Zanjoe Marudo says all's well between him and girlfriend Mariel Rodriguez

Reports that Zanjoe was helping Mariel (inset) deck out her new condominium gave rise to rumors that the two could be moving in together, but, says the actor, "kung magli-live-in man kami siguro hindi naman sa condo. Mas gusto ko sa totoong bahay talaga, yung talagang masasabi na bahay n'yo."


Pinabulaanan ni Zanjoe Marudo ang intrigang hiwalay na raw sila ng TV host-actress girlfriend niyang si Mariel Rodriguez.

"Yun nga e. Hindi ko pa rin alam kung saan nanggagaling yung isyu na iyan. Hanggang ngayon naman, wala naman kaming nagiging problema. Okay na okay naman kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit may ganyang isyu," bulalas ni Zanjoe nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters pagkatapos ng grand press launch ng bagong ABS-CBN romantic series na Lovers in Paris na ginanap sa September 17, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound.

May isyu ring lumabas na nag-cool off muna sila. Anong masasabi niya rito?

"Hindi po kami nag-cool off ni Mariel. Wala namang reason para mag-cool off."

Pero nagkakaroon ba sila ng tampuhan?

"Sa amin kasi parang minsan lang nangyayari 'yang ganyang tampuhan kasi masayahin kaming pareho. Normal lang naman na minsan magkatampuhan kayo. Pero magkasundung-magkasundo kami."

Sinasabi ring may third party daw sa part ni Zanjoe at ang inili-link na babae sa kanya ay ang kasama niya sa Lovers in Paris na si Maricar Reyes. Bakit sila nali-link ni Maricar?

"Wala, wala yun. Lagi nga kaming pinagpa-partner pero hindi natutuloy. Dito sa Lovers magkasama naman kami pero hindi naman kami magka-partner dito. Hindi rin namin siya kasama nung nagpunta kami sa Paris. So, hindi ko rin alam kung saan nanggaling yung isyu sa aming dalawa."

Apektado ba si Mariel sa isyung ito?

"Naaawa raw siya kay Maricar kasi bakit nga raw siya naiisyu nang ganun, di ba? Alam naman natin na may karelasyon ako tapos may ganung nadadamay na ibang babae. So, parang ang pangit, nakakaawa lang."

BUSY SKED IS NOT A PROBLEM. Na-miss naman ni Zanjoe si Mariel na dalawang linggo ring nawala nang magpunta ito sa US para sa ilang commitments doon, kabilang na ang pagho-host ng Wowowee doon. Dumating na si Mariel kahapon ng umaga at magkasama silang nag-breakfast. Kaya lang, si Zanjoe naman ang umalis ngayong araw papuntang Cebu para sa isang commitment doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nila nagiging problema ang oras nila para sa isa't isa dahil sa pagiging busy nila pareho?

"Siguro hindi na namin pinoproblema yung mga ganung bagay kasi nga yun ang puwedeng pagsimulan ng away. So, suportahan na lang. Pag may time naman, lagi naman kaming nagtatawagan, nagte-text. So, pag may bakante lagi kaming magkasama."

Ano ang pasalubong sa kanya ni Mariel mula sa US?

"Ang pasalubong niya... madami e. Yung isa na lang. May pasalubong siya sa aking poker set. Para sa taping daw, pag wala kaming ginagawa makakapaglaro kami. Parang narinig niya kasi na kailangan namin nina Jayson [Gainza] at John Prats pag nagte-taping kami ng Banana Split wala kaming ginagawa, yun nga poker set. So, nung pagbalik niya rito dala niya para dadalhin ko sa taping."

Ano naman ang regalo niya kay Mariel noong birthday nito?

"Desktop computer. Malaki yung screen 26 [inches] yata o 24. Para pang-Farm Town niya [interactive game sa Facebook]. Mahilig kasi siyang mag-Farm Town, so kitang-kita niya yung tinatanim niya."

IN FAVOR OF LIVE-IN. Balitang tinulungan niya raw si Mariel sa pagbili ng mga gamit at pag-ayos ng bagong condominium nito. Ibig bang sabihin ay magli-live in na sila?

"Hindi ko naman siya tinulungan talaga. Mayroon lang siyang binili na upuan na ako yung pumili. And kung magli-live-in man kami siguro hindi naman sa condo. Mas gusto ko sa totoong bahay talaga, yung talagang masasabi na bahay n'yo."

So, pabor ba siya sa live-in?

"Oo naman. Wala naman akong problema doon. Kahit naman anong bagay na ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan ay wala naman akong, kumbaga, against sa mga ginagawa nila. Dapat huwag tayong makialam kung ano ang mga plano nila sa buhay."

Mag-uusisa pa sana ang PEP kay Zanjoe tungkol sa kanilang dalawa ni Mariel pero kinailangan na niyang umalis kaagad, kasama ang mga bida ng Lovers In Paris na sina Piolo Pascual at KC Concepcion, dahil may taping pa raw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood na ang Lovers in Paris simula sa September 28 sa ABS-CBN Primetime Bida.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN