Ogie Alcasid feels the warmth of his children's love even if they're miles away

Ogie Alcasid as Angelina in the upcoming movie Yaya & Angelina (The Spoiled Brat Movie). The singer-comedian is planning to visit his daughters and to attend the wedding of ex-wife Michelle Van Eimeren in Australia in November.


Kahit parehong babae ang mga anak ng singer-comedian na si Ogie Alcasid, hindi raw matanong ang mga ito. Kasi, bago pa raw nila matanong ay nasabi na ito sa kanila ng ina nilang si Michelle Van Eimeren. Naipaliwanag na rin daw ito ni Ogie kahit pa sa murang edad ng mga ito.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ogie, sinabi nitong: "I don't underestimate my kids. At saka I owe it to Michelle. Maganda ang pagpapalaki niya sa mga anak namin. Kahit nasa Australia pa sila at malayo sa akin, still, nararamdaman ko pa rin ang warmth ng pagmamahal nila everytime na makikita ko sila.

"Kaya nga by next month or November, sisiguraduhin kong magkikita-kita kami sa Australia. The last time I went there, around April or May yata yun, wala naman akong napansin sa kanila na nagtatanong-tanong sila ng mga bagay na mahirap sagutin."

Nakausap ng PEP si Ogie sa presscon ng Yaya & Angelina (The Spoiled Brat Movie) noong Martes, September 15, sa Aresi restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ogie is lucky to have very smart kids. It's just that, sa tuwing nag-uusap sila through the phone, nami-miss nila ang isa't isa.

"Yun lang kasi ang mahirap doon. I live here, at sila, doon nakatira sa Australia," medyo nalungkot na sabi ni Ogie. "Thankful ako sa kanila. I get to see them. Yung iba nga, they don't see their dads that much. Ako naman, I see to it, in a year, mabisita ko man lang sila doon. Yung iba, matagal na nawawalay sa anak dahil talagang sa abroad kasi sila nagtatrabaho."

Nagpapasalamat si Ogie dahil ang Panginoon ay mabait sa kanya at nagpu-provide ng magandang buhay para may madaling paraan sa pagkikita nila ng kanyang mga anak.

REGINE. Natawa si Ogie nang usisain namin kung ang mga anak ba niya ay nag-uusisa na ng mga bagay-bagay tungkol sa relasyon nila ni Regine Velasquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Since Michelle has been open about it, naklaro na niya 'yan noon pa," sabi pa ni Ogie. "Nakakatawa lang, kasi hindi naman ako puwedeng magsalita dahil alam naman ninyo ang sitwasyon. I'm going through an annulment. Kung okey na 'yan, naku, lahat-lahat, sasabihin ko talaga sa inyo! I can't explain anything yet until it's done."

Lalo na yung puntong nasabi namin kay Ogie na hindi pa ba nanghihingi ng sarili niyang anak si Regine?

"Wish lang namin!" at lalo pang natawa ang singer-comedian-songwriter "Maski 'yan, mahirap sagutin sa ngayon. Hintayin na lang natin ang tamang pagkakataon. At bago mangyari 'yan, kailangang maayos ang dapat maisaayos."


NO BIRTHDAY CONCERT. Nairaos ang birthday ni Ogie last month na wala man lang siyang inihandang concert.

"It's about time na huwag na muna," sabi niya. "Kasi, nagpepelikula naman ako. Heto at may bago kaming natapos ni Bitoy [Michael V], itong Yaya & Angelina. May regular exposures pa ako sa TV.

"Kung ako nga ang masusunod, ang concerts para sa akin, once every four years sana. Madugo ang pagpo-produce ng concert sa ngayon. Besides, yung nakaraan kong concert [Twenty/Twenty], very successful yun. First time na nakapanood ang kids ko noon. They were there.

"Marami talagang nakapanood. It's one event in my life na hindi ko makakalimutan. That was my 20th anniversary concert sa Araneta Coliseum. Sa ngayon, ang gusto kong gawin, I want to keep recording. Gawa nang gawa ng mga kanta, at sana'y makagawa ng hit songs at maipon ko yun.

"After four years, kung may bagong set of hits, at saka tayo mag-concert. Naniniwala kasi ako na magko-concert ka lang, if you are a major artist, kung may mga bago ka namang hits," nangingiting sabi niya.

Apat ang regular shows ngayon ni Ogie sa GMA-7 at araw-araw siyang napapanood: Bubble Gang (every Friday), Celebrity Duets(every Saturday),SOP (every Sunday), and Hole in the Wall (weekdays).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN