Sid Lucero stars in Sabungero, the first indie film co-directed by his girlfriend

"I don't choose roles naman because of how heavy they are or how demanding the role is. If there's really a very good project, I'd support it," says Sid Lucero.


Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP) ang award-winning actor na si Sid Lucero sa presscon ng latest indie film niya titled Sabungero: Dangal at Tibay, na ginanap kahapon, September 22, sa Annabel's restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City.

He plays the role of Joel Torre's son in Sabungero, isang kuwento tungkol sa larong sabong. Bahagi na ng kulturang Pinoy ang cockfighting at itong Sabungero ang unang pelikulang Pinoy na magbibigay linaw sa mga katanungan kung bakit mahilig dito ang mga Pinoy.

Kuwento ni Sid tungkol sa role niya, "Hindi ako masyadong supportive sa dad ko. I don't agree with him in some things kaya hindi kami magkasundo, in contrast naman sa sister ko, played by Lesley Martinez, who is very suppotive naman sa kanya. Since nakikita ko na naapektuhan ang pamilya dahil sabong kaya nagagalit ako sa father ko."

Ayon kay Sid, kumpara sa iba niyang indie films na seryoso ang dating, kakaiba itong Sabungero. Hindi niya sinasabing hindi seryosong film ang Sabungero, but the role is not as demanding as Selda, the film that gave him an Urian Best Actor trophy. Mas naka-focus ang kuwento ng Sabungero kay Joel Torre.

"I like the role because I was able to work with good actors like Joel Torre and it was fun. Kahit na sobrang simple lang ang role ko, parang wala akong ginawa kundi mag-computer.

"Pero it took a while before the film was done. I heard about this project about two years or a year ago before we started shooting. They revised the script and actual filming took about six months. Paputol-putol din ang shooting namin in various locations, including mga sabungan. Pero wala naman akong ginawa sa sabungan, I was just there," lahad ni Sid.

GIRLFRIEND CUM DIRECTOR. Sabungero is directed by newbie filmmakers Miguel Kaimo and Rozie Delgado, who happens to be the girlfriend of Sid. Ito rin ang first directorial job ni Rozie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

The project was offered to his friend at dahil magkakaibigan naman sila, he accepted the project when he was offered a role in it. Alam din ni Sid na ang girlfriend niya ang isa sa magdidirek ng movie.

Even before Sid entered showbiz, may romantic involvement na sila ni Rozie. Pero wala pa raw silang balak mag-settle down kahit limang taon na silang mag-on.

"Not very soon. I'd like to establish myself first as an individual before I'd like to think of settling down," sabi niya.

ASTIG. Palabas na ngayong araw, September 23, sa Robinson's Indie Sine ang Astig, ang isa pang indie film ni Sid which won four awards sa Cinemalaya this year. May nagtanong kay Sid kung hindi ba niya feel na masyadong maiksi o di markado ang role niya sa Astig, kumpara sa mga co-stars niya rito na sina Dennis Trillo, Edgar Allan Guzman, at Arnold Reyes.

"I knew the role was like that. I don't choose roles naman because of how heavy they are or how demanding the role is. If there's really a very good project, I'd support it," sagot ni Sid, who also plays an important role in the Raya Martin movie La Independencia.

Gumanap na rin si Sid sa comedy film na Manay Po kaya may mainstream film na rin siyang nagawa, although suki talaga siya ng indie filmmakers.

DAHIL MAY ISANG IKAW. How does he feel na nakasama siya sa isang malaking teleserye, Dahil May Isang Ikaw ng ABS-CBN?

"I love it! I don't think I've ever been in a show that's bigger. Ito na yata ang pinakamalaking show na napasukan ko. Ang sarap-sarap pa katrabaho ni Jericho [Rosales] and the other stars as well.

"It was my first time to work with Kristine [Hermosa] and Gabby Concepcion, although I have worked with Tita Lorna [Tolentino] before under GMA-7, same with Karylle. Masarap lang kasi ang gagaling nila kaya you can't help but be on your toes and do your best also," sabi ni Sid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung okay ang takbo ng career ni Sid sa ABS-CBN, okay rin ang takbo ng career ng pinsan niyang si Geoff Eigenmann sa GMA 7. Masaya siya for his cousin. Wala naman daw competition sa kanilang magpipinsan. Maganda raw na lahat sila ay may mga trabaho.

"Wherever everyone has work, we should all be happy," aniya. "Wala kaming competition but we support everybody all the way. If Geoff and I happened to be offered the same role, we'd rather that either one of us get the role than someone else."

Si Sid ay anak ni Mark Gil, samantalang si Geoff naman ay anak nina Michael de Mesa at Gina Alajar.


NO SHOW AT COSMO BASH. Tinanong din si Sid kung bakit hindi siya dumating sa Cosmo Bachelor Bash last September 10, kung saan isa siya sa Top 10 Centerfolds. Marami pa namang nag-abang sa kanyang pagrampa on stage.

"I have work that time. I was taping for a TV show. Hindi naman intentional ang hindi ko pag-show up sa said event," paliwanag ni Sid, sabay dagdag na hindi naman daw siya nag-aalangan to wear something sexy.

HAPPY FOR COCO. Natutuwa rin si Sid sa na-achieve ng kaibigan niyang si Coco Martin, who won the Urian Best Supporting Actor trophy for Jay very recently.

"I am happy for him. I am actually very proud of him. He's doing very well. Ang gaganda pa ng mga roles na nakukuha niya. Si Coco kasi, ang tingin ko sa kanya, para ko siyang kapatid. Halos lahat kasi ng pelikula ko, kasama ko siya, tapos he's very active pa on TV. So I am really very happy for him," sabi ni Sid.

Sabungero: Dangal at Tibay, the independent film highly anticipated especially within the cockfighting circles, will finally be shown in Metro Manila starting September 30.

Magkakakaroon ito ng dalawang premiere: Sept. 27—sa SM Megamall Cinema 1 at sa Gateway Mall Cineplex 5, Araneta Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabungero will also premiere on Sept. 29 as it hits provincial theaters, especially in places where the sport is popular.

Produced by Rooster Content Online (creator of the No. 1 cockfighting website on the internet, sabong.com.ph). Sabungero is the first full-length feature on the Filipino sport of cockfighting.

Kasama rin sa pelikula sina Ricky Davao, Leo Martinez, Mark Gil, Robert Arevalo, Maritoni Fernandez, at introducing si Lesley Martinez, anak nina Leo Martinez at Gina Valenciano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN