Assunta de Rossi surprised when she was offered a role in Lovers in Paris

"When Lovers in Paris was offered to me, actually it came as a surprise. Sabi ko, 'Ha! Akala ko tapos na ito, e.' Kasi naririnig ko na siya months ago pa...," says Assunta de Rossi about being tapped to play kontrabida in the KC Concepcion-Piolo Pascual teleserye.


Kasama sa cast ng upcoming ABS-CBN primetime series na Lovers in Paris si Assunta de Rossi. Siya ang gaganap na kontrabida rito ni KC.

Pero ayon kay Assunta, kahit inaapi niya si KC sa show ay close friends naman daw sila sa totoong buhay.

"Yung character ko rito, sobrang maldita sa kanya, as in. Pero sa tunay na buhay naman, nagmamahalan kami niyan, sobra!" sabi ni Assunta nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Lovers in Paris kagabi, September 17, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Dagdag niya "Siyempre, aaaminin ko medyo nai-intimidate ako nung una. Siyempre si KC 'yan, e. Pero ayun, she's so down to earth. Hindi siya yung maraming demands. Hindi siya yung tipong kailangang hiwalay ako ng dressing room. So, talagang baligtad sa ini-expect ko.

"At ang gusto ko talaga sa kanya, yung willingness niya to learn. At ako yung parang ate niya. Never akong nagdadamot ng information sa kanya kasi mas matagal na ako sa industriya. And nakikita ko na gusto niya ito, e. She wants this job. She wants to stay. Sa nakikita ko naman sa kanya, meron siyang staying power. At ang inaabangan ko for the years to come ay yung evolution niya as an actress."

Kumusta namang katrabaho si Piolo? First time niya rin ba itong nakasama sa isang show?

"Si Piolo, nagkasama na kami nung 2003 pa sa Buttercup. Kasama namin doon sina Diet, [Diether Ocampo], Claudine [Barretto], Onemig [Bondoc], at Carlos [Agassi]. Matagal na rin kaming hindi nagkita. Halos anim na taon din. Okey namang katrabaho si Piolo. Mabait pa rin siya hanggang ngayon, friendly sa lahat at talagang mahusay na aktor," saad ni Assunta.

Natutuwa si Assunta na muli siyang nabigyan ng show ng ABS-CBN. Nasorpresa nga raw siya nang tawagan siya para makasama sa Lovers in Paris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When Lovers in Paris was offered to me, actually it came as a surprise," sambit niya. "Sabi ko, 'Ha! Akala ko tapos na ito, e.' Kasi naririnig ko na siya months ago pa. Nung tinawagan ako dahil gusto raw akong makilala at makita ni Direk [FM Reyes], dahil meron nga silang role na gusto nilang makita kung babagay sa akin at kaya kong panindigan, sabi ko, 'O di sige, wala naman sigurong masama doon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN