Concert producer Jomari Yllana won't take high risk of movie-making

"As an actor kasi, mas nasanay ako sa mga pelikulang malalaki talaga ang budget," sabi ni Jomari. "Kung gagawa man ako, siguro yung sa ganitong mold na gaya ng Sa Pusod ng Dagat [1998, GMA Films] na ginawa ko, at saka yung Minsan Pa [2004]. Both are award-winning films," says Jomari Yllana.


Walang planong mag-produce ng pelikula si Jomari Yllana. Okey na raw ang kinabibilangan niyang Fearless Productions sa pagpo-produce ng live concerts. Ito na muna raw ang pagkakaabalahan niya.

"Gumagawa kami ng paraan para makapag-produce ng isa pa before the year ends. Pero wala pa kaming definite na artist," banggit ni Jomari Sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa plano ng kanilang production outfit na next project pagkatapos ng concert nina Martin Nievera at Pops Fernandez, David Cook at David Archuleta, at ni Marie Digby.

Bilang producer, wala sa isip niya ang makapag-produce ng pelikula, kahit ng indie film na mas murang gawin. It will take time for him to study the ins and outs of indie film productions, kung paano kikita ito, despite the fact na limited ang pinaglalabasan ng mga ito, at maraming constraints.

"As an actor kasi, mas nasanay ako sa mga pelikulang malalaki talaga ang budget," sabi ni Jomari. "Kung gagawa man ako, siguro yung sa ganitong mold na gaya ng Sa Pusod ng Dagat [1998, GMA Films] na ginawa ko, at saka yung Minsan Pa [2004]. Both are award-winning films.

"Sa ngayon, kakayanin kung sa kakayanin, pero gusto kong pag-aralan kung okey na ba ang market. Kung paano talaga kikita. Hindi naman ako ang tipo ng producer na papasok sa isang bagay, will take the risks, na mas lamang ang talo."

Bilang aktor, uhaw pa rin si Jomari sa matitinding challenges. Kung nabubuhay pa siguro ang dati niyang manager na si Douglas Quijano, hindi malayong maibigay pa rin ito sa kanya, kahit na sinasabing naghihingalo ang movie industry.

"Naalala ko tuloy yung sa Pusod ng Dagat, I was still so young when I did that film," pagbabalik-tanaw ni Jomari. "Pero ilang linggo kaming nasa location, sa isang isla, na ang mga kasama ko, the likes of Elizabeth Oropesa, the late Rolando Tinio, Pen Medina, Chin Chin Gutierrez, Ronnie Lazaro... puro thespians.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang laki ng naitulong nila sa akin, sa mga kuwentong nai-share nila. Kaya buhay pa rin yung mga naibahagi nila sa akin bilang artista, na gusto ko pa ring magamit kung sakaling may magagandang alok bilang artista.

"Pero sa pagpo-produce, huwag na lang muna. I don't want to rock the boat. So far, our ventures have been making money," nakangiting pahayag ng actor-producer.

WORKING WITH EX-WIFE AIKO MELENDEZ. Natawa na lang si Jom nang sabihin niyang ang latest movie nga pala niya ay ang Yaya & Angelina (The Spoiled Brat Movie) ng APT Entertainment at GMA Films. Mas kailangan daw yata sa panahong ito ang ganitong klaseng katatawanan, na for family entertainment.

"Paminsan-minsan, masarap gumawa ng ganitong pelikula. Father role ito na may twist, at wala kaming ginawa sa set kung hindi magtawanan nang magtawanan," aniya.

Kumusta naman sila ng ex-wife niyang si Aiko Melendez na co-star niya rito?

"Wala namang halos nabago sa amin ni Aiko," nangingiti si Jomari. "Magaan ang dating ng lahat sa set. Nag-uusap na lang kami ni Aiko tungkol sa anak namin [Andrei]. Minsan, naise-share niya yung tungkol kay Marthena [Aiko's daughter with ex-husband Martin Jickain], since kapatid naman yun ng anak ko, di ba? Ganoon lang.

"Basta happy ako sa nangyayari sa kanya, sa personal life niya. Kung ano ang maitutulong ko para sa kampanya niya, nandito lang naman ako," saad ng aktor tungkol sa planong pagtakbo ni Aiko bilang vice mayor ng Quezon City.

E, paano ang ex-girlfriend niyang si Ara Mina na tatakbo naman bilang councilor sa Quezon City?

"Sino ba ako para tumanggi kung humihingi siya ng tulong?" sabi ni Jomari. "Wala naman sigurong conflict dahil pagka-councilor ang itinatakbo niya, si Aiko ay pagka-vice mayor. Kaya okey lang na i-endorse ko silang dalawa. 'Yan ay kung kakailanganin talaga nila ang suporta ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maganda na itong sitwasyon namin, na may kanya-kanya nang buhay. At yun din lang ang gusto ko, na wala nang friction, lahat ay okey na. Kahit magkita-kita, wala nang tensiyon at kung anu-anong intriga."

Paano na ang sarili niyang political ambition?

"Hindi ko na siguro itutuloy," sagot niya. "Sign na yung pagba-back out ko noon [bilang councilor sa ParaƱaque], na ang ibig sabihin lang, sa ibang bagay ako mas nababagay. Ito ngang pagpo-produce na lang, and eventually, gusto kong bumuo ng talent agency. Pinaplano ko pa 'yan. Isa-isa lang.

"Politics is not really for me. Kasi, nawala na yung momentum. Hindi na ako interesado. Makakatulong naman siguro ako sa ibang bagay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN