Sarah Geronimo: You can't hurry love

"Dapat po ba at 21, kailangan na akong may boyfriend? Happy po ako kung ano meron ako ngayon. Tama na po yung may inspirasyon ako, may nakakausap. Ipinagpi-pray ko po naman 'yon. Gusto kong makuhang boyfriend ay man of God, someone to make me a better person. Pero hindi po 'yon dapat madaliin," says Sarah Geronimo.


Maagang dumating ang Pop Princess na si Sarah Geronimo sa Patricia Hall ng Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kaninang tanghali, September 17, para sa presscon ng kanyang upcoming concert sa Araneta Coliseum on November 7, ang Record Breaker.

Ito na ang fourth concert ni Sarah sa Araneta. Ano ang mai-expect ng mga fans and followers niya sa Record Breaker?

"Promise po ng Viva Concert and Events, na mas bigger ito at talagang paghahandaan namin ang bawat number. Ayaw pa rin nilang sabihin kung sinu-sino ang magiging guests sa concert, isusorpresa pa raw sa lahat.

MOVIE WITH JUDAY. Naitanong din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang napabalitang pelikula nila ng superstar na si Judy Ann Santos. Tuloy na ba ito?

"Siguro po, next year na kasi talaga pong napaka-hectic ng schedule ko," sabi ni Sarah. "'Saka binago po ang concept ng story, hindi na po ito comedy, drama na. Wala pa rin kaming story conference, pero excited at nate-tense po ako na makakasama ko si Ate Judy Ann."

Bakit siya mate-tense, samantalang dalawang blockbuster movies na ang nagawa niya—A Very Spcial Love at You Changed My Life?

"Iba naman po kasi ito, drama, tapos si Ate Judy Ann pa ang kasama ko. Ako po kasi, una talaga sa akin ang pagiging singer. Ini-enjoy ko po talaga ang pagkanta at pag-perform. May pressure po talaga sa akin ang acting," saad ni Sarah.

Hindi kaya siya manibago kung hindi na si Cathy Molina-Garcia ang kanyang direktor?

"Hindi ko pa po alam kung sino ang magdidirek, pero sisikapin ko pong mapagbuti ang acting ko. Gusto ko rin namang makatrabaho ang ibang direktor."


PROJECTS W/ GERALD & JOHN LLOYD? How about her reported movie with Gerald Anderson. Aware ba siya na galit ang mga fans nina Gerald at Kim Chiu, ang Kimeralds, na paghihiwalayin ang mga idolo nila, kaya ayaw nilang maitambal si Gerald sa iba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung meron man po, next year na rin siguro 'yon. Tingnan na lang po natin kung matutuloy," sagot ni Sarah.

How about another movie with John Lloyd Cruz?

"Wala pa rin pong sinasabi sa akin ang Viva Films kung kailan kami gagawa ulit ng movie ni John Lloyd."

NO TELESERYE. May gagawin ba siyang teleserye sa ABS-CBN?

"Wala po," sagot ni Sarah. "Hindi ko na po kayang gumawa ng teleserye dahil sa hectic schedule ko. Pagkatapos po kasi ng concert ko sa November sa Araneta Coliseum, pupunta ako ng Europe. May concert po ako sa Milan at Rome.

"Ngayon, tinatapos ko ang Christmas album ko, yung Christmas Girl. May ginagawa rin po akong isang album na ire-release namin before my concert. Kaya this year, puno na po talaga ang schedule dahil tuloy pa rin ang provincial tour ko ng The Next One at ang studies ko sa UP Open University."

STILL LOVELESS. Paano na ang lovelife, mukhang lalong wala na siyang time na magka-boyfriend?

"Hindi ko naman po 'yon minamadali. Dapat po ba at 21, kailangan na akong may boyfriend? Happy po ako kung ano meron ako ngayon. Tama na po yung may inspirasyon ako, may nakakausap. Ipinagpi-pray ko po naman 'yon. Gusto kong makuhang boyfriend ay man of God, someone to make me a better person. Pero hindi po 'yon dapat madaliin," sabi ni Sarah.

Inamin ni Sarah na kailangan niya munang magpaalam sa kanyang mga magulang bago siya tumanggap ng manliligaw sa kanilang bahay.

"Kami po ng mga sisters ko, hindi naman kami binabawalan ng parents namin magkaroon ng inspirasyon. Kung makikita nila na puwede na talaga, bakit naman po hindi? Pero sa akin ngayon, huwag na po muna," sabi ni Sarah.

Totoo bang pinaghihintay niya ng five years si John Lloyd?

"Naku, hindi po totoo 'yon!" natatawang wika ni Sarah. "Alam naman po natin kung ano ang totoo kay John Lloyd. Pero kung may guy na talagang mahal ako at makapaghihintay siya kahit gaano katagal, bakit hindi?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN