Rhian Ramos "almost" fell in love with the guys linked to her

"Kung sa palagay nila wala pa akong naa-achieve, okey lang sa akin. Masaya na ako na patuloy akong pinagtitiwalaan ng GMA-7. Kasi kung walang nangyayari sa akin, sana wala na silang ibinibigay na assignments. Happy naman sila sa mga narating ko na," says Rhian Ramos to those who say that she is not yet made for stardom.


Isa sa mga pinakamagandang mukha sa showbiz ngayon ang kay Rhian Ramos. Lalo pa siyang nag-i-improve in looks, with her overwhelming confidence, dahil bidang-bida na siya as leading lady to Dingdong Dantes sa Stairway to Heaven, na patuloy na lumalaban sa ratings ng GMA-7.

Isa pang maipupuri kay Rhian ay naka-focus talaga ito sa kanyang trabaho. Hindi nawiwindang sa pag-ibig.

"Almost, I really fell na with the guys na na-link sa akin," sabi ni Rhian, referring to Richard Gutierrez and JC de Vera. "Pero talagang ganoon yata ang kapalaran ko. Hanggang almost lang. They were not meant to be."

Alam daw kasi ni Rhian ang priorities niya.

"Ang palagay ko lang diyan, para maibigay ko siguro nang buong-buo ang sarili sa lalaking makatutuluyan ko in the future, dapat ay naabot ko na ang mga pangarap ko. One by one, natutupad naman ang mga pangarap ko, and each time, nagiging better person ako.

"Marami pa akong dapat patunayan. Lahat 'yan, pinagsisikapan ko para kung sakaling lumagay ako sa tahimik, talagang yun din naman ang magiging priority ko. Sa ngayon, bata pa naman ako para gawing top priority ang pag-ibig," sabi ng young actress.

Pero paano niya nagagawa ang magkontrol?

"I'm good at that!" natatawang sagot ni Rhian. "Gaya ng sinabi ko, I know my priorities kasi. Kung makakasagabal lang sa akin, bakit ko pipilitin? At saka hindi pa talaga dumarating siguro yung dapat para sa akin.

"Nasabi ko nga, almost, pero hindi pa siguro talaga yun. Iniisip ko na lang palagi, importante ang career ko ngayon. Dito ako magko-concentrate. So far, magaganda ang nangyayari, and my efforts are paying off."

Kaya mukhang hindi magiging sagabal kay Rhian ang mga lalaki. Karamihan nga ng napapalapit sa kanya, kinakaibigan lang niya kaya walang tumatagal na tsismis.

"Nag-e-enjoy lang ako sa company nila, pero mas enjoy ako sa trabaho. Kasama naman kasi sila sa trabaho ko, kaya okey rin lang. Wala pa namang naglalakas ng loob na manligaw from out of showbiz. Mahirap akong hagilapin, e," sabi ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"HINDI MAHIRAP MAHALIN SI DINGDONG." Yung constant togetherness, paano kung ma-develop siya kay Dingdong, na kapareha niya sa Stairway To Heaven?

"To tell you the truth, hindi mahirap mahalin si Dingdong," pag-amin ni Rhian. "Maasikaso siya sa akin sa set, pero hindi ko binibigyan ng ibang kahulugan yun. Alam ko rin kasi madaling mahulong ang loob ko. Madali akong magmahal. Pero iba kapag si Dingdong na ang nakikita ko. Alam kong hindi siya kasi sa akin. Hindi ko naman ugaling kumuha ng guy na alam kong mayroon nang iba. Marunong akong rumespeto ng iba."

Hantad na kasing sina Marian Rivera at Dingdong na, kaya wala nang malalim na anggulong iikutan ang pagtatambal nina Dingdong at Rhian sa Stairway to Heaven.

"Hanggang ilusyon na lang yun, sa roles na ginagampanan namin," diin pa ni Rhian.

NO ILLUSION TO BE A SUPERSTAR. May mga nagpapalagay naman na hindi pa talaga made si Rhian. Hindi naman kasi niya mapi-please ang lahat.

"Kanya-kanyang opinyon 'yan. Kung sa palagay nila wala pa akong naa-achieve, okey lang sa akin. Masaya na ako na patuloy akong pinagtitiwalaan ng GMA-7. Kasi kung walang nangyayari sa akin, sana wala na silang ibinibigay na assignments. Happy naman sila sa mga narating ko na.

"For as long as maganda ang feedback sa bosses ng GMA-7, I will go on striving harder. At saka alam ko ring tinatangkilik ako ng marami, at thankful ako sa kanilang lahat. I don't aspire naman to be a superstar. Tama na yung kahit paano, lumaki ang pangalan ko, at nakikilala naman ako. Ibig sabihin, hindi nasasayang ang efforts ko," saad ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN