Joem Bascon explains why he missed the Cosmo Bachelor Bash

A lot of girls were expecting to see Joem Bascon strut his stuff at the Cosmo Bachelor Bash last September 10 at the NBC Tent, The Fort, Taguig City. But due to his busy schedule, he was not able to make it.


Sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash, dalawang male celebrity hunks ang hindi nakarampa, sina Joem Bascon at Sid Lucero.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Joem last Saturday night, September 20, sa Dulcinea para sa presscon ng indie movie na A Journey Home nila nina Toni Gonzaga at Soliman, napag-alaman namin na dalawa ang rason kung bakit hindi nakarating sa nasabing event ang budding actor.

Una, ayaw niya talaga; pangalawa, may taping siya that night.

Bakit ayaw niya?

"Hindi ako ready, eh! Hindi ako ready physically," unang sagot ni Joem.

Hindi siya physically ready, pero nagpa-pictorial na siya nang hubad for the supplement ng Cosmo magazine prior to the Bash.

"Hindi, kasi yung pictorial, there was a time for... merong allotment talaga na magkaroon ako ng time na mag-work out for that shoot. Pero after kasi nung shoot, nagkasunud-sunod na. Almost everyday yung tapings ko, yung shootings, kasi kasabay nga ng shooting nitong A Journey Home. We just finished last month.

"Tapos sunud-sunod pa ang tapings for nurserye namin na Habang May Buhay, then yung Precious Romance Presents Bud Brothers. Kaya nawalan talaga ako ng time na mag-work out.

"Two weeks ago lang yung Cosmo Bash, di ba? So yun, the whole month of August, hindi ako nakapag-work out, no time talaga, busy sa schedule. That's the reason, bukod sa may work ako talaga that night. Fully-booked talaga ang schedule ko, hindi na ako nakakapag-rest, hindi na ako nakakapagpahinga, at may work ako that night."

Halimbawang wala siyang trabaho that night, rarampa ba siya?

"Siguro I would, kung nakapag-ready ako for the whole month of August, pero kung wala talagang time, hindi. Kasi, mapapahiya lang ako, e. Hindi ako ready talaga, e."

Ang pictorial niya for Cosmo magazine ay nangyari noong first week ng August.

"So may time talaga ako na mag-work out, pero after nun, hindi na ako nakapag-work out, punumpuno ang schedule ko buong month ng August at September. Kasi ayoko naman na siyempre kung rarampa ako, ayoko naman na maiwanan. Siyempre, ang gaganda ng katawan ng mga kasama mo, 'tapos ikaw nagpabaya. 'Tapos rarampa ka nang walang ipapakita, so nakakahiya naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Sid alam mo, magkasama kami sa taping that night ng Dahil May Isang Ikaw, magkasama kami that night. So talagang may taping kami."

Ganun ba kabilis magbago ang katawan niya?

"Ganun kabilis nagbago ang katawan ko, lalo na kung ikukumpara mo kay Gerald Anderson at Aljur Abrenica ang katawan mo, di ba?

"Siyempre kung rarampa ka na rin lang for Cosmo, lubusin mo na. Ipakita mo na kung ano'ng meron ka talaga, huwag ka nang magkala-kalahati, buuin mo na nang maganda ang katawan mo para at least, hindi kulang, and para for my own satisfaction na rin yun, di ba? So, 'yon."

Marami-rami na ring indie movie na nagawa si Joem. The latest nga ay ang A Journey Home na mula sa Jubilee Evangelical Church, in partnership with Jubilee Christian Academy.

"Hindi ko alam, e, medyo marami na rin akong nagawa pero I think pang-fifth or pang-sixth na indie film ko na itong nagawa."

Kasama rin sa A Journey Home sina John Manalo at Lance Raymundo. May screening ito sa October 10 sa Alabang New Life Christian Center, Muntinlupa City, at sa October 17 sa SM Megamall Cinema .


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN