Kiko Pangilinan refuses to be complacent despite survey results

May 5, 2016
<p>Sen. Kiko Pangilinan on secret of successful marriage with Sharon Cuneta: "Twenty years na kami, ha? Wedding anniversary namin. Yun nga ang aming sikreto, ginagawa niya ang gusto niya, at ginagawa ko ang gusto niya."</p>

Masaya si senatoriable Francis 'Kiko' Pangilinan na sa mga huling araw ng kampanya para sa 2016 elections ay buong puwersang sumama ang kanyang asawa na si Sharon Cuneta at ang kanilang tatlong anak.

Isang magandang konsepto nga raw ito tungkol sa family bonding na dapat pamarisan ng ibang pamilya ng ating lipunan.

Pahayag ni Kiko, “Basta may isang may pagsubok o merong kinakailangan ng challenge o trial, you have to be there to support.

“Pag may contest ang mga anak namin, pag merong competition, present kami.

“So, dapat ganun ang pamilya.”

Kaya kahit mayroong torn ligaments si Sharon sa kanyang right knee, lagi pa rin itong nasa tabi ng ng mister upang alalayan ito.

Sa kabilang banda, ganun din daw ka-concern si Kiko sa asawa lalo na’t kaka-celebrate lang nila ng kanilang 20th wedding anniversary noong April 28.

Sabi pa ni Kiko, “Inaalalayan ko kung kinakailangan.

“Ako ang kanyang... hindi lamang crush, ako din ang kanyang crutch.

Continue reading below ↓

“Twenty years na kami, ha? Wedding anniversary namin.

“Yun nga ang aming sikreto, ginagawa niya ang gusto niya, at ginagawa ko ang gusto niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertairment Portal) si Kiko sa thanksgiving dinner na inihanda para sa kanya, sa Celebrity Sports Club, sa Quezon City, kahapon, May 4.

PRE-ELECTION SURVEYS. Sa puntong ito, napag-usapan ang consistently high ratings niya sa senatorial surveys.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Ayon kay Kiko, “Number 2… 3. Sabi nila, hindi pa tapos hangga't tapos.

“Kailangan pang magsipag. We cannot rest until election day.”

Sa tingin ba niya, malaki ang naitulong ng kanyang pagiging former Food Security czar upang maintindihan niya ang tunay na kalagayan ng mga mamamayan, lalo na yung talagang mahihirap?

Tugon ni Kiko, “Well, lalo na yung mga kakabayan nating farmers at fishing group.

“Sila ang pinakamahirap sa lahat ng ating sector.

“So, talagang dun mo makikita kung ano ang mga problema, kung paano sila kikita.

Continue reading below ↓

“Saan ka nakakita na ang average na kinikita ng isang magsasaka ay wala pang dalawang libo?

“So, talagang gutom yun.”

Sabi pa niya, “Yun ang dahilan na rin kung bakit napag-isipan kong bumalik, tumakbo ulit.

“Baka sariling may magagawa ako't matulungan natin ang ating mga kababayang farmers at mangingisda, para tumaas ang kita nila.

“Para masuportahan ng gobyerno at ng lipunan, at private sectors.”

Read Next
Read More Stories About
Sharon Cuneta
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Sen. Kiko Pangilinan on secret of successful marriage with Sharon Cuneta: "Twenty years na kami, ha? Wedding anniversary namin. Yun nga ang aming sikreto, ginagawa niya ang gusto niya, at ginagawa ko ang gusto niya."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results