KC Concepcion says she and Piolo Pascual became good friends but not lovers in Paris

KC says there were no "developments" during their time in Paris, but she leaves the door open: "Depende talaga how he's going to lead the relationship, if ever na magkaroon nga kami ng malalim na relasyon. Basta, ang gusto ko, somebody na mapapanindigan kung ano ang naumpisahan."


Si KC Concepcion ang tipo ng artistang hindi basta pasasakayin ang fans para lang maka-create ng romantic buzz na pakikinabangan ng latest movie or teleseryeng kinatatampukan niya.

Kapansin-pansin ito sa pag-uusisa ng press tungkol kay Piolo Pascual na kapareha niya sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Lovers in Paris.

"Wala naman kasing developments. Talagang magkaibigan lang kami ni Piolo. We got along well, lalo na noong nasa Paris pa kami, hanggang ngayong nagpu-promote na kami.

"Doon kasi, we had all the time in the world, na wala kaming iniintindi kung hindi Lovers in Paris lang. Pagdating dito sa Pilipinas, naku, nag-iba na! Kasi, kanya-kanya nang pagiging busy, may kanya-kanya kaming buhay rito," natatawa at napapailing na sabi ni KC.

Pero, nakita ni KC si Piolo at his most candid, na na-appreciate naman niya. Kahit naman daw ngayon, hindi niya matatawag na pang-showbiz lang ang magandang tratuhan nila.

"Sobra kaming magkasundo. Pero, ngayon kasi, mahirap sagutin yung mga tanong. Sabi ko nga, mas mabuting sagutin ko na lang yung tungkol sa aming dalawa kapag tapos na talaga yung teleserye, kung may developments pa ba.

"Kasi, mahirap maakusahan na gumigimik lang, o pinasasakay ang fans," patuloy ni KC.

Yung personal lives daw nila ay second priority na lang nila, kung tutuusin. "Work lang talaga," nangingiting sabi niya.

GROWING UP IN SHOWBIZ. Hindi na nasusorpresa pa si KC na patuloy na nangungulit ang media at ang publiko sa kaliit-liitang detalye ng buhay niya.

"Naku, practically, I grew up in showbiz!" bulalas niya. "Ipinanganak na ako sa showbiz, at nakita nga nilang nakahubad na talaga ako noong baby pa ako.

"Wala namang nakakailang sa ganyan. Walang nangyari sa buhay ko na hindi alam ng mga tao. From school, to sports, hanggang tumira na ako sa Europe, hanggang ibang lengguwahe na ang pananalita ko, through my relationships, alam na rin ng mga tao na nakipag-break ako sa pakikipagrelasyon ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat na yata ng bagay, nakita na ng mga tao sa akin. Wala na akong pupuwedeng itago pa talaga.

"Ayaw lang namin ni Piolo na mabigyan ng kulay o ibang interpretation itong magandang tratuhan namin. Doon lang nagkakaroon ng gulo, kasi, bawat sabihin namin, pupuwedeng mabigyan ng ibang interpretation," sabi pa niya.

PARENTS' TRUST. Pero, ang parents niyang sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta ay wala namang negatibong nasasabi about Piolo, na ibig sabihin ba nito, boto na sila rito?

"Naku, sa lahat naman yata ng guys na malapit sa akin, walang masasabing hindi maganda ang parents ko!" sabi niya.

"Nirerespeto kasi ng parents ko ang personal relationships ko with these guys, at grabe ang trust nila sa akin, and they know how I can get through situations.

"It will always be up to me. Kahit kaibigan pa 'yan, o boyfriend, walang sasabihing hindi maganda ang parents ko, lalo na't alam nilang pinoprotektahan din ako kahit ng mga kaibigan ko," nasabi pa ni KC.

Dedepende raw ang lahat mismo kay Piolo, kung mapatutunayan nga nitong ito ang nararapat na lalaki para sa kanya.

"Depende talaga how he's going to lead the relationship, if ever na magkaroon nga kami ng malalim na relasyon," sabi niya.

"Nasa lalaki 'yan, kung magkakaroon nga kami ng relasyon, o hindi. Basta, ang gusto ko naman, somebody na mapapanindigan kung ano ang naumpisahan.

"It's up to the guy to lead us to the right place," katwiran ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN