Maja Salvador is now ready for mature roles

"Maraming sobrang pagbabago. Kumbaga, hindi lang kissing scenes, hindi lang love scenes. Kumbaga, mas mature na yung mga ginagawa kong roles. Ako, nae-excite din ako kasi panibago kong ginagampanan, so parang nakakatuwa... na parang sana magustuhan ito ng mga tao. Parang 'eto na si Maja Salvador," says Maja Salvador about playing a mature role in Nagsimula sa Puso.


Sa live guesting ni Maja Salvador sa The Buzz last Sunday, September 20, isa-isang nilinaw ng young actress ang mga intrigang ipinupukol sa kanya ngayon habang ini-interview ni Ruffa Gutierrez.

Narito ang kabuuan ng kanilang pag-uusap:

Ruffa: Nagsimula sa pagiging nene, ngayon naman dalagang-dalaga ka na. Napaka-sexy mo ngayon. Ayan, may cleavage na. Lahat nasa-shock talaga. Simula na ito sa pagiging daring mo, siyempre, sa Nagsimula Sa Puso, ang bago mong soap. Dito may kissing scenes ka na raw at mga love scenes. Ano ba ang dapat abangan ng mga tao rito? Anong mga pagbabago kay Maja Salvador?

Maja: Yun nga, katulad ng sabi ko, maraming sobrang pagbabago. Kumbaga, hindi lang kissing scenes, hindi lang love scenes. Kumbaga, mas mature na yung mga ginagawa kong roles. Ako, nae-excite din ako kasi panibago kong ginagampanan, so parang nakakatuwa... na parang sana magustuhan ito ng mga tao. Parang 'eto na si Maja Salvador.

Ruffa: Sa tingin mo, handa ka na ba sa ganitong klaseng role, Maja?

Maja: Handang-handa na.

Ruffa: And I think this is your time. You know, marami nang hindi natuloy na projects before. And finally ngayon, matutuloy na.

Maja: Oo nga po. Sobrang nakakatuwa kasi yung Anna Liza, yung Moon River, hindi na natuloy noon. Pero yun nga po, sabi ko, parang hindi ko pa po panahon noon. So, ngayon sobrang nagpapasalamat po ako sa ABS-CBN, kay Sir Deo (Endrinal), Ma'am Charo (Santos-Concio), Ms. Malou (Santos), kasi hindi talaga nila ako pinababayaan. Eto na, yung big break nga po na tinatawag, eto na, itong Nagsimula Sa Puso.

Ruffa: At dapat lang bigyan ka nila ng project, Maja, kasi isa kang Salvador. Napakahusay mong umarte. I've seen you before and talagang masasabi kong nararamdaman ko ang portrayal mo when you're doing your scene. Nagsimula siyempre 'yan sa intrigang pinagtatapat kayo ni Kim Chiu. Iniintriga kayong dalawa ni Erich (Gonzales). Siyempre top-rating na yung mga teleserye nila ngayon. Ikaw ba, kaya ka nag-daring kasi gusto mong makipagkumpitensya sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maja: Hindi, wala naman dapat kumpitensya na dapat mangyari. Kasi yung nga, kumbaga sina Kim at saka si Erich, naipakita na nila kung ano yung kaya nilang ipakita. Sabi ko nga po, bakit naman hindi, puwede ko rin namang ipakita kung ano yung mga kaya kong gampanan, kung ano yung mga kaya kong gawin.

Ruffa: Kasi nag-usap raw kayo ni Kim, 'Ay naku, gagawin ko na bukas yung sa akin.' Ikaw naman next week. Friends ba talaga kayo?

Maja: Opo. Kaming tatlo. Parang sabi ko, 'Naku Kim, nakita mo ba yung love scene ni Day, ni Erich, kinakabog tayo!' Tapos sabi niya, 'Ay naku, Maja, bukas ako. Panoorin mo rin.' Sabi ko, 'Ay ako, next week. Paghahandaan ko."

Ruffa: Sa tingin mo, sino ang pinakakakabog sa lahat—ikaw, si Erich o si Kim?

Maja: Kayo po ang magsasabi niyan, ang makakapagsabi niyan. Dapat abangan n'yo. Panoorin n'yo yung Nagsimula Sa Puso. Kasi hindi ko naman po masasabi. Ang pangit naman po kung sa akin manggagaling na ako.

Ruffa: Nagsimula sa isang text message. Noong naaksidente si Coco Martin sa set ng Tayong Dalawa, ikaw ang unang-unang babaeng nag-text sa kanya.

Maja: Hindi... hindi ko siya tinext. Tinawagan ko.

Ruffa: Sorry, ha, tinawagan mo. Paano mo nalaman na naaksidente siya?

Maja: Kasi pagkagising ko, may text sa akin yung sister ko. Sabi niya parang, 'Nabalitaan mo na yung nangyari kay Coco?' Tapos tumawag ako sa sister ko, 'Bakit ano ang nangyari?' Naaksidente raw sa Tayong Dalawa taping, ganyan-ganyan. So, ako nagba-bye kaagad, tapos siyempre, bilang loveteam ko, katrabaho ko (sa Nagsimula Sa Puso), kinabahan naman ako. Tapos tinatawagan ko siya. Hindi ko siya matawagan. So, nung hindi ko siya matawagan, tinawagan ko yung EP namin, sabi ko, 'Ano raw nangyari kay Coco ?' Ganyan. Tapos wala ring alam. Tapos tinawagan ko yung direktor namin, 'Direk, anong nangyari kay Coco ?' Wala ring alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ruffa: Concern ka talaga, ha?

Maja: Hindi... Tapos hindi ko siya ma-text, tapos hindi ko pa rin matawagan. Tapos nung gabi, natawagan ko na siya. Tapos yun, nakumusta ko na. Tapos, mabuti naman napauwi agad siya nung doktor. Nasa bahay na siya nagpapahinga.

Ruffa: Hindi mo siya binigyan ng flowers? Hindi mo siya dinalaw sa ospital?

Maja: Flowers... di ba siya dapat ang magbigay nun?

Ruffa: E, siya ang na-accident, di ba?

Maja: E, tinawagan ko naman na, e. Okay na yun.

Kilig na kilig naman ang mga tao sa studio sa tuwing sasabihin ni Maja ang pangalan ni Coco Martin. Maging si Ruffa ay hindi maiwasang kiligin at sinabi pang dahil dito ay parang nakalimutan na ni Maja ang dating naugnay sa kanyang si Carlo Aquino.

Hindi sinabi ni Maja ang actual day ng pagpapalabas ng Nagsimula Sa Puso, pero mapapanood na raw ito sa October sa ABS-CBN. Kasama ni Maja sa cast sina Coco Martin, Jason Abalos, Nikki Gil, Gloria Diaz, Jaclyn Jose, Ronnie Lazaro, at Irma Adlawan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN