Survivor Philippines Palau Update: Mentalist Troy Perez disappears from the game

Mentalist and magician Troy Perez became the fifth castaway to be voted off Survivor Philippines: Palau. He got all the boot from his Airai tribemates in the last Tribal Council.


Mukhang hindi nabasa ng mentalist at magician na si Troy Perez ang magiging boto laban sa kanya ng kanyang mga katribo, dahilan upang mapatalsik siya sa Survivor Philippines: Palau.

Siya ang panlimang castaway na na-vote off at ang ikatlong sunod na miyembro ng Airai tribe na natanggal nang matalo na naman sila sa Immunity Challenge.

Humina ang alliance ni Troy nang magpalit ng miyembro ang Airai at Koror. Sa huling Tribal Council ay natanggal ang pinakamalakas niyang kaalyansa na si Vlad Nesas, na nag-quit na nang tuluyan at hindi na nakipag-face-off sa castoff na si Justine Ferrer para sa Immunity Bracelet at ang karapatang manatili sa Isla Purgatoryo.

Sa pagkakatanggal kay Troy, lima na lang ang natitirang miyembro ng Airai at anim naman sa Koror.

REWARD CHALLENGE. Nagharap ang Airai at Koror para sa Reward Challenge.

Sinabi ng host na si Paolo Bediones sa castaways na dapat sagutin nila ang isang survey sa isang pirasong papel. Kailangan nilang isulat ang limang miyembro ng kanilang tribo at iranggo mula one to five—mula sa pinakagusto nila hanggang sa pinakaayaw nila.

Pagkatapos sagutin ng castaways ang survey ay tinawag ni Paolo ang tatlong pinakagusto ng castaways—sina Cris at Charles mula sa Airai at si Marvin mula sa Koror. Sinamahan sila nina Echo at Suzuki ng Koror at ni Mika ng Airai. Sila ang bubuo ng orange team.

Napabilang naman sa pinakaayaw na castaways sina Troy, Louie at Tara ng Airai, at sina Jef, Amanda at Shaun ng Koror. Sila naman ang bubuo ng green team.

Naging open sina Amanda at Jef sa naging pakiramdam nila nang makasama sila sa mga pinakaaayaw na castaways, partikular na kay Troy.

Sa challenge na ito, kailangang itulak ng castaways ang miyembro ng kalabang team sa platform, gamit ang unan. Kung sinuman ang manatiling nakatayo ang siyang makakakuha ng puntos para sa kanilang team. Ang unang team na makakuha ng five points ang mananalo ng reward.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pinaglalabanang reward ng castaways ay crispy pata, unlimited rice, at malamig na Coke Zero.

Sa unang round, ang nagharap ay sina Echo at Mika laban kina Amanda at Jef. Mabilis na naitulak ni Amanda si Mika at saka niya itinulak si Echo, kasama na ang kakampi niyang si Jef.

Sa second round, ang naglaban ay sina Cris at Suzuki laban kina Shaun at Louie. Dahil sa laki ni Cris, nagawa niyang itulak lahat ng kalaban nila.

Sa third round, sina Troy, Tara at Louie laban kina Mika, Charles at Marvin. Nakuha ng orange team ang point.

Sa fourth round, dalawang babae at isang lalake sa bawat team ang pinagtapat. Nakuha ng green team ang puntos.

Sa fifth round, tatlong pares ng lalake ang naglaban. Sa huli, ang mga kalalakihan ng orange ang nanalo.

Sa sixth round, sina Cris at Mika ang humarap kina Amanda at Shaun. Naitulak ulit ni Amanda si Mika, pero wala siyang nagawa nang itulak naman siya ni Cris.

Sa huling round, lahat ng miyembro na ang nagtapat. Naitulak ni Cris si Shaun at iba pang castaways, pero nagawa ni Louie na maitulak si Cris palabas ng platform. Nagawa ring maitulak ni Louie ang iba pang miyembro ng kalabang tribe, maliban kina Mika at Marvin. Nahirapan man ang natitirang miyembro ng orange team na itulak si Louie, nanaig pa rin sa huli para sa kanilang panalo.

Pagkatapos ng kanilang panalo ay nilantakan na ng orange team ang reward nilang crispy pata, kanin at softdrinks, habang pinapanood sila ng green team.

Taliwas sa inakala ng iba na magbabago na naman ang composition ng miyembro ng bawat team, bumalik sa kani-kanilang dating grupo ang castaways.

TRUTH OR CONSEQUENCE. Bukod sa Reward Challenge, nagkaroon din ng Truth or Consequence challenge.

Isang "ambassador" ng bawat tribo ang pupunta sa kabilang tribo. Sa Airai, ang pinili nila ay si Tara, samantalang si Amanda naman ang nag-volunteer para sa Koror.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang bawat "ambassador" ay nagpunta sa kalabang tribo, dala ang isang basket na naglalaman ng mga tasks, kung saan sila ang magpa-facilitate ng Truth or Consequence sa kabilang tribo. Bawat tanong o consequence ay may kasamang premyo—isang stick ng sigarilyo, toothbrush at toothpaste, isang baso ng malamig na tubig, chocolate powder drink, sabong pampaligo, shampoo, isang nilagang itlog, at panlinis ng tenga.

Ilan sa mga consequence na ginawa ng castaways ang ay mga sumusunod: hinalikan ni Mika ang talampakan ni Charles, pinagsayaw sina Louie at Suzuki ng sexy dance, nagbaliw-baliwan ni Mika, at dilaan nina Troy at Suzuki ang kanilang mga kilikili.

IMMUNITY CHALLENGE. Muling nagharap ang Airai at Koror para sa Immunity Challenge.

Sa challenge na ito, kailangang buhatin ng bawat tribe ang isang log o troso. Dapat magtalaga ang bawat tribo ng isang head at isang tail, habang apat na miyembro naman ang nakaposisyon sa gitna. Lahat ng miyembro ng tribo ay naka-clip o nakakabit sa troso.

Sa signal ni Paolo, bubuhatin ng mga tribe members ang troso at dadalhin nila ito sa obstacle course. Una ang tire course, kung saan kailangan nilang buhatin ang troso hanggang sa dulo ng tire course. Pagkatapos nito ay kakalas sa pagbubuhat ang isang miyembro.

Ang ikalawang station ay ang commando crawl, kung saan limang miyembro ng bawat tribo ang gagapang sa ilalim habang umiiwas sa barbed wire. Sa dulo ng course, isa na namang miyembro ang kakalas.

Ang apat na natitirang miyembro ng grupo ang magbubuhat ng troso papunta sa isang wall kung saan kailangan nilang umakyat at tumawid kasama ng troso, hanggang sa marating nila ang isang mas mataas na pader kung saan isa na namang miyembro ang kakalas.

Ang fourth stop ay isang cement wall na kailangang pabagsakin ng tatlong natitirang castaways gamit ang troso. Kapag nakatawid na sila sa collapsed wall ay isa pang miyembro nila ang kakalas hanggang sa dalawa na lang ang natitira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Louie at Cris ng Airai at sina Marvin at Shaun ng Koror ang mga natira.

Sa huli, nanaig ulit ang Koror para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa Immunity challenge.

Pagkatapos ng kanilang panalo, sinabi ni Paolo sa kanila na pumili ng isang miyembro ng Airai na bibigyan nila ng Immunity bracelet, na magliligtas sa kanya sa Tribal Council.

Pinili ng Koror na ibigay ang bracelet kay Cris dahil gusto raw nila itong manatili sa laro.

Pagbalik sa kampo, nag-usap-usap na ang mga miyembro ng Airai kung sino ang tatanggalin nila. Parehong naging target sina Troy at Tara, pero sa huli ay ibinoto ng mas marami si Troy.

Si Troy ang makakaharap ni Justine sa susunod na face-off challenge para sa pagkakataong makabalik sa laro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN