JC Tiuseco does not want to take advantage of Maxene Magalona's recent breakup with boyfriend

"Okey na kami ni Max bilang magkaibigan. Ayokong samantalahin ang situation na iyon. Alam ko na mahirap ang makipaghiwalay at for sure, nalulungkot pa siya," says JC Tiuseco about Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin co-star Maxene Magalona's recent breakup with her boyfriend.


Kumpirmado na nga ang balitang break na si Maxene Magalona at ang kanyang non-showbiz boyfriend. Ayon sa isang reliable source ay ang kakulangan sa oras at panahon sa kanilang relasyon ang naging sanhi ng hiwalayan nila.

Hindi pa man lumalabas ang balitang hiwalay na si Maxene sa kanyang boyfriend ay nauna nang nabalitang nagkakamabutihan sila ng kanyang leading man sa afternoon drama series na Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin na si JC Tiuseco.

Ayon sa mga usap-usapan, may nakakita nga raw sa kanilang nagde-date sa EDSA Shangri-La Mall kamakailan at panay pa ang lambingan nila sa set, behind the scenes ng kanilang afternoon drama series. Noong i-shoot nga raw ang last taping day nila, may nakakita pa sa kanilang dalawa na sobrang sweet daw sa isa't isa sa loob ng dressing room.

Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kauna-unahang Pinoy Sole Survivor tungkol dito, natawa lang ito at sinabing wala raw ibig sabihin ang sinasabing lambingan daw nila ni Maxene. Masyado lang daw silang naging close sa isa't isa habang ginagawa nila ang series kaya walang malisya ang lambingan nila.

"Actually, ang nabalita pa ay nagkakagatan daw kami!" sabay tawa ni JC. "Para lang kaming mga bata na nagkakagatan ng kamay, braso at balikat. Ganyan kaming lahat sa set kasi. Katuwaan lang namin iyon kapag break time namin.

"Lalo na't nag-shoot na kami ng last episode for the series, nalulungkot ang lahat kasi mami-miss namin ang isa't isa. Kaya yung kagatan namin ay part ng pagiging kaibigan naming lahat."

Nilinaw rin ni JC na never silang nag-date ni Maxene na silang dalawa lang. Noong araw na nakita sila sa isang mall, kasama rin daw nila ang ibang cast ng show. Nauna lang daw sila roon dahil may mga bibilhin sila para sa last day of taping nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That was the time na bumili kami ng mga ireregalo namin sa staff at crew ng show. Hindi lang kami ni Max ang nandoon. Sumunod din sina Glaiza [de Castro], Patrick [Garcia], Rich [Asuncion] at yung iba pa.

"Doon na kami nagkita-kita. Nagkataon lang na nauna kami ni Max. Never pa naman kami nagde-date ni Max na kaming dalawa lang. Siguro ang nakita lang, kami ni Max. Pero marami kami that day," paliwanag pa ni JC.

Nalaman nga lang ni JC na break na si Maxene at ang boyfriend nito mula sa staff ng show nila. Pero never naman daw ito tinanong ni JC kay Maxene.

"Nakakahiya naman kung magtanong ako, di ba? Baka sabihin ni Max na tsismoso ako," diin niya.

"Nakumpirma ko lang noong magpa-interview na siya sa TV. Napanood ko kasi ang interview niya sa TV noong manood sila ni Rich ng Cosmo Bachelor Bash. Doon ko unang narinig na break na sila ng boyfriend niya."

Balitang pinagselosan nga raw si JC ng boyfriend ni Maxene kaya nagkaroon ng gulo sa relasyon nila.

"Bakit naman ako?" pagtataka ni JC. "Wala naman akong alam diyan. Hindi lang naman ako ang nakasama ni Max sa show. Si Patrick din naman kasama ni Max sa show. Hindi naman siguro gano'n kababaw ang boyfriend ni Max para pagselosan ako o kahit sinuman sa show namin."

Ngayon at pareho na silang loveless ni Maxene, pinag-iisipan ba ni JC na ligawan ito?

"Okey na kami ni Max bilang magkaibigan. Ayokong samantalahin ang situation na iyon. Alam ko na mahirap ang makipaghiwalay at for sure, nalulungkot pa siya.

"Pero hindi rin natin alam kung ano ang puwedeng mangyari. As of now, magkaibigan kami talaga. 'Tsaka trabaho muna ang uunahin naming dalawa. Sinabi ko naman kay Max na nandito kaming mga kaibigan niya para suportahan at pasayahin siya kapag kinakailangan niya," pagtatapos pa ni JC Tiuseco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN