Indie films ruled at the 32nd Gawad Urian

Independent movies dominated the Urian awards last night, and one of the biggest winners was Mylene Dizon, who was declared Best Actress amid stiff competition, according to Manunuri Butch Francisco: "Nang mapanood ko ang 100, 'Oh, my God, we have a best actress!' Pero lumabas si Boots Anson-Roa sa Lovebirds, si Gina Pareno sa Serbis... parang ang higpit ng laban. Kaya itong ipinanalo ni Mylene, hindi niya nare-real


Puro independently-produced movies, o indie films, ang nabigyan ng nominasyon at nagwagi sa iba't ibang kategorya sa katatapos na 32nd Gawad Urian 2009 rites ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP). Ang parangal ay ginanap kagabi, Setyembre 19, sa Tanghalang Aurelio Tolentino (Little Theater) ng Cultural Center of the Phillipines (CCP).

Napanalunan ng pelikulang Serbis (ng Centerstage Productions, Inc.) ang pinakamataas na parangal bilang Pinakamahusay na Pelikula. Kuwento ito ng isang dysfunctional family, na nag-o-operate ng isang rundown "porno" theater sa isang bayan sa Pampanga.

Si Brillante Ma. Mendoza ang nagwaging Pinakamahusay na Direktor para sa Serbis. Hindi nakadalo sa gabi ng parangal ang premyadong direktor at prodyuser dahil nasa Sao Paolo, Brazil siya para sa retrospective screening ng kanyang mga pelikula, at para magsilbing isa sa mga hurado sa ginaganap na filmfest doon.

Last year ay ginawaran din ng Manunuri ng katulad na parangal si Mendoza, para sa obra niyang Tirador. Ang Serbis ay naitanghal sa 2008 Cannes Film Festival, bilang main competition entry.

Ang iba pang parangal ng Serbis ay para sa Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon (Benjamin Padero at Carlo Tabije); at Sinematograpiya (Odyssey Flores).

RONNIE & MYLENE. Para sa best actor at best actress awards, sina Ronnie Lazaro (para sa Yanggaw) at Mylene Dizon (para sa 100) ang mga nanalo.

Sabi ng Manunuri na si Butch Francisco, tungkol sa pagwawagi ni Mylene, "Sa umpisa pa lang, nang mapanood ko ang 100, 'Oh, my God, we have a best actress!' Pero lumabas si Boots Anson-Roa sa Lovebirds, si Gina Pareno sa Serbis... parang ang higpit ng laban. Kaya itong ipinanalo ni Mylene, hindi niya nare-realize ang hirap ng pinagdaanan niya. Natatangi ang mga pagganap nilang lahat, kaya lang, isa lang ang pinakamahusay, at nung nag-botohan, si Mylene ang 'wagi..."

Sa pagtanggap niya ng award ay pinasalamatan ni Mylene ang writer-director ng pelikula na si Chris Martinez. Kapwa sila nanalo sa Cinemalaya 2008 para sa 100. Nakakatuwang isinama ni Mylene sa entablado ang panganay na anak niya sa aktor na si Paolo Paraiso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As for Ronnie Lazaro, unang panalo niya ito sa Urian at masayang-masaya ang aktor na nag-deliver ng speech na kalahating Ilonggo at kalahating Tagalog.

Nanalo rin ang newcomer na si Aleera Montalla, bilang best supporting actress. Gumanap siya bilang isang aswang sa obra ni Richard Somes, nominated for best director for Yanggaw, na nanalo rin sa kategoryang Best Sound (Joey Santos at Von de Guzman).

JAY & COCO, ATBP. Tatlong parangal ang napanalunan ng Jay sa Urian '09: Pinakamahusay na Dulang Pampelikula (Francis Xavier Pasion); Editing (Francis X. Pasion, Kats Serraon, Chuck Gutierrez); at Pagganap ng Pangalawang Aktor na si Coco Martin.

Hindi naka-attend sa awarding this year si Coco. Ang Manunuri member na si Butch Francisco (nag-emcee, kasama ni Ms. Boots Anson-Roa, herself a best supporting actress nominee, for Lovebirds), ang tumanggap ng trophy in his behalf. Ito ang unang Urian award (as best supporting actor) ni Coco.

Ang Visayan digital film na Hunghong Sa Yuta ng direktor na si Arnel Mardoquio ay nanalo ng award para sa musika ni Popong Landero. Para sa Pinakamahusay na Maikling Pelikula, ang nagwagi ay ang Andong ni Milo Tolentino.

LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD. Ang multi-awarded director and former production designer, actor and writer-producer na si Peque Gallaga ang tumanggap sa taong ito ng Natatanging Gawad Urian Lifetime Achievement Award.

Nakilala si Direk Peque Gallaga sa maraming pelikulang itinuturing na ngayong klasiko, tulad ng mga nilikha niya bilang direktor, kabilang ang: Oro, Plata, Mata (1982), Scorpio Nights (1985), Virgin Forest (1985), at Gangland (1998);

Bilang production designer, kabilang ang: Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? (1976), at Manila By Night (City After Dark) (1980);

Bilang aktor, kabilang ang: Tatlong Taong Walang Diyos (1976), at Gumising Ka, Maruja (1978);

Bilang writer/co-writer, kabilang ang: Once Upon A Time (1987), Tiyanak (1988), Isang Araw, Walang Diyos (1989), at Shake, Rattle & Roll 2 (1990).

Bilang producer, kabilang ang: Puso ng Pasko (1996), Scorpio Nights 2 (1999), Ang Kabit Ni Mrs. Montero (1999), at Sa Piling Ng Aswang (1999).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mahaba niyang talumpati ay hindi nakalimutan ni Direk Peque na pasalamatan ang lahat ng mga nakatrabahong artista at technical people, including production designers Rodell Cruz at Don Escudero, at co-director (sa marami niyang pelikula) na si Lore Reyes.

Matapos ang talumpati ni Direk Peque, ang komento ni Boots Anson-Roa, "Sa lahat ng 'Peque,' si Direk [Gallaga] ang totoo."

LOW-KEY. Kumpara noong isang taon, na pawang digital indie movies din ang nag-dominate sa nominations at awards ng Manunuri, at karamihan ay naka-attend sa gabi ng parangal, sa taong ito ng Urian ay marami ang absentee. At marami din ang dumating nang late.

Kakaunti ang bilang ng mga artistang namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Bukod sa mga nabanggit na winners, naroon sina Cherry Pie Picache, Gina PareƱo, Sid Lucero, Emilio Garcia, BB Gandanghari, Katherine Luna, at si Bayang Barrios na naghandog ng isang awitin.

Ayon kay Lito Zulueta ng Manunuri: "This is the second time na puro indie [ang nominees]. Last year, they were here. Siguro nga, they are preoccupied with a lot of things, especially yung production ng Jay at Serbis. Some of them, yung key people, are abroad..."

Isasahimpapawid ang Urian '09 awards rites coverage sa Cinema One ng Skycable network at sa ABC-5, with the schedule to be announced.

"Non-commercial ito. Wala kaming television producer, we produce it ourselves. Ang mahalaga, we have to give the awards," sabi pa ni Mr. Zulueta.

Bukod kina Butch Francisco at Lito Zulueta, kabilang din sa mga aktibong miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ay sina Rolando B. Tolentino (kasalukuyang tagapangulo), Grace Javier-Alfonso, Mario A. Hernando, Dr. Bienvenido Lumbera, Miguel Q. Rapatan, Dr. Nicanor G. Tiongson, Benilda S. Santos at Tito Genova Valiente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN