Gerald Anderson talks about his love scene with Kim Chiu in Tayong Dalawa

"Siyempre kinabahan ako kasi first time naming gagawin ito. Nandun talaga yung kaba. Pero nung gagawin na namin, sabi ko, bahala na. Siyempre, gusto naming mapaganda yung outcome ng love scene namin. Buti na lang at tinulungan kami ni Direk Ruel [Bayani] at ng mga crew. Talagang pinaghandaan namin ito," says Gerald Anderson about his love scene with Kim Chiu in Tayong Dalawa.


Kung ang pagbabasehan ay ang mainit na pagtanggap ng mga tao kay Gerald Anderson nang rumampa siya sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash at ang positive feedback sa love scene nila ni Kim Chui sa Tayong Dalawa, mukhang hinog na hinog na talaga for full stardom ang young actor.

Kung dati ay kilala siya sa teeny-bopper roles, ngayon ay sumasabak na si Gerald sa kakaibang mga papel na humahamon sa kakayahan niya bilang isang aktor.

Pinagkuwento ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gerald sa ginawa nilang love scene ni Kim sa Tayong Dalawa.

"Siyempre, kinabahan ako kasi first time naming gagawin ito. Nandun talaga yung kaba. Pero nung gagawin na namin, sabi ko, bahala na. Siyempre, gusto naming mapaganda yung outcome ng love scene namin. Buti na lang at tinulungan kami ni Direk Ruel [Bayani] at ng mga crew. Talagang pinaghandaan namin ito."

Simula na kaya ito ng pagtanggap at paggawa ng sexy, daring, and mature roles ni Gerald?

"Siyempre, habang tumatanda ka, nagiging mas mahirap at mas mature ang roles na ginagawa namin. Parte yun para mag-grow kami as actor and actress," sabi niya.

Nang tanungin ng PEP si Gerald kung sino ang gusto niyang maka-love scene kung may ganitong eksena sa susunod niya proyekto, si Kim pa rin ang isinagot niya.

"Sana si Kim, sana siya. Kasi siyempre mas madali, mas kumportable pag siya ang kapareha ko. Pero kung sino ang ipa-partner nila sa akin, kung sino ang gusto ng management, yun na yun," pahayag niya.

THE FINAL WEEK. Sa nalalapit na pagtatapos ng Tayong Dalawa, labis ang pasasalamat ni Gerald na hindi binitawan ng publiko ang kanilang teleserye.

"Siyempre, sobrang saya namin na yung pinagpaguran namin, may kinapupuntahan, na yung mga ginagawa namin, yung pagod at pawis namin ay nagustuhan ng tao. Na hanggang ngayon ay 100 percent pa rin ang suporta nila sa amin hanggang ngayon at sobra namin itong ipinagpapasalamat sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Itong natitirang araw namin, itong ending na ito, sobrang nakakagulat. Sobrang dapat abangan dahil hindi ninyo alam ang mga mangyayari."

OBEJCT OF DESIRE. Marami ang nakapansin na noong rumampa siya sa Cosmo Bachelor Bash at maging sa love scene nila ni Kim ay ang laki ng iginanda ng katawan ni Gerald. Baka raw simula na ito para pagpantasyahan at gawing sex object na ang young actor.

"Ano ang magagawa ko? Rumampa na ako, nag-pose na ako. Okey sa akin na humahanga sila. Nung lumabas ako para rumampa, overwhelming talaga. Kasi nung lumabas ako at palakpakan at hiyawan ang mga tao, parang wow! Nagulat ako sa response nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN