Vilma Santos says she has no ambition to be President of the Philippines

"Iba yung may ambisyon, e, iba yung destiny... May purpose lang ang Panginoon. So, kung saan niya ako ilalagay, dun lang ako and I will do my best. And definitely, God will take care of the rest. Pero yung aambisyunin na balang-araw na maging vice president or president, hindi. Wala kasi akong ganung ambisyon," says Batangas Governor Vilma Santos.


Madalang nang mag-guest nang live sa TV shows ang Star for All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos-Recto. Pero last Sunday, September 13, sa The Buzz ay live na na-interview ni Boy Abunda si Vilma para sa promotion ng kanyang pagbabalik-pelikula via Star Cinema's In My Life, kung saan kasama niya ang anak na si Luis Manzano at ang Box-Office King na si John Lloyd Cruz.

Bukod pa riyan, matapang ding hinarap ni Vilma ang mga matitinding tanong ni Boy sa "The Buzz Tough Ten." Napuno ang studio ng The Buzz ng Vilmanians na pumapalakpak at humihiyaw sa bawat sagot ni Vilma, bilang pagsuporta sa kanilang idolo.

Tough Ten Question No. 10: Matapos ang limang taon, gumawa ka ulit ng pelikula, ito ngang In My Life. Paano ka nakumbinsi na gawin ang pelikulang ito?

"Matagal din itong pinag-isipan. Pero siguro dahil yung role na ginampanan ko dito ngayon is something different, challenging, and first time kong ginawa. So, ito yung may old Shirley and new Shirley [role niya sa In My Life]. Yun siguro. Plus the fact that I will be working with John Lloyd Cruz. Ibig kong sabihin, bagong chemistry, bagong timpla na naman. And ang nakakadagdag pa siyempre, I will be working with my son Luis. And first time with Inang Olive Lamasan sa movie. So, maraming dahilan kung bakit ko tinanggap," paliwanag ni Vilma.

Tough Ten Question No. 9: Vi, si Luis halimbawa ay bibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng isang pelikula. At ang desisyong pumili ng leading lady ay nasa iyo. Ikaw ang pipili ng leading lady para sa iyong anak. At ang iyong pagpipilian ay A. Bea Alonzo, B. Anne Curtis, C. Angel Locsin, D. KC Concepcion. Sino sa apat na ito ang iyong pipiliin at bakit?

"Lahat naman siyempre mas maganda, Boy, di ba? Pero siguro kung ako ang tatanungin, sa ngayon muna, sa ngayon, siyempre lahat naman 'yan sana, as a mother, makapareha niya. But if you will ask me now, siyempre si Angel," sagot ni Vilma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tough Ten Question No. 8: Ang dami mong napakagandang mga pelikula—Dolzura, Broken Marriage, Relasyon, Sister Stella L., Rubia Serbios... Sa lahat ng papel na iyong ginampanan sa iyong karera, sino ang pinakamalapit sa iyong puso at bakit?

"Marami akong paborito, Boy," sabi ni Vilma. "Siguro hindi ko na nga mabilang, sa totoo lang. Again, if I may, isa kasi ako sa masuwerteng nabigyan ng mga ganung klaseng pelikula at naidirek ng ace directors. So, kung sasabihin mo na pinakamalapit sa karakter ko, palagay ko Bata, Bata... Paano Ka Ginawa?"

Bakit?

"Parang ako yun, e. Parang she's a liberated woman but with principles. Nagkataon din na dalawa ang kanyang anak, at nagkataong dalawa rin yung... magkaiba ang ama. Pero at the same time, hindi importante yun sa kanya. Pinaninindigan niya pa rin yung pagkatao niya, pagkababae niya, at yung kanyang role as a mother, bilang miyembro ng society. Dapat ganun talaga ang outlook sa buhay."

Tough Ten Question No. 7: Ito yung tanong na hindi maiiwasan. Sa ating mga young actresses today, Vi, sino sa palagay mo sa ating mga young actresses ang sumusunod sa iyong mga yapak?

"Ang sinabi ko noon ang isang talagang... Sa tingin ko lang na nakita ko na medyo parang yung dinaanan din ng career ko na isang flexible star or actress. Actually, ang sinabi ko si Claudine [Barretto]. Si Claudine kasi, parang yung dinaanan din ng career ko, Boy. Puwedeng magpa-sexy, tanggap ng tao. Puwedeng mag-drama, tanggap ng tao. Puwedeng magpatawa, tanggap ng tao. Puwedeng kahit role ng mistress, tanggap ng tao. Bihira yung may ganung klaseng flexibility. And si Claud ang nakita kong ganun.

"Pero if I may elaborate on this, wala naman dapat talagang sumunod sa mga yapak ng artista. Maaaring gawin nilang ehemplo, o i-idol nila, i-admire nila. Pero dapat gumawa sila ng mga sarili nilang pangalan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tough Ten Question No. 6: Vi, diretsahang tanong ito... para ipagtanggol ang buhay ng iyong anak, kaya mo bang pumatay?

"Any time. Kasi ang mga anak ko ang buhay ko. Sabi ko nga, ibigay na sa akin ang lahat—pain, problema... huwag lang sa mga anak ko. I'm sure naiintindihan ako ng mga nanay diyan. Alam ko po hindi magandang pakinggan. Pero sa totoo lang, kung literal nating gagamitin at papatay ka para sa iyong mga anak, gagawin ko," matapang na sagot ni Vilma.

Tough Ten Question No. 5: Vi, diretsahan muli ito... sumagi ba sa iyong isipan na si Angel na ang babaeng pakakasalan ng iyong anak na si Luis?

"Yun ba yung tanong? Parang ang sikip ng suot ko!" biro ni Vilma. "Ayoko na kasing mag-comment baka akala ako'y nakikialam. E, ayoko nang makialam. Nagkataon kasing anak ko, Boy."

Muling inulit ni Boy ang tanong at this time ay sumagot na si Vilma.

"E, kasi nakita ko kung paano sila naging masaya. Nakita ko kung paano sila magrespetuhan. Nakita ko kung paano sila magtulungan sa isa't isa. So, siyempre nung nakita ko yun, alam mo naman ang prayoridad ko is for my son to be happy. At kung alam kong makakapagpaligaya si Angel sa kanya, then why not, di ba? So, sana. But, mukhang may tsismis yata," maintrigang pahayag ni Vilma.

Anong tsismis?

"Hindi ko nga alam, e."

May bulung-bulungan kasi na wala na sila?

"Sana naman hindi. Sana hindi totoo."

Tough Ten Question No. 4: Ito'y napakadelikadong tanong... Ikaw ba ay handa nang magkaroon ng apo? Ikaw ba ay handa nang matawag na lola? Papayag ka ba?

"Hindi!" madiing tugon ni Vilma na ikinatawa ni Boy. "Ayokong tawagin akong lola!"

Anong gusto mo?

"Momsy. But... Yun nga, sabi nila masarap din daw magkaroon ng apo. Pero sa hitsura, mukhang hindi pa handa yung anak ko, e, si Lucky, e. But I really don't mind. Maybe looking forward someday na magkaroon ako talaga ng apo. At papatawag ako ng Momsy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tough Ten Question No. 3: Kung mayroong isang dance step na maglalarawan kay Vilma Santos, ano ito at puwede mong gawin at ituro sa akin? Let's do it Vi.

Sa kanilang pagtayo, malakas ang naging sagot ni Vilma na ikinatawa nang malakas ni Boy at ng mga tao sa studio, "Lambada! Lambada, Boy, Lambada!"

Naghanap pa ng music si Vilma bago tuluyang nagbigay ng sample ng dance step ng Lambada habang itinuturo kay Boy.

Pero bakit sa lahat ng sayaw, Vi, bakit Lambada?

"Kasi ang Lambada, I find it sexy. Ang ganda-gandang panoorin pero hindi madaling gawin. Kasi lahat puwedeng mag-sway, Boy. Pero iba ang sway ng Lambada at pag natutuhan mo yun, yun ang talagang sexy na sayaw. It's in the hips," rebelasyon ni Vilma, na inamin ding ilang beses na niyang sinayaw ito sa dati niyang variety show na Vilma!, at nami-miss niya raw tuloy ang musical-variety show niya noon sa GMA-7.

Tough Ten Question No. 2: Halimbawa lamang, kung gagawing pelikula ang buhay ni Ms. Vilma Santos, mag-casting tayo. Sino sa palagay mo ang dapat gumanap na Vilma Santos? Bilang Ralph Recto, bilang Edu Manzano, at bilang Nora Aunor? Unahin na natin si Edu, si Doods, sino sa palagay mo ang dapat gumanap?

"Si Edu Manzano rin."

Kay Ralph Recto?

"Si Ralph Recto rin."

Kay Nora Aunor?

"Nora Aunor din."

Kay Vilma Santos?

"Vilma Santos din."

Tough Ten Question No. 1: Vi, mapangahas ang tanong na ito... Nakikita mo ba sa iyong isipan ang maging Presidente ng bansang ito? This is a question answerable by a yes or a no.

Matagal munang nag-isip si Vilma bago ito tuluyang sumagot ng, "No, I don't think so. Kasi again, if I may, ito yung lagi kong sinasabi... Kasi Boy, iba yung may ambisyon, e, iba yung destiny. And maski naman noong araw na magkakasama tayo, hindi ko alam na mapapasok ako sa pulitika. But again, if I may, maybe it was meant. May purpose lang ang Panginoon. So, kung saan niya ako ilalagay, dun lang ako and I will do my best. And definitely, God will take care of the rest. Pero yung aambisyunin na balang-araw na maging vice president or president, hindi Boy. Wala kasi akong ganung ambisyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, matapos ang matagumpay na premiere night ng In My Life sa Batangas kagabi, September 14, magkakaroon naman ng dalawang premiere ang pelikula sa Manila today, September 15. Una sa Trinoma at 5 p.m. at susunod sa SM Megamall at 7 p.m. Bukas, September 16, ang simula ng regular showing ng In My Life, directed by Olivia Lamasan. Magkakaroon din ito ng international screenings sa abroad.

Ang In My Life ay graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN