Mark Lapid gets the word from Las Vegas: "Good news, binata na ulit ako."

"Mabilis pala ang two years," marvels Tanya Garcia. "Parang hindi rin namin napansin na tumagal din. Naging inspirasyon kasi namin ay ang anak naming si Mischa, who just turned two years old. Kaya nga double celebration itong birthday party niya. One is Mischa's birthday, at second ay yung pag-grant ng annulment ni Mark."


Nang makatanggap ng tawag si Mark Lapid mula sa abogado niya sa Las Vegas, hindi niya alam na napakagandang balita pala ang sasabihin nito.

"Good news daw kasi nga binata na raw ulit ako!" natutuwang ikinuwento ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong second birthday celebration ng anak niyang si Mischa Amidala, September 19 sa Porac, Pampanga.

Na-grant na ang annulment ng kasal ng former Pampanga governor sa Korean national na si Yuri Park. Meron silang three-year-old son.

Pero ang good news ay hindi lang para sa kanya, "but for my future wife, Tanya," ngiti ni Mark, na ang tinutukoy ay si Tanya Garcia, ang ina ni Mischa.

Sabi ni Mark nang makapanayam namin siya, "I'm really happy kasi matagal na naming ipinagdarasal ito ni Tanya."

Kung matatandaan, noong May 7, 2007, biglang lumabas ang balitang kasal pala si Mark at may anak kay Yuri Park. Nabalitaan ding two months pregnant ang girlfriend niyang si Tanya. Lumabas ang mga balita noong kasagsagan ng election, noong tumatakbo for re-election si Mark as governor of Pampanga. Natalo si Mark sa naturang halalan.

February 12, 2007 nag-file si Mark para mapawalang-bisa ang kasal niya, na-grant yung petition nitong September 8, 2009.

"All I need to do now ay asikasuhin na lahat ng papers para maayos na lahat. Then I can move on at matupad na ang mga plano namin ni Tanya at sa anak naming si Mischa, at sa magiging mga anak pa namin."

PRAYERS ANSWERED. Hindi raw tumigil si Tanya sa pagdarasal na one day ay magiging maayos na ang lahat para sa kanilang dalawa.

"Actually, nagulat din ako at wala akong masabi. I was so speechless noong ibalita sa akin ni Mark that his marriage was annulled na. Niyakap ko siya at hinalikan.

"I'm happy for him kasi noong unang lumabas 'yon, he was really bothered. Na-stress siya talaga. Hindi ko na nga inalala ang kalagayan ko that time. I was having a difficult time noong buntis ako, pero inalala ko pa rin si Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"What's good about Mark is that he kept his cool. Kahit alam kong nai-stress siya, ayaw niyang iparamdam sa akin or sa family niya. Ibinigay na lang namin ay ang moral support and prayers na things will be okay very soon.

"Mabilis pala ang two years, di ba? Parang hindi rin namin napansin na tumagal din. Naging inspirasyon kasi namin ay ang anak naming si Mischa who just turned two years old. Kaya nga double celebration itong birthday party niya. One is Mischa's birthday, at second ay yung pag-grant ng annulment ni Mark.

"We feel so blessed kasi yung dasal namin ay natupad and God is really good to us. Though we both made mistakes in the past, we are all given a second chance," nakangiting sabi ni Tanya.

DREAM WEDDING WILL BE SIMPLE. Ngayong malaya na si Mark, pinaplano na ba nila ang kasal nila?

"Yes, may pinag-uusapan na kami ni Tanya. Pero matagal pa itong mangyayari... siguro next year!" sabay tawa ni Mark.

"Kung puwede lang sana next year na, di ba? Pero marami pa kaming inaayos at darating pa ang election. So magiging busy kaming dalawa because my dad [Sen. Lito Lapid] will be running for governor of Pampanga. Hindi ako tatakbo sa anumang position in 2010. I will be supporting my dad.

"Kaya yung plano na magpakasal, plano muna kasi may mga ipa-prioritize kami. Okey lang kay Tanya kasi she wants to help out din sa campaign ni Daddy. Since lahat naman ng activities ni Mark ay present ako, I will do my share din to help out sa campaign. One big family kami kaya tulung-tulong kami."

Ngayong may anak na siya, naging simple na rin ang pangarap ni Tanya tungkol sa kanyang wedding.

"Before, kapag tinatanong ako about dream weddings, ang dami kong gusto. Gusto ko sa beach, sa magandang garden, at siyempre sa magandang church. Pero ngayon at parents na kami ni Mark, parang it's better na simple wedding na lang. Ang importante naman ay may basbas ng simbahan at ni God ang pagsasama naming dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROJECT: SIBLING. Gusto ni Mark na masundan na si Mischa. Wish niya ay sana lalaki naman.

"Oo nga, e. Yun ang next project naming dalawa!" tawa ni Tanya.

"I've consulted with my doctor and nag-prescribe siya sa akin ng mga vitamins at gamot para maging malakas ang katawan ko in case na mabuntis ulit ako. Mahirap kasi yung pinagdaanan ko with Mischa at ayokong maulit 'yon. My doctor said naman na I'm healthy and I can get pregnant any time.

"Pero sabi ko naman kay Mark na huwag muna. Two years old pa lang si Mischa and we like to spend more time with her. Pero kung mabuntis ako, okay lang kasi blessing 'yon para sa family namin."

BIG FAMILY. Gusto raw ni Mark na at least apat ang anak nila ni Tanya.

"Galing kasi ako sa malaking pamilya. Lumaki ako na marami kami sa bahay, lalo na tuwing reunions. Kaya yun sana ang gusto ko. Sabi naman ni Tanya, kakayanin niya. Galing din kasi siya sa malaking family at alam niya na masarap ang may mga kapatid," sabi niya.

Kahit nami-miss ni Tanya ang showbiz, hindi naman daw siya nagmamadaling bumalik dahil kuntento na siya sa takbo ng buhay niya bilang mother and (future) wife ni Mark. Nilinaw ni Tanya na hindi siya pinipigilan ni Mark na bumalik sa showbiz.

"Choice ko naman na maging domesticated. Ang sarap kasi palang maging isang mother. Akala ko before, hindi ko kakayanin, pero kapag ikaw na pala ang nasa lugar na ito and you have responsibilities, magki-kick in ang pagiging mother mo talaga. Pero siyempre, I take advice from my own mom at sa mommy ni Mark na si Mommy Marissa. Malaking tulong sila sa akin.

"Kaya may mga trabaho rin ako na hindi tinatanggap kasi mas nakatuon ako kay Mischa, lalo na't lumalaki na siya at nagsasalita na. I don't want to miss any moment na ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Once in a while naman may trabaho rin ako. I do shows and guestings naman, pero nami-miss ko si Mischa parati kapag nasa malayo ako. Si Mark pa nga ang nagpipilit sa akin na maging busy ako at tumanggap ako ng showbiz work. Okey lang naman daw sa kanya. Pero I choose muna to be with my family. I am still learning to be a good mother and to be a good wife as well," sabi ni Tanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN