Jake Cuenca commits himself wholeheartedly to every project

"Ang sa akin kasi, pagdating sa role, kung maganda ang role at called for ang eksena, pag-iisipan ko talaga... Sa akin kasi, as an actor, kapag kailangan ng eksena, iko-commit ko ang sarili ko sa ganoon," says Jake Cuenca.


Kahit anong pilit ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jake Cuenca, wala talaga itong sinabi kung ano ang mangyayari sa character niya sa Tayong Dalawa. Katwiran ni Jake, "Kapag sinabi ko, hindi na kayo manonood," natatawa niyang sabi.

Malaki raw talaga ang impact sa kanya ng Tayong Dalawa. Lahat din daw ng sakripisyong ginawa ay nagbunga naman.

"Oo naman, ako talaga, I could say na talagang noong simula kong gawin ang Tayong Dalawa, yung focus ko, nasa show na talaga. Kahit pag-uwi ko, may time na yung character ko, dala-dala ko pa. And sinabi ko naman talaga na noong binigay pa lang sa akin yung role, ibinigay ko na yung buong-puso ko at dedikasyon."

Definitely, mami-miss daw ni Jake ang lahat ng kasama niya rito.

"Sobra, sobra! Kaming lahat siyempre, matagal-tagal din yung itinakbo ng Tayong Dalawa kaya lahat kami rito naging isang pamilya na talaga. Mami-miss ko lahat sa cast, mga staff, pero siyempre, may time na magkikita-kita pa rin naman kami since we're all in ABS-CBN naman."

May character pa ba siyang gustong gawin?

"Tulad naman ng sabi ko, wala akong dream role. Kumbaga, dream come true na rin na makagawa ako ng ganitong karaming projects tulad nga ng Tayong Dalawa na ganoon kaganda. So, ang sa akin, kung ano ang dumating, nagta-trust ako sa ABS-CBN na ibibigay nila kung ano ang nararapat."

BUSY KAPAMILYA. Na-imagine ba niya ang sarili niya na magiging ganito pala siya ka-busy at maituturing din na isa sa mga important star ng Kapamilya network ngayon?

"Dati talaga, parang panaginip lang. Pero sa kaloob-looban ko, alam ko na may maibubuga rin ako. Na kung mabibigyan ako ng oportunidad, alam ko na may magagawa akong kabutihan sa oportunidad na yun. Alam ko na kapag binigyan ako ng chance, kakayanin ko naman. Yun nga ang pinaniniwalaan namin ng manager [Neil de Guia] ko noon .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero yung chance na yun, matagal bago dumating. Pero finally, kasi hinintay ko, kahit paano, noong wala pa ang opportunity na yun, nag-aral ako at inihanda ko ang sarili ko para sa opportunity na yun, so, noong dumating ito, more or less, handa ako."

Would he say na malaki ang pasasalamat niya sa ABS-CBN sa opportunity na yun?

"Oo, sobra! Sila ang nagbukas ng pintuan para sa akin. Pero sa GMA [Network] rin naman, marami akong natutunan dun. At nagpapasalamat ako sa kanila dahil marami akong natutunan sa kanila, at hanggang ngayon, ang bait pa rin nila sa akin. Tuwing makikita ko, like noong premiere night namin ni Manny Pacquiao, warm pa rin sina Tita Wilma Galvante, Tita Redgie Magno, warm pa rin sila at na-appreciate ko yun.

"At the same time, taking nothing away from GMA, marami akong natutunan sa kanila," sambit pa ni Jake tungkol sa dati niyang network.

NO INHIBITIONS. Isa pang maganda kay Jake ay ang pagiging walang masyadong inhibitions nito pagdating sa daring roles o pagpapakita ng kaseksihan nito. Sa rampahan na lang tulad sa mga Bench fashion shows, kung ilang beses niyang ibinandera ang kanyang kaseksihan.

Aniya nga, "Ang sa akin kasi, pagdating sa role, kung maganda ang role at called for ang eksena, pag-iisipan ko talaga. Pero sa ngayon like sa TV, you can only go so far.

"Pero kunwari, like ako, gusto kong gumawa ng indie films very soon. Gusto ko rin in the near future makagawa ako ng indie film. So, kung may mahanap akong magandang story at gusto ko talaga at kailangan ng konting kaseksihan, pag-iisipan ko talaga at pag alam kong okey, gagawin ko talaga."

Dugtong pa niya, "Sa akin kasi, as an actor, kapag kailangan ng eksena, iko-commit ko ang sarili ko sa ganoon."

BEING SINGLE WORKS FOR HIM. When it comes to his personal life, honest naman daw siya sa pagsasabing matagal na siyang walang karelasyon o nililigawan and it works for him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ngayon kasi, hindi naman ako masyadong atat na magkaroon ngayon. Dumating din ang pamilya ko from Spain, so, pre-occupied ako. At saka ako naman, basta nahanap ko ang tamang tao, okey lang."

Dugtong pa niya, "Sa akin, kung may makaka-date, ide-date ko, no problem. Pero sa ngayon, hindi pa kasi ako nakakahanap ng talagang girlfriend. Hindi pa 'ko ready. Ewan ko, ha," natawa rin niyang sabi."

Pero may dine-date ba siya?

"Nagdi-date din, pero kasi ngayon, araw-araw ang trabaho, di ba? Hindi naman ako yung nabe-burn-out. Ganado nga akong magtrabaho, as in ganado. Although, on the other hand, mas gugustuhin ko naman ng ganito kesa naman ang daming libreng oras na mambabae," natatawa niyang sabi.

"Siyempre, ang dami nang na-link sa akin, ang dami ko nang nakasama. So ngayon, ibubuhos ko naman muna ang sarili ko sa career ko."

Bago nga matapos ang Tayong Dalawa, may ginagawa na si Jake na primetime series pa rin, ang Ruby with Angelica Panganiban, Shaina Magdayao and Diether Ocampo. Yun nga lang, wala pa raw siyang idea kung kailan ito ipalalabas.

ADVICE FOR MELISSA. Nagkaroon ng impression noon na nanliligaw siya kay Melissa Ricks. So, what happened to that?

"Magkaibigan pa rin kami. Busy nga siya, busy rin ako. Mahirap din kasi ang schedules. Nagkakamustahan naman kami from time to time. Pero kahit ako rin naman, kung ako ang magbibigay ng advice sa kanya, sasabihin ko talaga sa kanyang i-prioritize niya ang career niya.

"Siyempre, ang ganda ng nangyayari sa career niya. Meron siyang sariling soap sa panghapon. So, sa ngayon, sobrang blessed nga ako so, feeling ko, deserving lang na sa career ko muna talaga i-focus attention ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN