Aljur Abrenica "lied" when he said he loves Kris Bernal

Aljur Abrenica and Kris Bernal took the hot seat on "Don't Lie To Me" segment of Showbiz Central. The onscreen partners asked each other and revealed their feelings for one another.


Balik "Buwis-Buhay Edition" ang "Don't Lie To Me" segment ni John "Sweet" Lapus ng Showbiz Central noong Linggo, September 20, nang sabay na sumalang ang magka-loveteam na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, na tampok sa pelikulang Nandito Ako... Nagmamahal Sa 'Yo.

Pero imbes na si Sweet ang nagtanong, sina Aljur at Kris mismo ang nagtanong sa isa't isa.

EASY LEVEL

Aljur: Kris, noong rumampa ako sa Cosmopolitan Bachelor Bash, isa ka sa pinakamalakas tumili. Sa prangkahang usapan, do you find me sexy?

Kris: Yes, of course!

Kris: Major effect sa akin ang mag-two-piece sa movie. Noong makita mo akong mag-two piece, do you find me sexy?

Aljur: Siyempre naman, yes!

(Resulta ng lie-detector machine: "Truth" for both of them.)

Sweet: Nakita ko ang trailer ng inyong pelikula, saang parte ba ng katawan ni Kris mo siya nahawakan?

Aljur: Sa balakang, sa baywang, at sa braso.

Sweet: May naramdaman ka bang kuryente noong ikaw ay buhatin ni Aljur at ikaw ay naka-two-piece lamang?

Kris: Oo naman, hinawakan ko naman siya sa abs.

Sweet: Actually, itong si Aljur, abs pa lamang, ulam na!

DIFFICULT LEVEL

Aljur: During the time na magka-loveteam tayo, hindi maiiwasang may nali-link sa akin at may nali-link din sa 'yo. Pero kapag may nali-link sa akin, nagseselos ka ba?

Kris: No.

Kris: Ikaw, nagseselos ka ba sa mga nali-link sa akin?

Aljur: No.

("Lie" ang lumabas na resulta kay Aljur, at "Truth" naman kay Kris.)

Sweet: Ikaw Aljur, hindi ka nagseselos, ang mga tsismis kung sinu-sino ang nali-link kay Kris at nanliligaw?

Aljur: Kaya nga nag-lie, e! Kasi, ang totoo talaga, nagseselos ako. Nakakahiyang aminin, pero talagang nagseselos ako. Pero siyempre, nandiyan pa rin yung sinisiguro niyang wala akong dapat ikaselos. Pero hindi talaga maiwasan, nagseselos ako.

Sweet: Ikaw naman Kris, ang daming nali-link kay Aljur, ano nararamdaman mo? Tine-text mo ba siya na, 'Uy ha, nag-date daw kayo?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kris: Oo, nagseselos ako. Pero ipinapaliwanag niya rin naman.

Sweet: Ano ang example ng pagpapaliwanag or assurance na ibinibigay niya sa 'yo para huwag kang magselos nang tuluyan?

Kris: Ipinaparamdam niya sa akin na wala nang iba. Na ako lang ang nililigawan niya, yung ganoon.

Sweet: Actually alam ko 'yan. Kilala ko naman po si Aljur na napaka-sweet, gentleman na bata.

NOW OR NEVER LEVEL

Aljur: Mahigit two years na rin tayong magka-loveteam. Almost two years na rin akong in love sa 'yo sa mga shows natin, movies natin. Sa ngayon, masasabi mo ba na ako ang lalaking pinakamamahal mo?

Kris: Hindi ko na kailangang pag-isipan pa, yes!

Kris: Two years mahigit ka nang nagpaparamdam sa akin at nanliligaw. Ngayon, hindi ko sure kung ano talaga ang intention mo sa akin. Matagal ko nang gustong malaman 'to at sana malaman ko talaga, mahal mo rin ba 'ko?

Aljur: Hindi ko na rin kailangang pag-isipan, masasabi ko lang, yes!

("Lie" ang lumabas na resulta kay Aljur at "Truth" naman ang kay Kris.)

Pero bago pina-apela ni Sweet ang dalawa, tinanong niya muna si Aljur kung ano ang nangyari sa nakabenda nitong kamay.

"Ano po 'to, naaksidente po ako sa taping ng All My Life. Yung second to the last taping namin, yung fight scene," paliwanag niya.

Sweet: Ikaw ba ang nagdala sa hospital, Kris?

Kris: Opo, sinamahan ko talaga siya. Kulang na lang, dun ako matulog.

Sweet: Pero hindi ka naman na-bother na lie ang resulta?

Kris: Na-hurt ako... Ayaw ko na, tatampo na 'ko!

Sweet: O, baka may gusto kang sabihin sa kanya?

Aljur: Actually nga, noong mangyari 'to, ayaw ko nang pasabi sa kanya. Pero ang bilis kasi ng balita noong isusugod na ako sa hospital, talagang nakaabot pa siya. Talagang sumugod siya, sumakay pa siya sa service. Kasi, hindi siya basta-basta fracture lang. Fracture siya na malala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sweet: Buwis-buhay rin pala ang ginawa mo sa All My Life?

Aljur: Kasi, bawat eksena namin ni Kris, nadadala ko. Dito sa eksenang ito, wala siya, pero nadadala ko dahil nakikipaglaban ako para sa pag-ibig niya.

Sweet: E, ikaw naman pala ang dahilan kung bakit naaksidente?

Kris: O sige na nga at saka talagang ipinaparamdam naman niya sa akin kung ano ang nararamdaman niya at kung ano ang nararamdaman ko sa kanya, yun ang importante.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN