Jennylyn Mercado bides time cautiously about getting into another relationship

"Wala kasi kayo sa sitwasyon ko. Pero siguro kung kayo ang nasa sitwasyon ko, mas grabe pa. Ayoko lang magsalita. Ayoko lang magkuwento. Kung siguro kayo ang nasa sitwasyon ko, hindi n'yo rin kakayanin," replies Jennylyn Mercado when asked why she still harbors ill feelings towards ex-boyfriend Patrick Garcia.


Mukhang hiyang na hiyang si Jennylyn Mercado sa pagiging isang ina. Tila nang mabuntis at magkaanak siya ay mas gumanda pa ang katawan niya at sumeksi. Very evident ito sa ginanap na press conference ng Ikaw Sana, ang bago niyang primetime series sa GMA-7 with Mark Herras, last Tuesday, September 15.

Halos lahat ng entertainment press ay nagkakaisa sa pagsasabing sumeksi si Jennylyn ngayon.

"Actually, kung gusto n'yo naman pong magpapayat, iba pa rin kapag pursigido kang talaga," sabi ng actress-TV host. "Noong Paano Ba Ang Mangarap? pa lang, medyo fit na rin ako noon. Actually, tumaba na nga rin ako as compared na sobrang payat ko. Feeling ko, may sakit ako palagi."

Feeling din ni Jen, malaking factor ang anak niyang si AJ, na one year old na ngayon, sa madaling pagpapayat niya.

"Iba na kasi ngayon. Mas masaya. Hindi katulad noon na matutulog, iinom ng milk. Ganoon lang. Ngayon, tumatakbo, tumatawa, sumasayaw. Katulad na lang kapag magte-taping ako, pagdating ko, kahit madaling-araw, nagigising siya. So, tanggal lahat ng pagod mo. Totoo pala yun," saad ni Jennylyn.

THE LOVE STORY CONTINUES... Sa muling pagtatambal nina Jennylyn at Mark, siyempre, hindi maiwasang isipin ng fans na magkakabalikan sila. Lalo pa nang magpahayag si Mark na posibleng sa huli ay baka sila pa rin pala talaga ang magkakatuluyan. (Click here to read related story.)

Ano ang masasabi rito ni Jennylyn?

"Wala namang problema dun, siguro in time," sagot ng actress-singer.

Open ba si Mark sa nararamdaman niya para sa kanya?

"Oo naman," ani Jennylyn.

Tapos, parang nabigla sa sinagot, sabay sabing: "Ha? Ano nga ang sinabi ko? Hahaha! Siya na lang siguro ang tanungin n'yo."

Naiisip din ba ni Jennylyn na sila pa rin ni Mark ang magkakatuluyan sa huli?

"Well, sa ngayon, hindi nila ako masisisi kung bakit parang takot ako na pumasok sa isang relationship. Ngayon kasi, masaya ako na wala, single, na si AJ lang, ganoon. Pero in time, darating din yung time na... di ba? Lalo na single naman ako, hahanap din ako ng taong makakasama ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posibleng si Mark yun?

"Oo naman, oo naman!" sagot niya. "Hindi naman masama, e. Pero hindi nga lang natin masasabi. Siyempre, hindi pa rin naman natin hawak kung ano ang mangyayari sa atin."

Nakikita rin daw ni Jennylyn na mahal ni Mark ang anak niyang si AJ, na madalas dinadalaw ng young actor. Si Mark ay isa sa mga ninong ng anak ni Jennylyn sa dati nitong boyfriend na si Patrick Garcia.

Natawa naman si Jennylyn nang sabihin namin sa kanya na okay lang kay Mark na tawagin siyang "daddy" ni AJ imbes na "ninong."

"Talaga? Okey lang, oo naman... Dumadalaw naman yun sa bahay. Pero, hindi naman ako ang dinadalaw nun, si AJ!" sabi ni Jennylyn.

Pero ayon kay Mark, kasama na rin si Jennylyn at ang Mommy Lydia nito sa dinadalaw niya.

"Ha? Tumbling! Tumbling talaga!" natatawang reaksiyon ni Jennylyn.

Posible kayang pagpapahiwatig na ni Mark 'yon na gusto niyang magkabalikan sila?

"Ewan ko... hindi ko masyadong... hindi ko pa alam talaga," tila nahihirapang sagot ni Jennylyn. "Kung meron siguro, malalaman n'yo rin. Pero ngayon siguro, wala pa. Hanggang dun pa lang siya, yung pupunta sa bahay. Kahit wala ako, pupunta siya para lang talagang makita si AJ."

Mabilis ang naging tugon ni Jennylyn sa tanong, paano kung ang kani-kanilang pamilya ay boto para sa kanilang dalawa?

"Oo naman!" sambit niya. "Importante yun, e. Hindi kasi magwo-work out kung hindi tutulong ang parents, mga mahal mo sa buhay, malalapit sa 'yo. Sobrang importante yun. Kung love ka nila, sila ang makikipaglaban para sa 'yo."

NO REGRETS. Wala naman daw regrets si Jennylyn kung anuman ang nangyari sa buhay nila ni Mark after their relationship. Like, kung wala sanang Patrick Garcia, posibleng sila pa rin.

"A, hindi, hindi naman... Kasi, blessed pa rin ako dahil nandito naman si AJ. So, hindi naman ako nanghihinayang na dumating din siya. Di ba, ang dami ko rin natutunan? Lahat naman tayo natututo tayo sa mistakes natin, e. At yung mga mistakes na yun, hindi na natin uulitin, or hindi na natin babalikan yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, thankful na rin ako na nangyari sa akin yun. Natuto na rin ako. Alam ko na hindi pala ganoon kadali. Sa susunod, kailangan hindi na ako magmadaling muli," pahayag ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor.

Hindi pa rin ba siya ready na ipakita si AJ sa ama nito?

"Ayoko nang pag-usapan. Kung puwedeng out na, out na," iwas niya.

Dahil dito, may nagtanong kay Jennylyn kung bakit tila matindi pa rin ang galit niya, gayong sinasabi niyang she's blessed naman at si Patrick naman ang nagbigay sa kanya ng anak niya?

"Wala kasi kayo sa sitwasyon ko," sagot niya. "Pero siguro kung kayo ang nasa sitwasyon ko, mas grabe pa. Ayoko lang magsalita. Ayoko lang magkuwento. Kung siguro kayo ang nasa sitwasyon ko, hindi n'yo rin kakayanin.

"In God's time..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN