Allen Dizon plays a "role to die for" in Dukot

"Para sa sarili kong preparation, nanood ako ng Passion of the Christ. Yun ang suggestion ni Direk Joel [Lamangan]. May mga ganoong eksena raw kasi na talagang madugo. May mga gasgas na akong napapala sa torture scenes, pero okey lang. It's all worth it," says Allen Dizon about his role as a torture victim in Dukot.


Halatang naibuhos din ni Allen Dizon ang sarili niya sa kanyang role bilang aktibista sa pelikulang Dukot (Desaparecidos) sa bakuran ng sarili niyang produksiyon, ang ATD Entertainment Productions. Damang-dama ito sa intensity ng kanyang performance sa nabanggit na pelikula ni Joel Lamangan.

"Yung hirap ng buhay nila, minsan wala silang makain. Physically, grabe ang mga pinagdaraanan nila para sa ipinaglalaban nila. Ang pinakamahirap doon, yung torture. Nagkaroon ako ng immersion dito, na talagang naramdaman ko yung character ni Junix Etrata. Yung parang totoo talagang dinukot ako, tinorture ako.

"Yung character ni Junix, nandoon na agad noong nagsu-shooting kami. May mga tumatama nang suntok sa akin. Sabi ko nga, gawin na nila yung dapat para maramdaman ko. Madaling-araw na naming tinatapos, pagod na pagod na, pero kailangang tuluy-tuloy ang shooting. Okey na rin sa akin.

"Para sa sarili kong preparation, nanood ako ng Passion of the Christ. Yun ang suggestion ni Direk Joel. May mga ganoong eksena raw kasi na talagang madugo. May mga gasgas na akong napapala sa torture scenes, pero okey lang. It's all worth it," lahad ni Allen nang makapanayam namin siya pagkatapos ng preview ng Dukot sa MyCinema ng Greenbelt 3.

Nag-shooting daw sila on location sa Pampanga, Antipolo, Manila at Tanay. Sa mga naiprodyus ni Allen, pinakamatino raw itong Dukot.

ROLE TO DIE FOR. Kinumusta namin ang experiences naman niya bilang producer nito.

"Kaya naman gusto ko itong i-produce, role to die for ang lead male character dito, e," sabi ni Allen. "Base ito sa true accounts, iba't ibang kuwento lang ng iba't ibang tao. Hindi lang nae-elaborate at hindi na napapansin ng gobyerno.

"Hindi naman tayo powerful. Ang fear ko lang talaga, yung baka hindi maipalabas, magkaproblema sa MTRCB [Movie and Television Review and Classification Board]. Ipinaglaban ito ni Direk Joel. Wala namang major objections, kaya nakakuha kami ng R-18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As a producer, gusto ko, unahin munang maipalabas ito sa abroad. Puro festivals abroad muna. Nakarating na ito sa Montreal. Sabi nga ng critics doon, sad movie nga raw, matapang, kaya gusto nila at nag-iisip din sila kung bakit nangyayari pa rin ang ganito sa Pilipinas.

"Hindi nila alam na may nangyayaring ganoon sa Pilipinas. Yung para madawit ang mga aktibista at ibintang sa kanila ang mga problema ng gobyerno sa NPA [New People's Army], sobra na talaga. Marami na talagang ganyang nangyayari.

"Sa pamilya na lang namin, mayroon akong cousin na nawala na lang, 15 years old siya at that time, hindi na namin nakita. Naglalaro lang kami noon, bigla na lang siyang nawala. Ipinagpalagay na lang namin na pinatay na siya," saad ni Allen.

Dukot" data-url="https://www.pep.ph/news/23281/allen-dizon-plays-a-role-to-die-for-in-dukot" data-desc="..." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c8b342ef4.jpg"> Dukot" data-url="https://www.pep.ph/news/23281/allen-dizon-plays-a-role-to-die-for-in-dukot" data-desc="..." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c8b342ef4.jpg"> Dukot" data-url="https://www.pep.ph/news/23281/allen-dizon-plays-a-role-to-die-for-in-dukot" data-desc="..." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c8b342ef4.jpg">


Dukot" data-url="https://www.pep.ph/news/23281/allen-dizon-plays-a-role-to-die-for-in-dukot" data-desc="..." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c8b342ef4.jpg"> Dukot" data-url="https://www.pep.ph/news/23281/allen-dizon-plays-a-role-to-die-for-in-dukot" data-desc="..." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c8b342ef4.jpg"> Dukot" data-url="https://www.pep.ph/news/23281/allen-dizon-plays-a-role-to-die-for-in-dukot" data-desc="..." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c8b342ef4.jpg"> Dukot" data-url="https://www.pep.ph/news/23281/allen-dizon-plays-a-role-to-die-for-in-dukot" data-desc="..." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c8b342ef4.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN