Geoff Eigenmann thinks Carla Abellana likes him as well

"Hindi naman ako nagmamadali. Hindi naman siya nagmamadali. She just came from a relationship. We're just taking things slow. Mas mabuti na yung maayos lahat kesa sa nagmamadali kang matapos lahat, pero wala naman pala," says Geoff Eigenmann about Carla Abellana.


Kinumpirma ni Geoff Eigenmann na ilang beses na siyang nakapunta sa bahay ng kanyang leading lady sa Rosalinda na si Carla Abellana. Masaya naman daw siya sa pagtanggap sa kanya ng pamilya ng aktres.

"Yeah, I've been to Carla's house a few times already and I'm welcome naman. Wala namang ilangan with everyone, so okay naman," sabi ni Geoff nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing at pocket presscon niya for Hanford kahapon, September 15, sa Little Asia restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Hindi rin itinatanggi ni Geoff ang possibility na ma-in love nga siya nang tuluyan sa ka-partner.

"Yeah, and I always say that naman," diin niya. "Marami pa naman kaming pagsasamahan, so we'll see. I mean, it's just the beginning. So after this, marami pang kasunod. So far, I'm very happy that we started as friends. Baguhan siya, pero yung trust na ibinibigay niya sa akin, sobrang lalim. So, yung bonding namin, ibang klase talaga with what I have with other leading ladies.

"So, it's very possible that I'll fall in love with her. Parang mahirap mangyari na hindi ma-in love kay Carla because she's a very nice girl talaga."

Ano pa ang pumipigil sa kanya para ligawan na talaga si Carla?

"Now, siguro I have to say na yung friendship na meron kami, since she's very special nga. At saka, hindi naman ako nagmamadali. Hindi naman siya nagmamadali. She just came from a relationship. We're just taking things slow. Mas mabuti na yung maayos lahat kesa sa nagmamadali kang matapos lahat, pero wala naman pala," saad niya.

Kung sakali raw, Geoff want to court Carla formally. Hindi raw yung biglang sila na lang agad.

"Kailangan accepted ng everyone. Hindi lang yung dahil sa mga nangyayari sa amin, biglang kami, I won't accept that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong niya, "Kahit na hindi ako marunong manligaw, gagawin ko ang dapat."

Pero accepted naman siya ng family ni Carla?

"Yes, but of course I am accepted as co-worker. Pero yung for personal stuff, like getting into relationship, kailangan yun din, accepted," sagot ni Geoff.

Sa ngayon, madalas daw silang lumabas ni Carla—they watch movies, dine out. Pero ayon kay Geoff, wala pa naman daw yung time na lumabas sila na silang dalawa lang. Laging may kasama silang iba.

"It's never alone, palagi kaming may kasama. Pero iba rin ang pagkakakilala namin on-cam and off-cam. Kapag off-cam, hindi naman yung more private, pero mas natural for people to talk that way, mas kumportable. Hindi showbiz," sabi ng young actor.

MEETING CARLA'S EX. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon Geoff sa balitang officially break na raw si Carla at ang non-showbiz boyfriend nito na si JC Intal.

"Well, they have separated for a while, ever since she started," sabi ni Geoff. "Pero nag-uusap pa rin sila. They are still friends up to now. But things like that, I don't ask her naman. It's not part of work. It's not that ayaw kong pag-usapan, but it's not part of work. Hindi naman priority na kailangan pag-usapan, so it's very private rin."

Hindi rin naman itinanggi ni Geoff ang insidenteng nagkita sila ni JC sa bahay ni Carla nang minsang ihatid niya ang young actress.

"Galing kami sa taping ng Power of 10. Natapos around midnight, so I took her home after that... Yeah, nagkita kami [ni JC]. We were formally introduced to each other and okay naman. Very short lang. Wala naman bad anything or whatever."

Napangiti lang si Geoff nang sabihin naming in love na nga siya. What about Carla, sa palagay ba niya ganun din ang feelings nito for him?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, maraming nagsasabi na sweet kami sa isa't isa. I guess we are. I guess, maybe she does like me as well," nakangiti niyang sabi.

Kung magiging sila na, maglilihim ba siya sa press sa umpisa?

"Wala naman, there's no point in hiding. Kasi malalaman din naman, lalabas at lalabas din naman yun. So, there's no real point in hiding. And it's something that we're not gonna hide."

ROSALINDA. Sa Rosalinda, pumasok na ang character ni Jomari Yllana bilang si Alex Dorantes, na magkakaroon ng malaking kaugnayan sa love story nina Fernando Jose (Geoff) at Rosalinda (Carla). Ano ang reaksiyon ni Geoff sa pagpasok ni Jomari sa kanilang teleserye?

"I'm very happy with that," sabi niya. "Kasi yung role ni Alex Dorantes is a very big part of the storyline, so I'm very happy with that. Kasi si Jomari yun. Iba rin yung hatak niya and he's really doing a very great job as Alex Dorantes. At saka ako, kapag nagkakaeksena kami, inaalalayan niya ako with things that we should do. So, very supportive naman siya."

Kinumpirma rin ni Geoff na posibleng hanggang October o November na lang ang itatagal ng Rosalinda sa ere.

"Yeah, we're slated hanggang January nga, pero bumilis yung pacing ng istorya. It's still the same story, pero sobrang fast-paced na siya. E, hindi naman puwedeng dagdagan kasi mag-iiba. So, I think ganoon ang mangyayari. We're gonna be till October or November."

Bumilis lang daw talaga ang pagpapatakbo sa kuwento, pero lahat daw sila ay very happy naman sa rating ng Rosalinda.

"After Rosalinda, from what I know, may follow-up project naman na raw kami [ni Carla]. And from what I know, magsasama pa rin daw kami."

THE FACE OF HANFORD. Geoff has been the face of Hanford for three years now. Ngayong araw nga ay makikita na ang billboards niya kung saan pumayag siyang magpakuha nang sexy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya naman si Geoff na hindi nawawala ang tiwala ng Hanford sa kanya.

"I'm very happy kasi nandun pa rin ang support nila, not just for me, but for my career as well," sambit ng young actor. "Masarap ang relationship ko with the company. They've been supporting me all the way and, of course, suporta rin naman ako for Hanford for whatever they want. Ibinibigay kong talaga."

Yung mga bagong pictorial niya raw ngayon na maglalabasan ang masasabi niyang pinaka-daring na nagawa niya.

"Yes, this is my most daring pictorial. Siyempre, ginagawa ko rin naman 'to sa mga tulong nila and everything, and it's really my small way to give back. When it comes to roles, okey lang din naman. But of course, it all depends on the script and character rin naman," sabi ni Geoff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN