Vilma Santos], ano pa ba ang pupuwedeng ma-cover ng pagiging ina? So, I thought, what if we do a story about a mother na other side naman. Ang kanilang pagka-flawed, yun. But na-notice ko, kahit na flawed ang mga nanay natin, there's always something endearing about them. But no matter how much we love them also, we cannot stand to be with them for five minutes. Ha-ha-ha!" says director Olivia Lamasan about the character Vilma Santos portray


Bukod sa lead cast ng In My Life, binigyan din ng Star Cinema ng sarili niyang movie trailer ang direktor ng pelikula na si Olivia Lamasan. Natuwa naman ang mahusay na direktor noong mapanood niya ang trailer niya for the movie, sa solo presscon niya para sa In My Life. Ipalalabas na ang pelikula sa September 16.

"Siyempre, I feel honored naman and since almost six years ago na hindi ako nakagawa ng pelikula, e, mabigyan ka ng ganitong klase ng pag-a-appreciate sa trabaho mo. Last movie na ginawa ko yung Milan, nung 2004," bungad ni Direk Olive.

Bakit nga ba siya natagalan bago gumawa ulit ng pelikula?

"Kasi after that, number one, remember that was the time na bumaba ang Channel 2. So, we were asked to focus on television, so, maraming oras ang napunta doon. 'Tapos aside from that, hinihintay ko si Ate Vi [Vilma Santos] for three years kasi inayos na namin 'to, napagmitingan namin kung ano ang kuwentong gagawin, natagalan din kami sa pagpili ng kuwento. There were about two stories before we finally came out with this."

Ang tinutukoy ni Direk Olive ay ang nabalita noon na kuwento ng isang ina na may tatlong anak na pawang mga bakla.

DRAMA AND LIGHTNESS. "Oo, iniba namin. Hindi na-pull off yung concept. 'Tapos meron pang isa na hindi rin na-pull off. And then, finally, what if ito yung kuwento, ayun. Si Raymond Lee at ako ang nag-isip na what if we come out with a story na si Ate Vi, gusto ko naman na parang nakakita ako sa kanya ng a certain lightness.

"I would still want to see her in a drama but with a lot of light scenes. Pero hindi siya nagpapatawa kasi hindi siya komedyante, e. Pero gusto kong makita ang isang nanay na parang nasalta sa isang, sa abroad na hindi niya kontrolado yung kanyang environment. So, to me that would make the situations funny for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But her character is controlling. Very controlling siya as a mother 'tapos akala niya perfect siyang ina. Akala niya perfect siya. She's the best mother in the whole wide world because that's her objective really. Uh, but unknown to her nung hiniwalayan siya ng asawa niya, hindi niya na-realize na she became so embittered by her past experience at hindi niya nalaman na nagsara pala siya emotionally.

"And with that, nadamay pati ang kanyang mga anak. Ironically, ang nakapagpa-realize sa kanya noon ay itong gay couple who happens na anak niya at yung isa, lover ng kanyang anak."

COMPLEX FILM FOR VILMA. Kailangan ba na for Lamasan's comeback film, ang bida ay si Gov. Vilma?

"No, for my comeback, it was never a comeback. Yung parang since I was focused on doing my work, parang, ah, wala akong iniisip na comeback. Hindi ko nga na-notice na hindi ako nakakapagdirek. Only recently... I was doing creative works for television noon, di ba yung mga teleseryes, yung mga ganun, MMK [Maalaala Mo Kaya]?

"Nung sinabi ni Malou Santos na, 'It's time for Vilma to do another movie with Star Cinema and I want you to direct it,' ako siyempre, natuwa ako dahil fan ako ni Vilma Santos. Pero natulala ako dahil hindi ko alam kung anong project ang gagawin ko for her.

"I want, ako kasi as a person, as director, the concept has to excite me. Kailangan meron akong ibigay, yun. So, naisip ko, ano pa ba ang gagawin ko kay Ate Vi? Parang nagawa na niya lahat ng pagiging isang ina. Sa Bata, Bata, isa siyang ina na ipinaglalaban ang custody ng kanyang mga anak. Sa Anak, isa siyang OFW na ina.

"So, sa most recent works niya, ano pa ba ang pupuwedeng ma-cover ng pagiging ina. So, I thought of, what if we do a story about a mother na other side naman. Ang kanilang pagka-flawed, yun. But, di ba, ako kasi parang na-notice ko, you know, kahit na flawed ang mga nanay natin, there's always something endearing about them? But no matter how much we love them also, we cannot stand with them for five minutes. Ha-ha-ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sabi ko, yung complexity kaya na yun ang maipakita and why. Yun ang ideal ng pelikula, so yun."

A MOM IN MID-LIFE CRISIS. Maingay ba si Governor Vi sa pelikula?

"Very sarcastic siya sa movie, yun. Pero sarcastic siya na nakakatuwa. Binuksan din kasi, si Vi kasi rito pumayag din siya na maipakita yung mga part, yung mga parte ng, you know, she's going through a mid-life crisis. Tapos, ah, hindi siya magaling mag-Ingles. Intimidated din siya sa Inglesan sa Amerika. But she's a teacher. She's a PE teacher for eight years and then she became a librarian. Kinulong niya ang kanyang sarili after hiniwalayan siya ng asawa niya. So yung ganun."

Si Tirso Cruz III ang gaganap sa humiwalay na asawa ni Vilma sa In My Life. Unang inalok ang papel sa real-life father ni Luis Manzano na si Edu Manzano.

Hindi naman sila nahirapang i-convince si Governor Vi na ganun na katanda ang role niya sa In My Life bilang isang ina?

"Parang there was no convincing. Wala, may apo na nga siya dito. Kasi ang ganda pa rin niya. She's ano, wala siyang kiyeme sa ganun."

Noong story conference pa lang ng In My Life, nakuwento ni Governor Vi na patatabain siya sa pelikula at gagamitan ng prosthetics. Natuloy ba yun?

"Ah, kasi sabi ko sa kanya, 'Ang ganda-ganda mo. Dapat dito losyang ang nanay na ito sa umpisa. And then, yung eternal bangs mo tanggalin natin. Tinanggal... tinanggal din ang mga panyo. Tapos, sabi ko, kailangan loose yung pagka-cut ng damit. Tapos pati yung lakad prinaktis namin kasi ang bilis niyang maglakad.

"I had to ask and I had to show her, 'O, ganito maglakad yung librarian, tingnan mo. Ganito sila, parang nagmumuni-muni palagi. Ang hindi lang siya pumayag, ang lagyan ko siya ng puson. Hahaha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpagawa kami ng parang prosthetics dito na para lumaki ang tiyan at puson niya, ayaw niya. Sabi niya, Direk, huwag naman na 'to, please. Sabi ko, 'O, sige, huwag na, huwag na.' Pinaluwagan na lang namin yung mga damit.

"Ayaw niyang magpalagay ng puson dahil baka hindi raw niya ma-carry. 'Tsaka mahirap din siyang patabain."

BRILLIANT JOHN LLOYD AND LUIS. Hindi naman impatient si Vilma sa dalawang co-stars niya na sina John Lloyd Cruz at anak na si Luis?

"No, very very supportive. Very supportive siya sa lahat."

May eksena raw si Luis na hindi makuha-kuha ng TV host-actor. Totoo ba 'yon?

"Wala, ang galing nila. Nag-rehearse sila on their own. Hindi, they were reading all by themselves. Nandun sila sa isang tent and then, so they would, nagre-reading kami. Sabi ko lang, 'to, itaas mo ang line mo dito', et cetera, et cetera.

"Tapos on their own nagre-reading silang dalawang mag-ina pero hindi binibigay ang emotions. It was on the set nung sinabi na action na binigay. Nag-safety ako ng another take. Beautiful yung performance ni Luis. Ah, nag-safety ako ng another tape for the audio. Kasi original sound kami, e. So, because of the audio.

"In fact, nakakatawa ang eksena na 'yan. Siyempre si Ate Vi, sinuportahan niya ang anak niya. So, nung take ni Luis, nandito yung kamera. She was crying and crying and crying.

"Nung turn na niya, natulala siya. Nung lumipat na yung kamera sa kanya, hindi na maganda yung kanyang performance. Pero sabi niya, 'Direk, Direk, take-two.'

"Sabi ko, 'Natulala ka sa anak mo.' Hahaha!

"Pero ang galing, ang gagaling nilang tatlo."

Take-one din daw yung confrontation scene nina Governor Vi at John Lloyd sa movie. Pero may mga nag-react na nadehado raw si Vilma sa eksenang 'yon dahil John Lloyd was allowed to shine at the expense of Governor Vi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ahhh... I think it was both theirs. Ang dami nilang mga moments. Kanya-kanya silang moments."

NOT A STAGE MOTHER. Hindi ba naging stage mother si Governor Vi kay Luis sa In My Life?

"Ay, hindi. Not at all. Stage mother, no. She would leave everything. Kasi may eksena kami sa New York, sa island, sa Liberty. Sa Liberty Island na sobrang dami ng distraction, like sobrang dami ng helicopters na flying around, ang daming tourist. Tapos yung mga bangka sa ano. So, ang dami-daming distraction na umiinit na talaga ang ulo ko na hindi pa makuha, hindi pa makuha ni Luis, so paulit-ulit kami. Tapos sobrang init ng araw na yun.

"So, siyempre kahit na, kasi si Ate Vi, hindi nangingi-alam 'yan, e. E, ako, kapag uminit na ang ulo ko, hindi ko na napipigilan, 'Cut! Luis! Come here!' Tapos, so, ulitin namin. Tapos idi-discuss namin yung scene, 'Take!'

"Tapos nakailang take na kami and ako I felt, siyempre, as a mom alam ko na nasasaktan na siya dahil napapagalitan yung anak niya. So, yun. Pero not once na narinig ko o nakitaan ko siya ng, 'Huwag naman.' O yung expression na 'huwag naman, huwag mo nang pagalitan', wala.

"She had so much respect for the director and the situation, yun. Na siya ay isang artista doon at hindi siya isang ina. And she would tell me, 'Direk, bahala ka na kay Luis.'"

INTIMACY NEEDS NO KISSING. Paano niya pinaghanda sina John Lloyd at Luis sa intimate scenes nila sa movie?

"Wala namang... I don't think there's a preparation for that, 'no. But for the role, sa totoo lang, walang kissing scene, wala. Sabi ko nga kina Roxy [Liquigan, Star ADPROM head], 'Roxy can I just say it?' Na walang kissing scene. There's really nothing. Kasi we were really after the PG-13 [rating], because of the theme magpi-PG-13 ka, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But when we offered it to them, I was really honest. Sinabi ko talaga sa kanila, should I need a kissing scene, I need a commitment from you, kahit semi-torrid na kissing scene, I need a commitment from you two guys that you will do it. Kasi ayaw ko lang masabi na iniwasan ko absolutely yun. Kaya lang, nung ginagawa na namin yung pelikula, feeling ko hindi na kailangan, hindi na necessary.

"Parang sobra na nilang napapakita ang pagmamahalan nila sa isa't isa. How they regard each other and how much they love each other without going into a torrid kissing scene. Hindi na siya kailangan."

So, puwedeng walang sex scene in a gay movie?

"There was one material na dapat gagawin namin ni John Lloyd about a gay couple. Yun talaga, it's about a gay couple.

"That's another project na dapat mauna. Nung hinihintay ko si Ate Vi sabi ko, ah, ito na ang gagawin namin ni John Lloyd. Kaya lang biglang nagpasabi si Ate Vi na ready na siya for this [In My Llife]."

Itutuloy pa ba niya yung project na 'yon for John Lloyd?

"Puwedeng matuloy yun pero I don't know if John Lloyd will accept. Yun, yun talaga [mas maraming sex scene]. Kasi it's a gay story. Eto kasi [In My Life] it's about the mother ng isang gay."

BACKSTORIES. "Yung preparasyon naman kina John Lloyd and Luis, marami akong interbyu na gay couples. One was, yun na nga, si Boy Abunda at si Bong [Quintana], si Dominic James, yung mga ganun. Tapos marami pa. Ah, after that, shinare ko naman... para mabuo ko ang backstory nina Mark and Noel. So after that, I shared it with the two and then nagkaroon kami ng one-day workshop with Laurice Guillen and then another workshop with me wherein I created five scenes ng backstory. Para ma-experience din nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kunwari, the time the couple met, ah, nagligawan tapos yung unang selebrasyon nila ng one year anniversary, yung unang selos, yung ganun. Five scenes yung na-create na inarte nila at kinunan ko sa digital camera para pagdating namin sa New York meron silang pinaghuhugutan. So, that made a lot easier for the two of them. And then, when we got to New York , nag-bar-hopping sila. Sabi ko, 'You have to experience the gay life here. Sabi ko, in so little time pero i-observe ninyo sila. Si John Lloyd, very inquisitive."

Nakailang bar naman sila sa New York?

"Mga one, magkasama sila together with sila Deng [makeup artist]. Kasi yung lambot, e. Straight-acting gay sila but I need... kailangan ng konting lambot. Hindi ma-gets ni Lloydie yun. Sabi ko, you have to observe how they are. Yung a few touches here and there."

Sa tingin ba niya, makaka-grand slam ng Best Actor award si John Lloyd sa movie?

"John Lloyd Cruz [is] such a brilliant actor. Ang mga mata niya serves the food of his soul. I get drowned in him every time. Kasi every time na tumitingin si John Lloyd, di ba? Ewan ko. Talagang nangungusap kasi ang mga mata niya. His eyes can convey a thousand words. Para sa akin, ang pinakamahirap na acting is subtle," huling sabi ni Direk Olive.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN