Assunta de Rossi says she and husband Jules Ledesma don't talk about having a baby anymore

"We're very lucky to have each other. Gusto kasi namin to be the best of what we do. Mahirap naman kung hindi naman supportive ang spouse sa 'yo, di ba? I mean, siguro matatanggap mo, but tanggap lang. Hindi mo gusto. Buti na lang, it's the other way," says Assunta de Rossi about husband Jules Ledesma.


Matagal ding walang regular show si Assunta de Rossi. Her last was the afternoon soap Pieta. Pero ayon sa aktres, short role lang naman siya rito. Hindi rin lingid sa lahat na nagkaroon ng isyu before with her and husband Jules Ledesma with ABS-CBN.

Pero heto't nasa Kapamilya network pa rin siya and she's part of the upcoming primetime series Lovers In Paris, topbilled by Piolo Pascual and KC Concepcion. But Assunta feels blessed na sa ilang taon naman niya sa business, never did she have to beg for work—ang trabaho pa rin ang daw ang naghahanap sa kanya.

Pero nilinaw ni Assunta na masaya naman siya kahit anong network at kahit saan may trabaho.

Aniya, "You know, sobrang thankful ako whoever na kumuha ng serbisyo ko kasi mahal ko ang trabaho ko talaga. I always give my 100 percent. Even if ano nga, walang bayad, I will still give you a one-million performance. Ganoon ko kamahal ang trabaho ko. Money is out the question at kung saan ako magtrabaho. Basta ang gusto ko, napapaligaya ko ang production, naibibigay ko ang gusto ng director kasi yun ang pinaka-fulfilling sa lahat when they tell you na okay ka dun. Hindi yung ang ganda-ganda mo or sikat ka kasi nagpe-fade yun."

INTENSE PERSON. Tingin ni Assunta, outlet niya ang mga character na ginagampanan kaya nabibigyang buhay niya ito. Tulad ngayon sa Lovers In Paris where she plays the role of Eunice, na magiging kontrabida sa buhay ni KC.

"Intense person kasi ako," sabi ng aktres. "Nandoon ako on the quiet side. Sa bahay, ako ang pinakatahimik na tao. Hindi mo ako maririnig na nagsasalita, bihirang magalit. So kapag nagtatrabaho ako, whatever role na ibinibigay sa akin, nailalabas ko ang emotion ko. Like here sa Lovers in Paris, si Eunice ay isa siyang babae na galit sa mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, medyo nakaka-drain kasi lahat ng dialogue ko dun, palaging galit, nagtataray. Magiging fiancée ako ni Carlo [Piolo Pascual]. Parang ini-arrange ng mga magulang namin na magpapakasal kami. Mayaman ako rito, pero sobrang walang breeding, walang class. Parang for her, 'Eto ang catch—retokada ako rito! Parang dating pangit ako, pero heto na ang hitsura ko dahil can afford ko naman magparetoke.

"Okey lang sa kanya na maganda ka sa panlabas, pero meron kang wicked heart. Totally opposite ko sa totoong buhay, di ba?" paglalarawan ni Assunta sa kanyang role.

LIKE A SISTER. Kung si Piolo ay ilang beses na niyang nakasama, ito naman ang unang pagkakataon na makasama niya si KC Concepcion.

"The first time na nag-meet kami was on the pictorial pa lang. Hindi pa ako nagte-taping nun. We bonded right away. Pareho kaming malambing. Kami ni KC kapag magkasama kami, kami halos yung magkadikit palagi sa set. Wala kaming ginawa kundi yakap nang yakap, halik nang halik. Parang kapatid ko na halos. She's like a baby to me and ako naman, ganoon din, kaya nakakatuwa."


NOT INTERESTED HERSELF. When it comes to her marriage, wala naman daw siyang maibibigay pang update sa pagsasama nila ni Jules Ledesma. 'Saka siya humirit ng: "Wala namang interesado. Kung ako nga hindi interesado, e!"

Seven years na rin daw silang mag-asawa ni Jules, na congressman ng Negros Occidental.

Ani Assunta, "My husband doesn't want... ayaw niyang nababasa pa ang name niya, ayaw niya. Kasi, busy siya. So, yung trabaho niya is very napakabigat. Ang bigat-bigat ng responsibilidad niya, so he doesn't want any na mabasa.. Not na hate niya, kumbaga, ayaw na niyang ma-associate na naman sa showbiz. Parang, 'Ito ako, e. Ito ang mundo ko. So, please naman, take me seriously naman. Ito ang ginagawa ko.' So ayaw na niyang mabanggit ang name niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible raw na yung workload ni Jules ang isang reason kung bakit hindi pa rin sila nakakabuo ng baby sa seven years nilang pagsasama.

"Sa kanya, oo. Pero I will never get bad trip sa kanya. Bad trip lang ako sa mga tao sa paligid niya," banggit ng aktres.

Hanggang ngayon, ganoon pa rin ba?

"Yeah, pinapatrabaho siya, lahat ng mga tao sa paligid niya at hindi siya madali. Kung iisipin mo, mabuti na lang, si Assunta de Rossi lang ako. Hindi ako pinanganak na mayaman. Hindi ko pasan ang buong daigdig. Kasi ayoko pang matigok nang maaga. Buti na lang hindi ako masyadong matalino at hindi ako masyadong mayaman. Ang simple lang ng buhay, yung ganoon.. Sa kanya, hindi, e."

Pero bahagi pa rin daw ng plano nila ang magkaroon ng sariling anak.

"It will come. It will come," sambit ni Assunta. "We're not talking about it anymore. Like I've said, if you'll only knew kung ano ang ginagawa niya, oh my God, there's no way na magka-baby kayo!"

Hindi ba sinasabi sa kanya ni Jules kung kailan ito magla-lie low para mas magkaroon sila ng time together and have the baby that they've always wanted? May timetable ba ang asawa niya?

"You know, when everyone wants some piece of you, mahirap makasingit. Hindi ako makakasingit. All I have to do is understand. Parang the whole thing na nangyari, especially last year, it was the best year for his career, financially—lahat! But it's also the worst for our marriage. Wala na kaming time. Hindi na kami masyadong nakakapag-communicate, but we're not on the rocks or anything. Talagang tina-try ko na i-understand.

"At one thing na natutunan ko na gusto kong i-share sa inyong lahat, alagaan natin ang sarili natin. Ang health natin, finances natin. Kasi sa bandang huli, wala namang may pakialam sa 'yo. People talaga don't care. Sa kaso namin, ganoon ang pakiramdam. Maybe painful, pero ganoon," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nakakabawi si Jules sa kanya?

"Ano nga ba? Secret! Private na yun!" tawa niya.

Sa gifts?

"No, wala akong kailangan sa kanya. I'm always here to understand. Kasi, ganoon ako sa lahat ng tao, wala akong pinipili. Pantay-pantay ang tingin ko sa lahat. Kung understanding ako sa isang tao, understanding ako sa lahat."

Dagdag niya, "We're very lucky to have each other. Gusto kasi namin to be the best of what we do. Mahirap naman kung hindi naman supportive ang spouse sa 'yo, di ba? I mean, siguro matatanggap mo, but tanggap lang. Hindi mo gusto. Buti na lang, it's the other way."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN