Gab Valenciano admits fights with girlfriend Rachelle Ann Go, but denies breakup rumor

"Siyempre in a relationship, there are ups and downs. I would admit to the people na we have misunderstandings. But I wanna make it clear that we're okay and there's only one person who will always capture and captivate me, and that's Rachelle," says Gab Valenciano about girlfriend Rachelle Ann Go.


Dati pa ay may bulung-bulungan na nagkakalabuan ang relasyon nina Gab Valenciano at Rachelle Ann Go. Ngayon naman ay may lumalabas na balitang tuluyan nang nauwi sa breakup ang kanilang samahan pagkatapos ng isang taon.

Ayon sa mga balita, napapadalas daw ang simpleng tampuhan ng dalawa, na nauuwi sa mas malalim na away. Halatang-halata raw ito sa kilos nila lalo na pag nasa ASAP sila.

Hindi naman itinanggi ni Gab sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na totoong madalas na nagkakatampuhan sila ni Rachelle, pero wala raw katotohanan ang balita na break na sila.

"Siyempre in a relationship, there are ups and downs," aniya. "I would admit to the people na we have misunderstandings. But I wanna make it clear that we're okay and there's only one person who will always capture and captivate me, and that's Rachelle.

"Kung may tampuhan man kami, very small things lang, actually maliliit lang talaga. Siyempre, we come from different worlds, in a way. I have a hard time on some of the things that she does and vice versa. It's really hard to hide it especially when you're really in love. Ako, medyo mahirap akong i-hide that. When you feel bad pag nag-away kayo, lumalabas sa akin yun because I'm a transparent person.

"I also don't want to show people na perfect ang relationship namin. We're happy, but this fact shows na tao din kami. Maybe we're called artists, but it doesn't necessarily mean that perfect ang relationship namin."

Si Gab ay anak ng tinaguriang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano at ng talent manager na si Angeli Pangilinan. Si Rachelle naman ay nagmula sa isang simpleng pamilya sa Pasig at nanalo sa isang reality singing contest.

Inamin ni Gab na nahahalata sa kilos nila ni Rachelle tuwing may tampuhan sila, lalo na nga pag nasa ASAP sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro nakikita kasi when we're sweet, we're sweet. But when we're not okay, nakikita rin. Siyempre lalabas at lalabas yun, and people will think, 'Uy, magkaaway yata sila.'"

Habang ini-interview namin si Gab ay napansin namin ang suot-suot nila ni Rachelle na identical rings. Ang akala nga ng iba ay engagement ring na ito at may balak na raw pakasal ang dalawa.

Pero ayon kay Gab, "Pag nag-away kami, tinatanggal namin yun [the rings]. But after a while, I feel so naked. Parang you need something on your hand. Kaya pag nag-away o nagkatampuhan kami, I still wear it pa rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN