Kim Chiu agrees to do love scene with Gerald Anderson for the first time in Tayong Dalawa

"Bago gawin itong eksenang ito, sabi ko sa direktor namin [Ruel Bayani], 'Paano ko gagawin ito na hindi ko pa nagagawa sa buong buhay ko? Paano ba yun?' May pinapanood siya sa aking movie, ganun lang daw, hindi naman masyadong X-rated. Sabi ko nga, 'Hindi ko pinangarap maging X-rated, 'no!' Sabi ni Direk [Ruel], huwag daw akong mag-alala, tutulungan daw niya ako," says Kim Chiu about her love scene with Gerald Anderson in Tayong Dalawa.


Sa nalalapit na pagtatapos ng ABS-CBN primetime series na Tayong Dalawa, pinag-uusapan ngayon ang love scene nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na napanood sa ganitong kasensitibong eksena ang magka-loveteam na nadiskubre sa Pinoy Big Brother Teen Edition.

Simula na ba ito ng pagtanggap ni Kim ng mature at daring roles, lalo't marami na sa mga kapanabayan niya ang gumagawa na rin ng ganitong klaseng roles?

"Kaunti, kasi hindi naman puwede na puro pa-cute. I also need to grow as an actress. Three years na rin ako sa showbiz. Kumbaga, para maiba naman. Open ako, pero hindi lagi kasi baka naman maging sexy star na ako! Basta maganda yung kuwento, maganda yung kapupuntahan. Tingnan natin basta papayag si Mr. M [Johnny Manahan, head of Star Magic]," sabi ni Kim nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal)

Aminado si Kim na sobra siyang kinabahan at matagal-tagal din munang pangungumbinsi ang ginawa sa kanya ng production staff bago siya napapayag na gawin ang love scene nila ni Gerald sa Tayong Dalawa.

"Nung una kasi, parang nagho-hold back ako. Sabi sa akin, 'Kim, halata.' So inulit namin. Gawin ko raw na suwabe. Mag-asawa kami dito, hindi naman ako rereypin ni Gerald.

"Bago gawin itong eksenang ito, sabi ko sa direktor namin [Ruel Bayani], 'Paano ko gagawin ito na hindi ko pa nagagawa sa buong buhay ko? Paano ba yun?' May pinapanood siya sa aking movie, ganun lang daw, hindi naman masyadong X-rated. Sabi ko nga, 'Hindi ko pinangarap maging X-rated, 'no!' Sabi ni Direk [Ruel], huwag daw akong mag-alala, tutulungan daw niya ako," lahad ng 19-year-old actress.

Sa ilang gabi na lang na nalalabi para sa Tayong Dalawa at sa consistent na mataas na ratings nito, nagpahayag si Kim ng sobra-sobrang pasasalamat sa mga sumuporta at nanonood ng kanilang teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit papaano, naiisip na rin namin, kasi ang mga Filipino, very family-oriented tayo. At ang kuwento ng Tayong Dalawa ay very pampamilya. Isa pa, marami siyang kuwento—pamilya, pag-ibig, action... Lahat-lahat nandiyan na, so wala na silang hahanapin pa.

"Maraming salamat sa lahat ng mga tumangkilik at sumuporta sa amin. Sana abangan nila ang mga susunod pang araw, kasi mas maraming mga mangyayari na hindi nila inaasahan na mangyayari."

Kumusta naman ang relasyon nila ni Gerald ngayon?

"Okey naman kami," sagot ni Kim. "Medyo busy lang siya lagi, nagte-taping siya ng Tiagong Akyat. Minsan hindi kami nakakapag-usap, hindi na kami nagte-text. Pero pag nagkita at nagkasama naman kami sa set, nagkukuwentuhan naman kami."

Kinumpirma rin ni Kim sa PEP na isang pelikula na pagsasamahan nila ni Gerald ang niluluto ngayon ng Star Cinema.

"Soon, soon... Sana mangyari yun. Pinag-uusapan pa, pero sana matuloy," asam ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN