Mariel Rodriguez clueless about rumor linking boyfriend Zanjoe Marudo to Maricar Reyes

"Actually, I have no idea. Um, hindi ko alam kung bakit sila na-link. Pero feeling ko, kawawa naman siya [Maricar] kasi siya rin yung sinisisi sa breakup ni ano, Luis [Manzano] and Angel [Locsin]. E, kami, hindi naman talaga totoo na nag-break kami," says Mariel Rodriguez (main photo) about reports linking her boyfriend Zanjoe Marudo to Maricar Reyes (insets).


Isa si Mariel Rodriguez sa natuwa sa pagbabalik ng main host ng Wowowee na si Willie Revillame last Monday, September 21. Nauna nang nakita ni Mariel si Willie sa U.S. during their shows there bago pa umapir ulit ang TV host sa noontine program ng ABS-CBN after almost two months.

"I'm so happy that he's back," sambit ni Mariel nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Marami na ang naka-miss sa kanya sa show. At kahit nung nag-show kami sa U.S., na-miss talaga siya ng mga subscribers ng TFC. Parang feeling ko, siyempre, lahat ng nagpunta doon, gusto talaga siyang makita. Alangan namang hate siya nila tapos pupunta sila doon, di ba?"

Pagkatapos ng Wowowee last Monday ay nagkaroon ng chance na makausap ng mga co-host niya si Willie, kabilang si Mariel, sa kanyang dressing room. Nakapila kasi ang sandamakmak na mga taong gustong makausap si Willie that time, including ang iba't ibang TV crew ng ABS-CBN.

"Wala naman siyang sinabi masyado. Binati niya kami, okey naman. Okey naman daw kami ni Pokie [Pokwang]. Nice things naman. Naglalambing kami ng bonus. Parang denied!" natatawang kuwento ni Mariel.

ZANJOE-MARICAR RUMOR. Nilinaw rin ni Mariel ang mga isyu tungkol sa kanila ng boyfriend niyang si Zanjoe Marudo. Kamakailan ay nabalitang nag-break na sila ni Zanjoe. Ano nga ba ang totoo rito?

"Hindi totoo 'yan!" mabilis na tanggi ni Mariel. "Hindi nga namin alam, e. Katatawag lang, tumatawag nga siya. Feeling ko, natapos siya sa presscon ng Lovers in Paris, tapos alam niya na nandito ako, e, sabi ko nagre-rehearse ako."

Nag-react ba siya nang matsismis si Zanjoe kay Maricar Reyes, na kasama rin sa Lovers in Paris, kung saan bida sina Piolo Pascual at KC Concepcion?

"Naawa ako kay Maricar. E, kasi nakatrabaho ko siya sa Precious Hearts. So, nakilala ko rin siya. Feeling ko kasi, dapat meron silang yung Gaano Kita Kamahal. Dapat kay Zanjoe yun, e. Tapos MMK [Maalaala Mo Kaya] din sila. Nasa Lovers in Paris din sila. May mga eksena sila na magkakasamang lahat. Pero hindi rin natuloy yung MMK nila kaya siguro merong mga...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, I have no idea. Um, hindi ko alam kung bakit sila na-link. Pero feeling ko, kawawa naman siya [Maricar] kasi siya rin yung sinisisi sa breakup ni ano, Luis [Manzano] and Angel [Locsin]. E, kami, hindi naman talaga totoo na nag-break kami," pahayag ni Mariel.

Gaano siya kasigurado na hindi idineyt ni Zanjoe si Maricar?

"Hindi naman ako sure dahil hindi naman kami laging magkasama. Like before I left [for the U.S.], he was so busy because he was doing The Wedding and Lovers... at the same time, as in. Minsan dalawang taping ang ginagawa niya. Kawawa talaga siya. So, talagang halos hindi kami nagkikita ng mga days na yun, kaya siguro feelilng ng iba break na kami... Ewan ko, hindi ko alam," saad ni Mariel.

May assurance bang ibinigay sa kanya si Zanjoe na hindi talaga sila lumabas ni Maricar?

"Wala, hindi ko naman... Hindi namin ever naging topic yun. Ano bang inano ko? A, hindi... hindi namin inano. Actually, tinext ko nga si Zanjoe. Sabi ko, kawawa naman si Maricar. So, yun lang."

Hindi niya sinita si Zanjoe tungkol kay Maricar?

"Ay, hindi. Going smooth kami."

NOT IN A HURRY. Saan na ba patungo ang relasyon nila ni Zanjoe?

"Wala, hanggang dito lang muna. Career muna. Wala namang nagmamadali," sagot niya.

Happy pa rin ba siya kay Zanjoe?

"Yes!" natatawang sabi ni Mariel.

Paano sila mag-celebrate ng anniversary ni Zanjoe?

"Wala, wala kaming anniversary. Kasi feeling niya kapag may anniversary, may start, so may end. Pero more or less, last year, mga January."

Kailan naman ang kasal?

"Ay, malayo pa," madiing sabi ni Mariel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN