Heart Evangelista says getting back with ex-boyfriend Jerico Rosales is out of the question

"Hindi rin po ako namimili ng magiging boyfriend. It doesn't matter where he comes from [or] if he has money. What's important, mabuti siyang tao at mamahalin niya ang mga mahal ko, ang family ko. Pero wala po munang lovelife, focus muna ako sa trabaho," says Heart Evangelista.


Mula sa SOP kahapon, September 13, ay dumiretso na si Heart Evangelista sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, para sa pocket presscon na ipinatawag ng manager niyang si Annabelle Rama para sa kanila ni JC de Vera. Ito ay kaugnay ng nalalapit na pagwawakas ng pinagbibidahan nilang afternoon soap, Ngayon at Kailanman.

Ano pa ang dapat abangan sa kanilang afternoon soap na idinidirek ni Mike Tuviera for GMA-7?

"Marami pa pong mangyayari," sabi ni Heart. "Tomorrow [Sept. 14], last taping day na namin. After po ng mga hirap namin ni Edwin [JC's character], happy ending pa rin ito."

WHY SHE BACKED OUT OF PATIENT X. Pagkatapos ng pahayag ni Heart, lumapit si Annabelle sa kanya. Sabihin daw ang totoong dahilan ng pag-backout niya bilang leading lady ni Richard Gutierrez sa horror movie na Patient X.

Ang una kasing balita, inoperahan ang appendix ni Heart kaya siya nag-backout at pinalitan ni Cristine Reyes.

Pero kuwento ni Heart, "Kahit gusto kong makatambal si Chard sa movie, hindi ko talaga kinaya. First shooting day pa lang, alam kong hindi ko kayang tapusin ito. Sa isang abandoned building sa Marikina City ang location namin at iba ang napi-feel ko doon, nagkaka-goose pimples ako. Kapag nag-shoot sila, may nakikita silang figures. May sightings sila kapag kumuha sila ng pictures. Kinagabihang matulog ako, nagka-nightmare ako. Kaya sinabi ko sa mom ko na hindi ko na tatapusin ang movie, baka mamatay ako sa takot!

"Nag-sorry ako sa producers namin dahil nakapag-one shooting day na nga ako at matatapon lang 'yon. Naintindihan naman nila ang feelings ko. Dapat po talaga hindi ko na tinanggap 'yon. Kasi noon pa, ayaw ko na talagang gumawa ng horror show or horror movie. Then na-hospitalize nga ako and they found out na I need an appendectomy. Two weeks din akong nag-rest bago ako nakabalik sa taping ng Ngayon at Kailanman," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After ng Ngayon at Kailanman, may susunod na ba siyang project sa GMA-7?

"May isa pa akong movie na gagawin, but I'm not allowed to tell pa kung ano 'yon. Sa TV, ang Full House namin ni Richard," banggit ni Heart.

NO LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife niya. Totoo bang pinadalhan siya ng flowers ni Joey de Venecia? O, namimili ba siya ng magiging boyfriend ngayon?

"That's not true, hindi ko nga alam bakit may mga ganoong issue," sabi ni Heart. "Yes, may bumabalik na dating boyfriend. Hindi rin po ako namimili ng magiging boyfriend. It doesn't matter where he comes from [or] if he has money. What's important, mabuti siyang tao at mamahalin niya ang mga mahal ko, ang family ko. Pero wala po munang lovelife, focus muna ako sa trabaho."

Nasulat na noon na nakikita silang nagdi-date ng ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales. Tuloy pa rin ba silang nagkikita?

"Yes, two times po kami nagkita ni Jericho noon," pagkumpirma niya.
"Pero, ayaw ko na rin po. Hindi ko naman siya mahal as a friend, hindi na puwede talaga. Ayaw ko nang pahirapan ang sarili ko. Mas important sa akin ngayon ang makapag-invest ng kinikita ko."

HEART'S INVESTMENTS. Ano ba ang investments na gusto niya?

"Gusto ko pong bumili ng properties," sagot ni Heart. "Kaya ngayon, nagba-budget na ako ng mga gastos ko. Isinoli ko na rin ang four credit cards ko para hindi ako ma-tempt na bumili ng mga hindi ko kailangan. Nagtitipid na talaga ako. I'm living on a budget of seven thousand pesos a week."

Hindi na siya naggu-grocery and nagmu-malling?

"Mommy ko, naggu-grocery for me!" natatawang wika ni Heart. "Nagmu-malling pa rin ako, pero kapag may nagustuhan ako, pinag-iisipan ko nang ilang beses bago ako bumili. Kung hindi ko naman talaga kailangan, hindi ko binibili."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nabili na ba siyang property?

"Yes, a condominium unit sa Fairways in The Fort. But that's not for me. Ipapa-rent ko 'yon para kumita ako. I'm living comfortably naman sa condominium unit ko. I'm about to buy a property, a house and lot in Los Angeles, California. Tutulungan ako ng sister ko who's based there. 'Saka I want to take good care of my mom and dad, kaya gusto ko talaga makaipon. Palagay ko, I will be blessed kasi maganda naman ang intentions ko," saad ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN