Marvin Agustin refutes talks that he's a "favorite" of Kapuso network

"Alam mo, kung problema ka sa set, kung hindi ka nakaka-deliver, I don't think the network would trust you for any role. So, kahit papaano naman siguro, huwag naman nating sabihing favorite yun or palakasan yun. Sabihin na lang natin na ginagawa ko nang maganda ang trabaho ko at maayos. Hindi ako sakit sa ulo," argues Marvin Agustin.


From the romantic-comedy series Adik Sa 'Yo, back to heavy drama si Marvin Agustin via GMA-7 Sine Novela Tinik Sa Dibdib, where he reprises the role originally portrayed by Phillip Salvador in the 1985 movie.

"I really enjoyed this, kasi bago na naman, drama. Hindi tulad nung kahit magkasunod ang project na you're playing the same role. So, parang refreshing," sambit ni Marvin sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of Tinik Sa Dibdib last Tuesday, September 22.

Napanood na raw ni Marvin ang original version ng Tinik Sa Dibdib.

"Lahat sila magaling!" bulalas niya. "Phillip Salvador, definitely! Sabi ko nga, yun yata ang time na, wow, nagulat ako."

Sa kuwento, pinag-aagawan ng halos lahat ang character ni Lando, na ginagampanan ni Marvin.

"Oo nga, hirap na hirap nga akong gawin yung mga eksena. Pero sa tulong naman ng mga co-stars ko... Of course, we're doing our best," sabi niya.

SUNSHINE & ARA. Ilan sa mga "makikipag-agawan" para sa kanya sa Tinik Sa Dibdib ay sina Sunshine at Ara Mina. Ano ang masasabi ni Marvin dito?

"Oo! Kaya nga nagpalaki ako rito," nakangiting sabi ni Marvin.

Anong pinalakihan niya?

"Ng katawan!" natatawa niyang sabi. "Kayo talaga! Puro ako gym, kain. Para kapag nadikit ako sa dalawa, since big bones itong dalawa kong kaeksena. Baka magmukha akong pamangkin or anak. So, I have to be buff ng kaunti."

Ayaw namang mamili ni Marvin kung kanino siya mas attracted kina Sunshine at Ara. Pareho lang daw.

Hindi pa raw nakukunan ang love scene niya with Ara. Looking forward ba siya rito?

"Super! Super! Dyusko, saan ka pa ba naman makakakuha ng ganitong klase ng trabaho? Ki-kiss ka na, babayaran ka pa!" tawa niya.

Dahil pang-hapon ang Tinik Sa Dibdib, binawasan ba nila rito ang mga love scene?

"Meron din, pero hindi nga lang masyado. Maski naman sa gabi, hindi rin naman gano'n kagrabe."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KAPUSO FAVORITE? Hindi halos nabakante si Marvin dahil pagkatapos ng Adik sa 'Yo, may panibago siyang serye agad, bukod pa sa ibang mga projects niya. Minsan na siyang naintriga na isa sa "favorite" ng Kapuso network dahil hindi nga siya nawawalan ng project. Ano ang reaksiyon dito ni Marvin?

"Naku, huwag na! Sanay na 'ko sa mga ganyang intriga. Basta ako, magsu-shooting ako, magte-taping ako, tapos! Wala nang mga isyu-isyu," aniya.

Dedma na lang siya kahit sinasabing may malakas daw siyang kinakapitan?

"E, ano ang sasabihin ko?" balik-tanong niya. "But I guess, alam mo, kung problema ka sa set, kung hindi ka nakaka-deliver, I don't think the network would trust you for any role. So, kahit papaano naman siguro, huwag naman nating sabihing favorite yun or palakasan yun. Sabihin na lang natin na ginagawa ko nang maganda ang trabaho ko at maayos. Hindi ako sakit sa ulo."

MARVIN'S RESTAURANTS. Walo na ang restaurants na pag-aari ni Marvin. Kaya tinutukso siya ng marami na ang yaman-yaman na niya siguro.

"Hindi totoo 'yan! Puro utang yun!" natatawa niyang sabi.

Hindi pa ba siya kuntento sa mga naitayo na niyang restaurants? Siya mismo ang nagbalita na meron na naman siyang panibagong bubuksan.

"Merong contentment sa puso ko and I'm very happy," sabi ni Marvin. "Alam n'yo, kanina lang, may pinag-uusapan kami ng partner ko na isang artista sa Amerika. Hindi ba sa Amerika, parang wala silang kakuntentuhan kaya nasisira ang takbo ng buhay nila? Hindi nila alam i-handle ang happiness, yung ganoon. Kaya sabi ko sa kanya, dapat talaga, kaya mong i-balance. That you can gain for more and ask for more. Pero dapat talaga may happiness at contentment sa puso mo."

Ano na lang ang masasabi niyang kulang sa buhay niya?

"Wala namang kulang. So far, I'm very happy. I'm sure, palagi namang may kulang sa buhay natin. But why do we focus sa wala tayo? E, ang dami-dami naman na meron tayo. Doon nalilito ang ibang tao, e. Tinitingnan nila ang baso ng half-empty," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about a family of his own, or a partner?

"You can say that. It could be great kung meron. Kung wala, okey lang din naman," sagot ni Marvin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN