Ogie Alcasid looks up to his friend Michael V as the ideal family man

"How hard he works, and how his kids have really grown up really well. Ano siyang talaga, kapag sinabi mong Bitoy, he's really the ideal man. Ideal family man talaga siya and I look up to him when it comes to that, with all respect," says Ogie Alcasid (right) about his friend and Yaya & Angelina (The Spoiled Brat Movie) co-star Michael V (left).


Sa September 23 na ang showing ng Yaya & Angelina (The Spoiled Brat Movie). Imbes na ma-pressure kung mapapantayan o mahihigitan ba nila ang success ng Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme ni Eugene Domingo, mas ikinakatuwa pa nina Ogie Alcasid at Michael V ang tinamong tagumpay ng pelikulang ito ng sinasabi ngayong bagong Comedy Queen na si Uge.

It could only mean, may clamor daw ang manonood ngayon sa mga pelikulang comedy.

"Alam n'yo, ang panalo ng isa, panalo ng lahat," nakangiting pahayag ni Ogie who was still in character as Angelina sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa all-cast presscon ng Yaya & Angelina sa Aresi Restaurant and Bar sa Tomas Morato, Quezon City, kamakailan.

"Actually, nag-pray talaga sina Ogie at Bitoy na talagang pumalo ang Kimmy Dora, para maging daan sa industriya ng pelikula. Ang galing, ang galing!" bulalas pa ni Ogie.

LONG FRIENDSHIP. Ilang taon na ang binilang ng friendship nina Ogie at Michael. Kabisado na nila ang hilig ng isa't isa and they are fond of giving gifts to each other. Kuwento nga ni Ogie, kung may nakikita raw siyang memorabilia, tulad ng kay Michael Jackson na pareho nilang interes ni Bitoy, kung bibili siya ay dalawa na agad ang kinukuha niya. Nang sa gayon ay meron din siyang ibibigay sa kaibigan niyang si Michael, alyas Bitoy, at ngayon ay kilala naman sa bagong character nitong si Yaya.

Biniro ng mga nakapaligid na reporters si Ogie na between him and Michael, mas mayaman pa rin siya.

Mabilis agad ang pagtanggi ni Ogie, "Ay, hindi! Palagay ko si Michael V!" At saka ito natawa.

"But you know, si Bitoy, nakita ko 'yan... Naaalala ko pa siya noon sa [ABS-CBN] Channel 2, noong manalo siya ng first car niya. Alam mo yung nakita ko every step of the way and now, nakakatuwa. Pinaghirapan. Hindi naman 'yan basta suwerte-suwerte lang, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"How hard he works, and how his kids have really grown up really well. Ano siyang talaga, kapag sinabi mong Bitoy, he's really the ideal man. Ideal family man talaga siya and I look up to him when it comes to that, with all respect."

In terms of relationship, mas straight din ba si Michael V?

"Ha-ha-ha! Hindi naman, si Ogie, dumaan sa bagyo nang bahagya," sabi muna ni Ogie sa kanyang Angelina-mode. Pagkatapos ay balik-Ogie din siya.

"Pero you know, during those times when I was going through that, Bitoy was always very... hindi siya in-your-face, e. But he always cared, e. Yun ang nakakatuwa sa kanya. And now that everything is okay, okey na okey na kami. Nakakatuwa na nakakasama ko na siya ulit."

Tinanong din namin si Ogie kung totoong noong una, parang may apprehension si Michael V sa relasyon nilang dalawa ni Regine Velasquez?

"No, no, hindi naman. Siguro ang gusto lang ni Bitoy ay masaya 'ko. Siyempre, yun lang ang iniisip niya. Kapakanan ko."

MORE ANGELINA THAN OGIE. Dahil sa halos araw-araw na napapanood ang character niya bilang Angelina sa show nila ni Michael na Hole In The Wall, at ngayon ay makikita na rin sa big screen, aware si Ogie na ang mga tao raw, especially ang mga bata ay kilala na lang siya bilang si Angelina.

"Kasi minsan, kapag nasa mall ako, lalapitan ako ng nanay. Sasabihin niya sa anak niya, 'Ay, that's Angelina! He's the one. Pero yung bata...siyempre, yung nanay, yung ate, kilala nila si Ogie, pero yung mga bata, hindi nila ma-identify."

Anong ginagawa niya pag ganun?

"Binabati ko rin...ginagawa ko, Angelina. Actually the kids, hindi ko maintindihan, e. Si Angelina may pagka-demonyita pero gustung-gusto ng mga bata. Like ako, for the first time, in my 21 years in showbiz, bigla akong tinatawagan ng mga kaklase ko. Mga sosyal na La Sallista, 'Bro, pahingi naman tickets d'yan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'Wala akong concert!' 'Hindi concert, yung premiere night. My kids love you!'

"So, ah, okey... 'Tapos, palagi akong may ano sa studio, mga bisita na mga bata. Nakakatuwa rin naman."

Hindi ba nakakalungkot din kung after the movie, posibleng tumigil na sila sa pagiging Yaya and Angelina?

"Oo... Pero, alangan namang 80 years old na ako nag-a-Angelina pa rin ako?" natawa niyang sabi. "But you know, all the characters have to say goodbye."

OGIE'S TOOTH ACCIDENT. Kinumusta ng PEP kay Ogie ang nangyaring freak accident sa SOP, kunsaan nabunggo siya ng isang dancer ng show, kaya nasira ang ngipin niya.

Tugon ni Ogie sa Angelina-mode uli, "Nabuo na yung ngipin niya! Nag-sorry naman yung dancer. E, hindi naman kasalanan ng dancer yun."

Biniro ni Michael V si Ogie na pagka-sorry raw ng dancer, tinanggal na ito sa SOP. Pero pagkatanggal, ibinalik din daw ni Ogie.

"Ha-ha-ha! Ang suwerte naman ni Ogie! Ganoon talaga kabait si Ogie," ala-Angelina pa ring sabi ni Ogie.

Pero na-hassle din ba siya sa nangyari?

"Well, siyempre, gising ka ng maaga, punta ka ng dentista. Lagyan ka ng anesthesia, medyo hassle din. Pero ganyan talaga ang buhay. Mabungi ka, minsan hindi."

Nagalit ba siya?

"Ay, hindi!" nakangiting pagtatapos ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN