Jennylyn Mercado says ex-boyfriend Mark Herras still has a special place in her life

"Never naman kaming nag-pretend sa mga tao. Never namin sila niloko. Kumbaga, naging saksi ang mga tao sa mga pinagdaanan namin ni Mark sa career namin at pati sa relationship namin. Wala kaming itinago. Thankful naman kami dahil hindi kami iniwan ng mga fans namin," says Jennylyn Mercado about her partnership with ex-boyfriend Mark Herras.


Excited na si Jennylyn Mercado sa pagbabalik niya sa primetime via GMA-7's new drama series Ikaw Sana, kung saan muli silang magtatambal ni Mark Herras matapos ang kanilang huling ginawang afternoon soap na Sine Novela Presents Paano Ba Ang Mangarap?.

"Sobrang saya po namin ni Mark na binigyan ulit kami ng GMA ng bagong soap, tapos sa primetime pa," bulalas ni Jennylyn nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang showbiz press sa grand launch ng Ikaw Sana kagabi, September 15, sa Studio 6 ng bagong GMA Building.

Happy din si Jen na si Direk Joel Lamangan ulit ang direktor nila sa Ikaw Sana. Naging direktor na nina Jennylyn at Mark si Direk Joel sa telebisyon, gaya ng Paano Ba Ang Mangarap?, at maging sa pelikulang Blue Moon. Kumusta naman ang reunion with Direk Joel?

"Masaya kasi na-miss namin si Direk Joel. Si Direk Joel yung tao na pag siya yung direktor, lahat kami talagang tutok. Wala kaming time makipagkuwentuhan. Kasi ganun siya kabilis. At saka yung phasing ng taping, hindi pa tapos yung isang eksena, naka-set up na yung isang eksena. Ganun kabilis magtrabaho si Direk."

MARK HERRAS. Ano ang bago sa balik-tambalan nila ni Mark?

"Bago yung characters, bago yung takbo ng istorya, bago yung atake ng bawat eksena. Bago rin ang mga kasama namin sa soap," sagot ni Jennylyn.

Ginagampanan ni Jennylyn ang role na Eliza Montemayor, isang music teacher na nang mamatay ang kanyang nanay ay kinupkop siya ng kanyang tatay na may ibang pamilya na. Pero magiging magulo ang kanyang buhay dahil pareho sila ng kanyang stepsister na si Sofia (Pauleen Luna), na magkakagusto sa iisang lalaki. Si Mark ang gumaganap sa role na Michael, ang lalaking pag-aagawan nila ni Pauleen.

How is it to be working with Mark again?

"Siyempre, masaya. Sobrang kumportable na ako kay Mark kaya madali na lang yung pagtatrabaho sa amin," sabi ni Jennylyn tungkol sa kanyang ex-boyfriend at co-StarStruck winner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli nilang soap ay may mga kissing scenes na sila ni Mark, at hindi rin daw mawawala ang gano'ng mga eksena sa Ikaw Sana.

Kahit na ilang beses na ring pinaghiwalay ang kanilang tambalan in the past, patuloy pa rin silang tinatangkilik ng mga fans sa tuwing nagsasama sila ulit. Ano ba ang sikreto ng tambalan nila?

"Hindi ko alam. Well, siguro kasi never naman kaming nag-pretend sa mga tao. Never namin sila niloko. Kumbaga, naging saksi ang mga tao sa mga pinagdaanan namin ni Mark sa career namin at pati sa relationship namin. Wala kaming itinago. Thankful naman kami dahil hindi kami iniwan ng mga fans namin."

Pero special pa rin ba si Mark sa puso niya?

"Oo, lagi ko namang sinasabi na lagi siyang may special place sa aking buhay," sabi ni Jen.

Sa tingin niya ba, puwedeng si Mark pa rin ang right guy for her?

"Why not? Hindi naman imposible yun, e."

Aminado naman si Jen na close ang anak niyang si Alex "AJ" Jazz kay Mark. Sa katunayan, madalas raw dumalaw si Mark sa bahay nila para laruin si AJ. Si Mark pa lang daw sa mga lalaking nali-link kay Jen ang nakakasama ni AJ. Maging ang ama ni AJ na si Patrick Garcia, o ang natsitsismis na boyfriend ni Jen na MYX VJ na si Andrei Felix, ay hindi pa nakikita si AJ.

"Si AJ dinadalaw po talaga ni Mark. Ninong po kasi siya," banggit ni Jen.

PAULEEN LUNA. Si Pauleen Luna ang gumaganap na Sofia, ang stepsister ni Eliza sa Ikaw Sana. Ayon kay Jen, marami raw silang confrontation scenes ni Pauleen dito na dapat abangan ng mga manonood.

"Yun po ang dapat abangan sa amin ni Pauleen. Kasi sa simula okay kami sa isa't isa, e. Pero dahil nga kay Mark ay magugulo ang buhay namin. Maraming gagawin si Pauleen dito para paghiwalayin kami ni Mark," sabi ni Jen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ang naging set-up nila ni Pauleen, lalo na't na-link din ito kay Mark in real life? Nagkailangan ba silang dalawa?

"Hindi po, kasi okay naman kami, e. Kami ni Pauleen, talagang magkaibigan kami niyan. Nagte-text kami. Nagpe-Facebook kami. Never kaming nagkaroon ng gap."

PATRICK GARCIA. Paano naman kaya pinaghahandaan ni Jennylyn na darating din yung panahon na magkikita si AJ at ang ama nitong si Patrick Garcia?

"Sa ngayon kasi, gusto ko munang i-enjoy niya yung childhood niya. Hindi pa naman siya nakakaintindi, so wala pa namang akong dapat ipaliwanag. Or wala pa akong dapat i-explain. Bata pa naman si AJ. Pero dadating din naman yun, e, in God's time. Pero sa ngayon malabo, wala pa," saad ng actress-singer.

Natanggap na ba ni Patrick na siya talaga ang ama ni AJ?

"Hindi ko alam po. Bakit sa akin n'yo tinatanong? Tanungin n'yo po siya," sagot ni Jen.

Balitang naka-move on na raw si Patrick, ano ang comment niya rito?

"Okay lang sa akin yun. Walang problema yun."

Maging si Jen ay naka-move on na raw. Ready na ba siyang ma-in love ulit?

"Hindi na muna, work na muna. At saka may AJ na ako, e. Siya yung main priority ko, tapos work. Kaya rin ako nagtatrabaho dahil sa kanya. Kaya rin ako nandito dahil sa kanya. So, sa kanya lang umiikot ang mundo ko ngayon."


GLAIZA DE CASTRO. Ayon kay Glaiza de Castro, na na-link naman kay Patrick Garcia, okay naman silang dalawa ni Jennylyn. Totoo ba ito?

"Oo naman. Okay naman kami pag nagkikita like sa SOP, 'hello, hi, kumusta', ganun," ani Jen.

Sincere ba yun?

"Sincere. Ako naman yung tao na hindi plastik, e. Kilala n'yo naman ako na pag masungit, masungit talaga ako," aniya.

Kung halimbawang hihingi ng advice sa kanya si Glaiza, ano ang ipapayo niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, wala nang advice. Ayokong mag-comment. Ayokong makialam kasi hindi ko naman buhay yun, e. Kung anuman yung meron sila ni Patrick, sa kanila yun. Ayokong makialam."

Ayaw nga munang isipin ni Jennylyn ang kung anu-anong mga intriga sa kanya. Masyado raw siyang busy sa Ikaw Sana at sa iba pa niyang mga projects para intindihin pa ang mga intriga.

Bukod kina Jennylyn, Mark at Pauleen, kasama rin sa cast ng Ikaw Sana sina Tirso Cruz III, Maritoni Fernandez, Mariz Ricketts, Marissa Delgado, Tony Mabesa, Luz Valdez, Alicia Alonzo, Vaness del Moral, Janna Roxas, Arthur Solinap, Joey Paras, Jim Pebangco, at Vivo Ouano.

Mapapanood na ang Ikaw Sana simula Lunes, September 21, bago ang 24 Oras sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN