PEP EXCLUSIVE: GMA-7 executive Wilma Galvante assures JC de Vera that a big project awaits him

"We are bound by the contract to give him assignments, to give him projects. We will do that. Otherwise, we will be paying him for doing nothing, so hindi puwede. He also has to work for his guaranteed contract," says Ms. Wilma Galvante about JC de Vera (inset).


Nilinaw ni Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7, ang ilang bagay na binanggit ni JC de Vera sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment portal) sa young actor na lumabas dito kahapon, September 14. (Click here to read related article).

Sinabi ni JC sa interview sa kanya ni Jojo Gabinete na pakiramdam niya ay "lumiit" ang atensiyon sa kanya ng Kapuso network. Dala raw ito ng pagkakasangkot niya sa civil case na isinampa ni Ms. Wilma laban sa manager niyang si Annabelle Rama, at sa na-dismiss nang grave-slander case na isinampa ng talent manager sa GMA-7 executive.

Ngayong patapos na ang Ngayon at Kailanman, ang afternoon soap na pinagbibidahan nina JC at Heart Evangelista, ay wala pang nababalitang kasunod na project ang young actor.

Pero sa exclusive interview ng PEP kay Ms. Wilma sa telepono kaninang hapon, Sept. 15, ay sinabi nitong may nakahanda ng proyekto para kay JC.

"We're obligated to give him a project kasi it's in his contract," bungad ni Ms. Wilma. "May guaranteed contract siya. Siyempre, he has to work for his guaranteed [contract]. Kailangan naming bigyan... Meron siyang project, meron 'yang mangyayari. Pero, di ba, hindi naman basta-basta nag-a-announce ang network? Pero imposibleng wala, meron 'yan.

"Kasi, di ba, pag natapos yung isang project mo na series, merong production time for the next. So, hindi yung pagkatapos ngayon, meron ka na next week... Merong nangyayaring gano'n, pero sa kanya [JC], yung projects, naka-timetable lahat 'yan, e."

Pag-ulit ng network executive, "But the bottomline is we are bound by the contract to give him assignments, to give him projects. We will do that. Otherwise, we will be paying him for doing nothing, so hindi puwede. He also has to work for his guaranteed contract."

Bagamat hindi pa raw nila puwedeng i-announce kung ano ang next project ni JC sa Kapuso network—hindi man sinabi ng lady executive ay dala na rin ng secrecy necessary in the network war—tiniyak ni Ms. Wilma na isa itong malaking proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May major [project] 'yan this year. In fact, we're excited about that, except we cannot reveal as of now. Before that happens, in between, he will be seen in some of the other GMA shows and may guest appearances siya. Tapos, there's a big project for him. He does not know that yet. We have not told him that yet, but there is one."

IT'S NOT PERSONAL. Dahil hindi nga siguro alam ni JC na may nakahanda na siyang project, pakiramdam nito ay hindi na siya gaanong nabibigyan ng atensiyon ng GMA-7 network. Pero nilinaw ni Ms. Wilma na walang kinalaman dito ang pagkakasangkot ng young actor sa kasong isinampa niya laban sa manager nito.

"In his mind siguro," saad ng TV executive, "pero as far as we're concerned working here [GMA Network], no. He has assignments to fulfill... Kung totoo 'yon, di sana dito pa lang sa Ngayon at Kailanman, wala nang nangyari [sa kanya], di ba?"

Prangkang sinabi ng executive, "Yung [court] case, personal 'yon, e, personal. It shouldn't affect the work that we do. And we don't let it affect... In fact, hindi naman pinag-uusapan sa loob yun, e."

Wala mang direktang linya sa kanya si JC, sinabi ni Ms. Wilma na may mga nakatalagang tao na kumakausap sa aktor at sa manager nito tuwing may bagong project.

"Pagka may project na firm, lalapitan na siya. Sasabihin na ng production. Kahit naman noon, hindi naman talaga ako ang personal na lalapit at nakikipag-usap, e. Hindi, there are producers. Kung kanino naka-assign yung show, siya ang magsasabi sa kanya na, 'Ito yung role mo, susunod mong gagawin,'" paliwanag ni Ms. Wilma.

"SNUBBING" INCIDENT. Isa pang nilinaw ni Ms. Wilma ay ang sinabi ni JC na hindi raw siya nakakuha ng reaksiyon mula sa TV executive nang mag-beso siya rito nang magkita sila sa isang event.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani JC: "Well, noong nagkita kami, binati ko siya. Wala siyang reaksiyon. Bumeso ako... Wala, okey lang... okey lang. Hindi ako bastos sa matatanda, e. Mataas ang respeto ko sa mga taong ganoon kaya walang masama. Dedmahin ako, okey lang."

Ang tinutukoy na event ni JC ay ang 59th anniversary special ng Kapuso network, ang One Glamorous Night: Greater and Grateful at 59, na ginanap noong June 19 sa Araneta Coliseum.

"I acknowledged his beso. I acknowledged his greeting me," pagtanggi ni Ms. Wilma. "Everybody backstage was celebrating, nagbebeso-beso sa isa't isa. Ang dami ring katulad niya na nag-beso lang, pagkatapos next na, ganyan... We were taking pictures.

"But I remember and I acknowledged... I saw his face, I looked at his face, and then nag-beso siya, oo. Tapos, lumayo na siya kaagad. He did not stay. Had he stayed, probably we could have talked. Siya yung lumayo, e."

Paglilinaw pa niya, "In fact, I remember he was wearing red because on the stage, everybody was in white, he was already wearing a different shirt. So, nagbihis siya. Talagang ang daming tao sa likod. Siyempre, ang saya-saya kasi ang ganda nung show, tapos pa-picture, pa-picture sa lahat. Had he stayed, if he did not walk away right away, we would have taken pictures with him too. I did not snub him."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN