Cosmo Bachelor Daniel Matsunaga all set to try local showbiz

Daniel Matsunaga instantly captured the hearts of Pinays during the Cosmo Bachelor Bash held at NBC Tent, The Fort, Taguig City. And this guy, who first had his relationship at 15, says he's "single and unattached."


Dalawang bagay ang masasabing claim to fame ng Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga. Una, ang Close Up TV commercial ni KC Concepcion, kung saan siya ang leading man ng aktres. Pangalawa, ang pinag-usapang pagrampa nito nang shirtless bilang isa sa mga hunks sa Cosmo Bachelor Bash kamakailan.

Nang magkaroon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataon na makausap siya, ang kanyang bungad ay ang pagkakatulad niya sa kaibigan at co-Mercator model na si Akihiro Sato. Ang sabi ni Daniel, "My mom si Brazilian and my dad is Japanese. I'm a Brapanese!"

Dagdag pa niya, "I've been here in the Philippines for three months, it's my first time. Nice place, nice weather."

Napadpad niya sa Pilipinas dahil sa isang social networking site. "My agency, Mercator, they just contacted me thru the Facebook," ang simpleng kuwento ng 21-year old male model.

WORKING WITH KC. Siyempre, inusisa namin si Daniel tungkol sa paggawa niya ng TVC with KC.

Ang description niya sa Kapamilya actress, "She's nice, very pretty and very friendly. I first saw her in person in the shoot."

Bago sila nag-shoot, ani Daniel, kilala na niya si KC bilang isang sikat na celebrity sa Pilipinas. Madalas na rin daw makita ni Daniel ang mga photos ng dalaga sa mga magazines.

"Yes, even in the casting, they told me there was this girl, a superstar here, and that we will be together in the commercial. I was like, 'Oh, really?'" ang pagpapatuloy niya.

Given the chance, liligawan ba niya si KC?

Ang matipid ngunit mabilis niyang sagot: "Of course, who wouldn't?"

COSMO BACHELOR. Inusisa rin ng PEP kung paano nakapasok ang baguhang tulad niya sa prestigious list ng Cosmo Men centerfolds.

Aniya, "I did casting and audition. I had to work with them for a magazine shoot, then I did pictures with them, and they liked me and they asked me to do a centerfold."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Hindi pa man siya gaanong kilala, napatili na ang mga tao sa NBC Tent sa The Fort, Taguig City, noong rumampa siya sa Cosmo Bash noong ika-10 ng Setyembre.

"I was wearing jeans, I just removed the top. We were supposed to be guys who just came from prison. It was really nice, a different experience for me, and it was really, really crazy."

Ang modeling career ni Daniel ay nagsimula sa Brazil, kung saan modelo rin ang nakatatandang kapatid.

"I was a model, I started 15, too young, e! I started in Brazil around 15 and outside Brazil, I started at 16. [My sister] started first, then I followed her steps. She's older, she's 23, she's also here in the Philippines right now."

At dahil sa pagmo-modelo, naikot na ni Daniel ang maraming lugar sa iba't ibang panig ng mundo, tulad ng Singapore, Hong Kong, China, Malaysia, Amsterdam, Germany, Paris at Spain.

AMAZING MANILA. At kahit malayo siya ngayon sa bayang kinalakhan niya, masaya si Daniel. Manila raw "feels like home."

"It's an amazing place, amazing weather, amazing people...[It] feels like home, feels like Brazil sometimes, like Rio de Janeiro. It really looks like the same. Everybody's nice, just like in Brazil, everybody's feeling great. Sao Paulo is like Makati."

Good news para sa mga kababaihan, ver-r-ry single and unattached si Daniel.

Kuwento niya sa PEP, "I don't have a girlfriend. Before I had, she's Brazilian, she's a model also, she's in Brazil. I don't have anymore."

Another good thing, hindi rin daw imposible kung kung Filipina ang susunod niyang girlfriend.

A TASTE OF LOCAL SHOWBIZ. Isa ring Brazilian ang una niyang nakatrabaho sa telebisyon, model-host na si Daiana Menezes.

Nagkakilala na raw sila dati sa isang modeling gig. "We met in Thailand in 2005 when I went to Thailand, she was also modeling there that time. Here, we did a TV show [guesting], we had to dance in Eat Bulaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang Brazilian dish naman ang nagbigay-daan sa kanya upang makapag-guest sa isang show. "I also cooked in a TV show, I cooked a Brazilian dish in the Sweet Life show," aniya.

MORE DETAILS ABOUT DANIEL. Football ang kanyang sport.

"I used to play professional football in Hong Kong and Brazil, all my life I played football. I stayed in Hong Kong for two years to model, I stayed there the longest, I was eighteen years old then."

Tatlo silang magkakapatid: "I have a sister, who is also a model; and a brother in Brazil, he's 16, he's studying."

Hindi pa raw siya nakakatapos ng college, at may plano siyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Bukod sa pagiging modelo, ambisyon din ni Daniel na maging isang aktor.

"I like to act as well. I'm learning Tagalog as well. I just had six lessons, just the basics, like kumusta, mabuti, bukas, ngayon, kahapon, magandang gabi."

At nang tanungin siya tungkol sa mga paborito niyang showbiz personalities: "I like Robin Williams, Denzel Washington, Angelina Jolie. I like Will Smith."

Hindi pa alam ni Daniel kung gaano katagal siyang mamamalagi sa Pilipinas. Depende raw ito sa mga opportunities na darating sa kanya. "It depends on the job. I'm sure I'm going to stay here for a while coz I still have a lot of plans," pagtatapos ni Daniel.


Click HERE to view the photo gallery.

Click HERE to view the video of the 2009 Cosmo Celebrity Centerfolds.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN