Monsour del Rosario victimized by "indie-bayad" producer

"It's a malpractice. The word should be spread about them not paying their actors their due from their work," says Monsour del Rosario about indie film producers who don't pay actors like him.


Hindi masyadong aktibo ngayon sa pag-arte si Monsour del Rosario. Gustuhin man niyang maging-busy, walang masyadong dumarating na offers.

"Wala na ako kay Arnold [Vegafria]," banggit ni Monsour about his former manager, nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"I'm with Joji Dingcong now, kaso wala ring project naibigay sa akin. Ang last one was Kung Fu Kids [sa ABS-CBN]," pagpapatuloy ng actor-athlete.

"I'm busy with golf, basketball, taekwondo, boxing, and jujitsu. I always play basketball with the celebrity team," sabi rin ni Monsour, na kagagaling lang ng Samar at naghahanda raw para sa mga susunod na liga sa General Santos at iba pang siyudad nang ma-interview ng PEP.

"INDIE-BAYAD." Kinumusta rin ng PEP si Monsour tungkol sa paggawa ng pelikula. Last year, mayroon siyang cameo appearance sa Cinemalaya '08 entry na Namets ng kapwa-Ilonggo'ng direktor na si Jay Abello.

Nag-volunteer ng information si Monsour tungkol sa isang mahalagang bagay. Gumawa rin daw siya ng isa pang indie movie noong isang taon, pero sa kasamaang palad, ito'y isang "indie-bayad" project—as in, hindi nabayaran ang serbisyo ni Monsour.

"Yeah, Carlo Maceda [actor-producer] hasn't paid me for the indie film I made with them," tahasang sabi ni Monsour.

Ang nasabing project ay may titulong Kristo, sa direksiyon ng baguhang indie filmmaker na si Jerwin Espiritu.

"They owe me money," sabi pa ng aktor. "We shot it last year pa. It hasn't been released yet, or not that I know of. The producer was Carlo Maceda. The film is about cockfighting, kasama [sa cast] sina Jay Manalo, Aleck Bovick, etc."

"MALPRACTICE." Sa pamamagitan ng Internet ay napag-alaman ng PEP ang ilang bagay tungkol sa Kristo. Ito'y isinali sa Cinemalaya 2008, pero hindi pumasok sa finals ng full-length category. Gayunman ay itinuloy pa rin ni Direk Espiritu ang planong pagpu-produce ng pelikula.

Sa Cutud, Pampanga, nagkakilala sina Espiritu at Carlo Maceda, na nag-undertake ng project. Ang nasabing bayan sa Pampanga ang nagsilbing setting ng kuwento, kung saan malaganap ang tradisyong pagpipinitensiya at pagpapako sa krus ng mga "Kristo" tuwing Maleldo (Kapampangan Holy Week).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa madaling-salita, natuloy ang produksiyon at natapos ang pagsasapelikula ng Kristo, na ang iba pang artistang kasali sa cast ay sina Katherine Luna at Christian Vasquez.

Itinanong ng PEP kay Monsour kung okey ba sa kanya na banggitin ang pangalan ng prodyuser na "may atraso" sa kanya.

"Yeah, you can mention the producer's name," sabi rin ni Monsour. "It's the truth naman. Carlo Maceda hasn't paid me a cent for my four days work in Kristo, the indie film I made for him."

Para kay Monsour, makakatulong na banggitin na ngayon sa media ang pangyayari, para hindi na raw lumala pa ang situwasyon, at mapag-ingat ang iba pang aktor na gumagawa ng indie movies.

"It's a malpractice," aniya. "The word should be spread about them not paying their actors their due from their work."

HAPPY FAMILY. Otherwise, Monsour is happy with his marriage to former model Joy Zapanta, and a proud father of two kids, Isabella Dominique or Bella and Matthew Lorenzo or Matti.

"They are both fine at the moment. Bella is one year old; Matti is three years old na. Matti goes to school, at Toddlers Unlimited every day, from Mondays to Fridays," banggit ni Monsour.

Tulad ni Monsour, ang wife na si Joy is also into sports, gaya ng taekwondo, among other martial arts. At katuwang din niya sa pamamahala ng Olympians Taekwondo Training Center (OTTC) sa Fort Bonifacio.

"Joy is okay," sabi ni Monsour. "She's playing a lot of golf with me lately. I make her join tournaments with me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN