Toni Gonzaga set to play teenage mom in A Journey Home

Toni Gonzaga now shifts from romantic comedy to drama, portraying a teenage mom for the first time. In A Journey Home, she is the wife of Joem Bascon's (in stripes) character and the mother of two children played by Carlo Manalo (left) and Chacha Canete.


Itinanggi ni Toni Gonzaga na package deal sila ng kasintahang si Direk Paul Soriano sa upcoming project nilang A Journey Home, na siyang unang directorial job sa pelikula ng huli. Bago ang indie film na ito, nakagawa si Direk Paul ng ilang TV commercials at music videos.

Last Saturday, September 20, ipinaliwanag ni Toni sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang showbiz writers kung bakit niya tinanggap ang naturang pelikula mula sa Jubilee Evangelical Church.

Panimula ng Kapamilya star, "Hindi kami package deal, nagkataon lang na magkatrabaho kami sa movie. Rito nga, hindi kami umaastang mag-boyfriend ni Paul, nandoon siya sa crew niya at ako naman ay nasa mga kasamahan kong actor."

Hindi rin isyu sa kanya na ang role na gagampanan niya ay taliwas sa kanyang imahe. Dito ay gaganap siya bilang isang teenage mom na nabuntis sa edad na 14.

Aniya, "Hindi rin ako nagdalawang-isip na tanggapin ang role kahit mother role bale yun, kasi, it's more than the character, e. I believe in the project and in the role at saka well explained naman yung role sa akin.

"Hindi ako nag-aalala sa image o pagbabago na makikita sa akin dito sa pelikulang ito. It's more on the story na uukit sa puso ng sinumang manonood. May pagka-religious ang tema, naniniwala kami sa project na ito at gusto ko talagang gawin," dagdag pa niya at iginiit na isa itong makabuluhang pelikula.

Nagkuwento rin ang aktres-singer-TV host kung gaano kametikuloso bilang director ang kanyang boyfriend. At sa trabaho, isinasantabi raw nila ang kanilang personal relationship.

Sabi ni Toni, "Hindi naman ako puwedeng magreklamo, hindi porke boyfriend ko siya e, puwede ang ganoon. Trabaho kasi ito at alam kong gusto niyang mapaganda talaga ang kalalabasan ng pelikula.

"Hindi kami nailang ni Paul na siya ang director ko rito. Hindi naman kasi kami nagpapa-sweet, pag work, work talaga. May distance kami. May pagka-perfectionist lang siya talaga. Madetalyado. Imagine, may isang scene na naka-take 7 kami dahil gusto niya na maganda talaga ang kalabasan nito. Hindi naman ako puwedeng magreklamo, hindi porke't boyfriend ko, di ba, trabaho yun, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pelikulang A Journey Home ay isang light family drama na tumatalakay sa isang amang nagbabalik sa iniwang pamilya makalipas ang 20 taong pagkawala. Ginagampanan ni Joem Bascon ang anak na nilayasan ng amang si Soliman Cruz. Si Toni naman ang asawa ni Joem dito.

Kung sanay ang publiko na nagpapa-cute, sobrang kikay at sumasabak sa riot na pelikula ang dalaga, this time ay naiibang Toni ang makikita dahil straight drama ang ginawa niya rito. Wala ring kaso sa aktres kung parang support lang siya rito at mas nauna pa sa kanya sa billing si Soliman.

"Wala namang naging problema sa billing dahil ang pinaka-top bill dito ay si Lord. Walang ego o anumang iniisip regarding sa mga billing, e," aniya.

"I didn't think twice, sa totoo lang, para i-accept itong project na ito. Bakit hindi ko tatanggapin ang ganitong klase ng project na napakaganda?" sagot-tanong ng aktres. "Walang rason para hindian ko ito. Nagkaroon lang ng problema sa scheduling kaya natagalan. Pero definitely, nang i-offer sa akin ito, I accepted it agad."

Kaya nga, hindi rin naging ganoon kahalaga ang kanyang talent fee rito dahil talagang kumbinsido siyang maganda at makabuluhan ang proyekto.

Lahad niya sa press, "Hindi naging issue sa akin ang talent fee, dahil it's more na gusto naming gawin iyong film, walang usapan sa talent fee, dahil hindi na mahalaga iyon, e. Napakaganda kasi ng movie at makabuluhan, marami itong aral na mapupulot, kaya hindi na mahalaga sa usapan iyong talent fee."

Ang A Journey Home ay magkakaroon ng premiere night sa SM Mega Mall Cinemas 8, 9, at 10 sa Oktubre 3. Ito ay pasok na bilang entry sa Gideon Flame Christian Film Festival, at naibigay na rin sa Cinemanila Film Festival for review.

Kasama rin sa pelikula sina Lance Raymundo, na gaganap bilang isang walang kuwentang bayaw ni Toni; sina John Manalo, Athena Tibi, Tiya Pusit, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN