Bobby Andrews looks forward to T.G.I.S. grand reunion

"May binabalak nga kami sometime next month na magsasama-sama kami, kasi parang long overdue na. Kami lang nina Mike [Michael], Angelu, at Ciara lang ang madalas nagkikita. Nami-miss ko yung iba. Hopefully, kung lahat kami pupuwede, gagawa talaga kami ng reunion," says Bobby Andrews about their plan to have a T.G.I.S. grand reunion.


Hanggang ngayon ay pinakikinabangan ng showbiz ang presence ni Bobby Andrews. Mula sa pagiging matinee idol noong '90s, naging isang maaasahang character actor ito sa kasalukuyang panahon. Kasama si Bobby sa cast ng bagong GMA-7 teleserye na Kaya Kong Abutin ang Langit, na pinangungunahan ni Iza Calzado.

Last Sunday, September 20, napanood naman si Bobby sa TV dance competition na Shall We Dance at marami ang natuwa sa tila reunion nila ng ibang stars noon ng GMA-7 youth-oriented show na T.G.I.S.—sina Angelu de Leon, Ciara Sotto, at Michael Flores.

"I'm looking forward to a grand reunion," masayang sabi ni Bobby sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa T.G.I.S. "Wala pang inquiries, pero lahat kami nag-uusap-usap na for a possible reunion—on or off-camera. May binabalak nga kami sometime next month na magsasama-sama kami, kasi parang long overdue na. Kami lang nina Mike [Michael], Angelu, at Ciara lang ang madalas nagkikita. Nami-miss ko yung iba. Hopefully, kung lahat kami pupuwede, gagawa talaga kami ng reunion.

"In terms of personalities, walang ipinagbago. Kung ano sila noon, ganoon pa rin sila ngayon. Circumstances of their lives lang ang nag-change. Noon kasi, carefree kami sa mundo. We were having fun. Halos lahat kami, may kanya-kanya nang pamilya. May businesses na yung iba. Nagbago na talaga ang priorities," pagbabalik-tanaw ni Bobby.

Unlike before, pag-aartista lang ang tinututukan nila. Ngayon, kanya-kanya nang prayoridad at yun ang magandang tiyempo para magsama-sama ulit.

"Ang talagang mami-miss ko diyan, yung movies na ginawa namin [T.G.I.S., The Movie, Takot Ka ba sa Dilim?, Where D Boys R, at iba pa]. Most of them, done on location. We sleep together, eat and bond together a lot. Lahat kasi, busy na. Kung mag-bond kami, just for dinner. Pero maganda talaga'yung magsasama-sama kaming lahat," nangingiting kuwento ni Bobby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Close pa rin pala si Bobby sa dati niyang ka-loveteam na si Angelu. Buddy-buddies pa rin sila ni Michael.

"Kahit hindi kami nagkikita, we find ways to keep in touch with each other," sabi niya. "Birthday, Christmas, New Year... hindi kami nakakalimot sa isa't isa."

WHERE THEY ARE NOW... Si Angelu ay may dalawa nang anak, wala pa ring asawa talaga. Si Ciara na lang ang nananatiling dalaga. Sina Michael at Raven Villanueva ay may kanya-kanyang pamilya na rin. Si Jake Roxas, ang alam namin, may mga anak na. Nasa ibang bansa na sina Red Sternberg at Lee Robin Salazar. Si Rica Peralejo ay nakatakda nang ikasal sa pastor nitong boyfriend na si Joseph Bonifacio.

"It's so different, pero lahat kami, marami nang pinagdaanan," banggit ni Bobby. "Right after T.G.I.S., we went our own separate ways. Happy naman ako na most of us, nagtatrabaho pa rin sa industry na ito.

"Yung hindi na active, successful in their chosen fields. Like Onemig Bondoc, ang alam ko, tapos na ng studies niya. Malungkot isipin na parang hindi mo na kami makikitang magkakasama uli. Kaya importante sa akin na gumawa na rin ng effort para magkita-kita uli, just bond."

Ang tanging regret lang ni Bobby ay ang pakiramdam na maagang nagwakas ang T.G.I.S. sa ere noon, na pupuwedeng nagtagal pa ito.

"It ended too early, and could have lasted longer," parang may lungkot sa expression ni Bobby. "Aside from the issues that really marred the dynamics, nagsisimula nang magkanya-kanya noon ang mga kasama ko roon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN