Snooky Serna is willing to kneel before Mother Lily to earn her forgiveness

"....Si Mother Lily kasi, she's not only Mother Lily, but she could also be Tiger Lily. Kapag kinalaban mo, matapang na babae si Mother and I admire her for being that," says Snooky Serna about Regal matriarch Lily Monteverde.


Ginanap noong Sabado ng gabi, September 19, ang special screening ng pelikulang Dukot (Desaparecidos) sa Greenbelt 3 My Cinema na tinatampukan nina Iza Calzado, Allen Dizon, Gina Alajar, Snooky Serna, Robert Arevalo, Emilio Garcia, at iba pa, sa direksiyon ni Joel Lamangan. Ang pelikulang ito—tungkol sa mga paglabag sa karapatang pantao na talamak na nangyayari sa Pilipinas—ay pinuri ng mga banyagang kritiko at ng mga manonood na migrante sa katatapos na Montreal World Film Festival.

Ang Dukot, na mula sa CPD Events and Entertainment Productions at ATD Entertainment Productions, ay ipalalabas muna sa Australia, New Zealand, Japan, at Hong Kong bago mapanood sa Pilipinas.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Snooky hinggil sa iba't ibang paksa: ang kanyang pananaw sa patuloy na pagsigla ng indie films, ang plano niyang mag-produce ng pelikulang tatampukan nilang tatlo ng orig Underage girls na sina Maricel Soriano at Dina Bonnevie, at ang matagal nang inaasam na paglambot ng puso ng ina-inahang si Mother Lily Monteverde kaugnay ng ilang taon nang sama ng loob ng Regal Films matriarch sa aktres.

INDIE FILMS. Una muna siyang nagpahayag ng saloobin sa pelikulang Dukot at sa pagsigla ng indie films.

"Nagustuhan ko sa Dukot yung moral relevance ng film, kasi kapag nagkakaedad ka nang kaunti, dumarating ka sa panahon of enlightenment and realization on a lot of things. And sa ating society, iba ang pulitika. Na-notice ko yun, totoo, we are a cerebral country, e, and I would like to believe na ang mga Filipino ay isa sa mga matatalinong tao sa mundo, matagal lang tayong na-suppress, na repress.

"I'm one of those artists na very thankful that indie films are now in vogue. Kasi, ako talaga, I really believe sa talent ng mga Filipino whether you are 'fresh blood'—so to speak and in quotation marks—or an old timer in the business. It also somehow sustains the industry, and not only does it sustain the artistry and the creative process, but it also generates income. And ang nakakatuwa pa, you don't have to spend as much money, as opposed to when you do commercial films. So, maraming pros para sa akin and I am happy with the emergence of indie films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tsaka nabubuksan yung doors for new talents na otherwise siguro ay hindi bibigyan ng tsansa ng malalaking kompanya because of the star system. Naku, baka sabihin ng iba... But I'm just being honest, 'no. In my personal opinion kasi, like ang Star Cinema, it has its own roster of stars na. Ang Regal Films, may sariling Regal Babies, siyempre 'yan ang aalagaan nila. Bukod sa may priorities sila at parang naka-preset na ang mga aalagaan, they're very in sa star system, at alam naman natin na andiyan yung stereotype, which [I am] against," mahabang pahayag ni Snooky.

Puwede kayang sabihin na yung mga indie artists ay kayang lumaban ng pagalingan sa mga taga-mainstream?

"Alam mo, yes, most definitely. Oo, baka mas magaling pa nga. Pero, ayaw kong magkaroon ng kaaway. I'm not in a fighting mood dahil hindi naman ako mataray basically, but I'm just so honest lang talaga!" nakatawang paliwanag ni Snooky.

Sinabi rin niya ang magagaling na indie artists para sa kanya.

"Well, marami talaga silang magagaling, e. Pero sa mga nakasama ko na talagang indie artist, ha, at hindi mainstream, I hope I remember... Nandiyan si Glaiza de Castro, na I would consider na more of an indie actress. Tapos yung isang nakasama ko sa movie na Fidel na si Ana, tapos si Coco Martin, sino pa ba? Si Allen Dizon... Hindi dahil kasama ko siya rito sa Dukot, pero magaling siya. Gusto ko sanang sabihin si Emilio [Garcia], pero hindi talaga siya sa indie, kundi lately lang, e."

FUTURE FILM PRODUCER. Dahil sa pagmamahal niya sa sining at sa industriyang kanyang ginagalawan, nasabi rin ni Snooky na plano niyang magprodyus ng pelikula sa hinaharap.

"Actually, pinag-iisipan ko dahil gusto ko rin namang makatulong sa industriya, gusto ko ay magtulong-tulong tayo talaga. Na, to give back na rin exactly, what the industry has given me. Kasi, nakakasama rin ng loob na three years old pa lang ako ay artista na ako, na halos ito na ang naging buhay ko, apat na dekada na at parang it's the family I've known, tapos mawawala na lang ba itong bigla?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, siyempre nandoon yung iisipin mo ang moral obligation sa audience, na hindi naman ito puro pera na lang at puro kabig na lang na gagawa ka lang ng pelikula para kumita," paliwanag niya.

Idinagdag pa niya ang wish na sana kung matuloy ang balak niya'y sina Maricel Soriano at Dina Bonnevie ang makasama niya sa proyektong ito.

"Sana mapagsama ko yung dalawang kapatid ko na sina Maricel at Dina. Lalo na kung iisipin na buhat nang mag-click yung Underage movie, para kaming Three Stooges na laging magkasama sa mga project noon sa Regal Films.

"Honestly, in a way ay nami-miss ko ang mga panahong iyon. And what I miss most about filmmaking before, was the atmosphere, yung camaraderie. Dahil noon, ang mga artista ay parang mas close kami sa isa't isa, parang pamilya. Siguro 'yon din ang isa pang attraction ng indie films sa akin. Kasi sa indie flms, lahat kayo ay pantay-pantay at walang star system. Para kayong nagiging clannish, parang nagiging magkakapatid na.

"Noong araw ay ganoon kami. Na parang after ng aming era, parang naiba na, na parang after ng movie, yung friendship ay mababaw na lang. Na para bang magkaibigan lang kayo habang ginagawa ninyo ang pelikula, pero pagkatapos nun ay walang continuance na yun, at yun ang nami-miss ko.

"And si Maricel, even Dina, masasabi kong hanggang ngayon ay continuous ang friendship namin at gusto ko sana, na kung magpo-produce ako, sina Maricel at Dina ay kasama ko. 'Yon ang dream ko sakaling mag-produce ako."

MOTHER LILY. Ang Regal Films ba at si Mother Lily ay nami-miss din niya?

"Actually, nami-miss ko si Mother, Yakapin Mo Akong Muli was my last film for Regal in 1991 and my first movie with Ricardo Cepeda. And I'm really, really hoping and praying na sana ay ma-soften yung heart ni Mother na kung may galit man sa akin si Mother from the past... Medyo may tampo kasi siya and sana, I hope that she would one day, step out of that sama ng loob at ma-realize niya na, 'Uy, mahal ko pa rin pala si Snooky at naniniwala pa rin ako sa kanyang kakayahan bilang artista,' na enough for her to get me for another Mano Po. Kasi, I would like to be a part of something like that, e," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naibulalas tuloy ni Snooky—isa sa original Regal Babies—na handa siyang lumuhod kung kinakailangan, para lamang mawala ang galit sa kanya ni Mother Lily. Aminado rin ang aktres na gumawa na siya ng first move upang magkaayos na sila, subalit naging matigas pa rin ang puso ni Mother Lily para kay Snooky.

"Actually nagawa ko na 'yan, ilang beses ko nang na-try. Kaya lang ay medyo nagmamatigas sa akin si Mother. Hindi lang konting himas ang kailangang gawin sa kanya, dapat siguro ay lumuhod ako sa kanya.

"Kasi, you know, I owe Mother Lily a lot talaga, kaya okay lang kung kailangang maglumuhod ako kay Mother," seryosong pahayag ng aktres.

Ayaw namang mag-elaborate ni Snooky sa naging ugat ng kanilang problema ni Mother Lily noon.

"Masyadong personal, e, medyo... I would rather not speak about it, sorry," matipid na tugon niya.

"And ito, okay lang na isulat mo, si Mother ay mabuting kaibigan, pero masamang kaaway," pahabol na dagdag pa niya.

Paliwanag niya, "Kami, para kaming David versus Goliath, e. Hindi ko siya puwedeng hamunin ng away, hindi ko siya puwedeng kalabanin dahil kumbaga sa Bibliya, ako si David at siya si Goliath, e.

"At saka nanay ko 'yon, e. No matter how imperfect she is—and I would like to believe na ako rin naman [may imperfection din]... Na kung anak at nanay ang turingan namin noon at I believe na sincere ang relationship namin noon, kaya I don't think na mamasamain niya na sabihin ko ito. I know kasi na malawak ang pang-unawa ni Mother. And ako, I would take positively kung ako ang pagsasabihan ng ganoon.

"Si Mother Lily kasi, she's not only Mother Lily, but she could also be Tiger Lily. Kapag kinalaban mo, matapang na babae si Mother and I admire her for being that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN